Chapter 29

107 6 18
                                    

Ang tagal kasi ma-DL ng episode 9 ng GOT kaya eto. Hahahaha ge.

---------------------------

Someone To Lean On

After Carlos and I talked, my siblings and I went to this famous seafood restaurant. I'm not hungry, though. Fourth, too. Sinamahan nalang namin ang mga lalaki naming kapatid na magtry ng mga pagkain. 

They ordered various seafood, and it's funny because they don't know how to eat it.

"Akin na nga!" natatawa kong sabi at kinuha ang alimasag. Hinawakan ko iyon sa malambot na parte at hinati sa gitna. Ibinigay ko kay Third ang isa at kay Dimitri ang isa. 

"Thank you, Ma," asar ni Third at humagalpak. Umirap ako. Kanina pa niya akong tinatawag na Mama dahil kung makasermon daw ako ay parang si Mama.

I sighed. I miss her... And Papa, too.

Pagtapos nilang kumain ay naglakad-lakad pa kami. Nakakita kami ng Henna Shop kaya pumasok kami doon para magpalagay ng henna tattoo.

"Ito sa'kin!" turo ni Fourth sa isang crown. "Gusto ko dito sa batok. Hmm... Lahat nalang sa batok para pare-parehas tayo,"

Ngumiwi ako sa suggestion niya pero wala na akong magagawa. With Fourth, your argument is invalid. Besides, matatakpan naman ng buhok ko kapag sa batok so okay lang.

Pinili ni Third ang dragon head na nag-hugis apoy. Si Dimitri naman ay wolf head. Ang akin naman ay ang symbol ng faith, hope and love. Nang matapos kami ay nagpa picture pa kami sa tattoo artist.

"Shot!"

Nandito kami ngayon sa isang bar. It's a wet party. Ayoko na sanang sumama dahil hindi ako sanay sa ganito pero mapilit si Fourth. Ayoko namang magtampo ang kapatid ko kaya kahit nahihilo ako sa ilaw sa loob ay sumama ako.

Binigyan ako ni Fourth ng isang inumin. Nakangisi siya. The place is kind of dark but I could see Fourth's blushing face because of the alcohol she drank.

"Come on, Ate," she giggled. I took it and drank all the way down. Ngumiwi ako nang maramdaman kong gumuhit iyon sa lalamunan ko.

"Woooh!" sigaw niya at hinila ako sa gitna ng dancefloor. Nagtatatalon siya lalo na nang mabasa kami ng tubig. Sumunod sina Third at Dimitri at pumaligid sa aming dalawa. Naririnig ko silang tumatawa.

"Dance, Ate!" sigaw ni Third at inangat-angat ang dalawa kong braso. Natawa ako nang pumalibot silang tatlo sa akin at sumayaw. Third made his weird dance moves that made me laughed so hard. Ginaya ko siya kaya natawa ang mga kapatid ko.

We laughed, danced, drank... We were lost in our little world. And it made me so happy.

Tawa parin ako nang tawa kahit na nasa villa na kami. We decided to be in the boy's villa because we're drunk. Yes, I am drunk, too. I've never been so loud like this so I don't want to disturb Nanay.

Hinagisan ako ni Dimitri ng t-shirt at boxer shorts. I could see his reddish nose and cheeks because of the alcohol we drank, and because of the sun earlier.

"Wear it, lady. You, too." Hinagisan din ni Dimitri ng t-shirt at boxers si Fourth na halos nakapikit na sa couch. Ngumisi ako at isinuot iyon.

"Let's drink some more!" sabi ko pagtapos suotin ang damit.

"That's enough, Ate," hagikhik ni Third. "Bukas nalang."

I pouted. "But I want to drink pa."

"Tomorrow. Promise. But for now, let's sleep, okay?" sabi ni Dimitri at tinapik ang noo ko. Pinahiga na niya ako sa kama at binalutan ng kumot. Binuhat naman ni Third ang kambal niyang tulog na tulog na at inilagay sa tabi ko. She grunted and cursed her twin when Third pinched her nose. We laughed because of that.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now