Chapter 8

128 8 14
                                    

Nasa Misa

Naluto na ang adobong kangkong kaya hinanda na namin ang hapag. Tumulong parin siya dahil ayaw naman niyang magpapigil. Siya ang naglalagay ng plato at ako naman sa mga kubyertos.

"One, two, three..." bilang niya sa mga plato. Napangisi ako. He loves counting. Binilang niya rin kanina kung ilang hiwa ang nagawa niya sa luya. Nahiya pa nga siya kanina dahil sobrang lakas ng tawa ko.

"I don't know why I always count. Sometimes, out loud. Most of the time, in my head," paliwanag niya kanina.

Ayan. Binibilang naman niya ngayon ang kubyertos. Ang cute lang. Parang kinder!

"Ilan?" asar ko at mas lalong ngumisi. Ngumuso siya.

"You're making fun of me."

"I'm not!" Natatawa kong sabi. "Tinatanong ko lang, baka kulang."

"Uh huh. Okay..." taas ang kilay niya nang sinabi iyon. He knows that I'm poking fun on him that's why my smile widened.

Inilapag ko ang mangkok ng giniling na baboy. Lumapit siya sa akin.

"What's next?"

Ngumuso ako sa kaldero. "Kuha ka ng kanin."

Tumango siya at ngumisi ulit. I'm still awed by the fact that he's smiling at me. Siguro kasi masungit 'yong first impression ko sa kanya. Mabait naman pala siya. Minsan, seryoso nga lang. Ganyan talaga siguro ang mga businessmen. Katulad ni Dimitri. Palaging seryoso.

"Okay na ba?" Pinakita niya sa akin ang kanin na nilagay niya sa plato. Tumango ako kaya inilagay na nila iyon sa mesa.

"That's it. Should I call them?"

Ngumiti ako. "Sure. Magtitimpla lang ako ng iced tea."

"Magtitimpla ka? Titingin ako."

Kumunot ang noo ko pero napangiti parin. Aside from counting, he also loves to observe. To learn what's new. Napatunayan ko 'yan ngayon.

"Sige, mamaya na natin tawagin." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng baso at nilagyan 'yon ng kaunting tubig.

"Ganito ako magtimpla ng iced tea..." paliwanag ko. Inilagay ko ang isang maliit na pakete ng iced tea sa baso na may tubig at tinunaw iyon. Pagtapos ay pinakuha ko sa kanya ang pitsel ng malamig na tubig at inilagay doon.

"Done." Tumango siya at ngumiti.

"Thanks. For teaching me all of these."

Ngumiti ako. "No problem."

"Hashtag! Ten ten ten ten!" Nagulat ako sa sigaw ni Trinity at Vicky. Napalayo ako kay Job.

"Tapos na ba?" Basa ang buhok ni Vicky. Halatang kakaligo lang. "Gutom na kami!"

"Yes. It's done," sagot ni Job at inayos ang tupi ng polo niya.

"Ikaw nagluto, Sir?" Tanong ni Vicky pero nakatingin sa akin, nakataas ang dalawang kilay.

"Dalawa kami," sagot ni Job at tumingin sa akin.

"Petsum," komento ni Trinity. Ano na namang lengwahe 'yon? Parang alien 'tong si Trins.

"Lafang na us! Gutumins nahins!" Sigaw niya at pumunta ng sala para tawagin si Nanay at si Beca.

"What did she say?" Bulong ni Job pero alam kong natatawa siya.

"Don't mind her. She's lunatic," bulong ko pabalik at ngumisi din.

Nagsimula kaming kumain. As usual, maingay ang hapag dahil sa Powerpuff Girls. Paminsan-minsa'y natatawa si Job dahil sa kabaliwan nila.

Sinking Deep (Z SERIES #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें