Chapter 4

153 8 8
                                    

Oceans

Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos sa pag-uusap. It felt so good talking with him like this again. Alam mo 'yong pakiramdam na palagi mo naman siyang nakikita pero nami-miss mo parin siya nang sobra?

Paano pa kaya ngayong aalis na siya?

"Kaya mo pa ba magdrive?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya uminom. Tinanong ko siya dahil alas-dos na ng madaling araw.

"Yeah."

"Sure? Baka inaantok ka na? Mapano ka pa sa daan."

He smiled. "I'm fine, Jen."

Tumango ako at hindi ko na naman maiwasang manahimik. Unti-unting nanuot sakin ang lungkot. He's leaving with Third. They will leave me.

But it's my fault anyway. I left them in the first place.

"Penny for your thoughts before I leave?"

I sighed and forced a smile. His face softened again. He knew what I was thinking.

"Hindi ko alam kung bakit ko nagawang magalit sa'yo nang sobra-sobra. I'm a nun. I was taught to follow the Words of God. Isa na ang pagpapatawad at hindi pagtanim ng galit. Pero ginawa ko parin. At sa'yo ko pa ginawa."

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Inakbayan niya ako at bumuntong hininga pero ngumiti rin agad.

"It's my fault. Kung hindi ko ginawa 'yon..." aniya at hindi na tinuloy pa ang sasabihin. Kahit na hindi niya ituloy 'yon ay alam na namin kung ano pa iyon.

"But we've already forgiven each other, haven't we?" He smiled and ruffled my hair. He laughed when I pouted. Kinurot niya nang marahan ang ilong ko.

"Don't worry, Gen. Babalik din naman ako. I just need a break from this life. You know that."

"I'm sorry if I added up on your burden."

Ngumiti siya. "We're okay now, right? It's already in the past. It won't make any sense if we still keep on talking about it."

I sighed. Tama siya. Case closed na nga, kumbaga. The past gave us the lessons we should always remember. Pero ang aral ang dapat na tandaan, hindi ang pagkakamali na nagbigay ng sakit.

"I'm gonna miss you, little girl."

I smiled. "Me too, big boy."

Hanggang sa trabaho ay sila ang naiisip ko. Hindi ko parin maiwasang malungkot nang sobra. Kahit na ilang araw na ang lumipas. Minsan talaga kahit na alam mo at naniniwala kang babalik sila, may mga oras talagang matatakot ka. At ang takot na 'yon ay madadagdagan ng lungkot. Hanggang sa maiisip mo na "babalik pa ba sila?"

Fear and loneliness can really bend down your faith.

"Nakatulala ka na naman."

Nilingon ko si Vicky na nakatingin din sa akin, nakakunot ang noo.

"Ano? Kakainin mo ba 'yan? Okay lang naman kung ako nalang," natatawa niyang sabi.

"Takaw." Sabi ko at sumubo ng kinakain ko.

"Isang oras ang break. Mga 45 minutes ka atang nakatulala. Si Tri ba?"

Tumango ako at uminom ng juice. "Oo."

"Bati naman na kayo, eh."

"Oo nga. Nag-aalala lang ako kasi umalis na siya."

Kumunot ang noo niya. "Teh? May tinatawag kasing dasal. Madre ka ba talaga?"

Binato ko siya ng buto ng manok kaya natawa siya. Umiling nalang ako. Nang matapos siya sa pagtawa ay tinanong niya ang isa pang nagpapabagabag sa akin.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now