Chapter 17

132 8 43
                                    

Dedicating this again to Alexszandria because of her lovely story dedicated to me haha. Labyu Ria!

Guys! Read To The Hearts We Break. Kakaumpisa palang but the story is promising <3

---------------------------------------

Test of Faith

Natapos na namin ang apat na stations. Nakakapagod pero masaya. Masaya akong nakikita silang lahat na masaya. Masarap pakinggan 'yong mga tawa at pang-aasar nila sa isa't isa. I really love this family. Nakakalimutan ko ang mga problema ko. 

At mas nakadagdag sa kasiyahan ko ngayong araw ang makasama si Job. Si Job na ngumingiti, tumatawa at nakikisama sa iba. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. All this time I thought he's like the other businessmen out there. 'Yong walang pakialam sa ibang tao. Pero napatunayan ko na isa rin si Job sa amin. Hindi nga lang sa estado ng buhay, pero sa pakikisama.

My heart keeps on fluttering every time Job looks at me. Maybe I like him now. Pero natatakot parin ako sa pwedeng mangyari. Ano ba ang gagawin ko pagkatapos nito? Bakit ko ito nararamdaman sa kanya at hindi sa iba? 

Ano na ba ang plano ko? Plano ko pa bang bumalik sa kumbento at maglingkod bilang madre? O magsimula ng panibagong buhay bilang isang bagong Genesis?

Noon, alam ko kung ano ang gusto ko sa buhay. Nang dumating si Job, parang nawala lahat. It's like I'm on a treasure hunt again.

"Last station na shet sa wakas!" sigaw ni Beca. "Hindi ko kinaya 'yang Teamwork Station!"

Tinutukoy niya iyong ginawa namin kanina sa rooftop kung saan may tig-isa kaming kandila. Kailangan naming pumunta sa kabilang side ng rooftop pero dapat nakasindi parin ang kandila. Wala namang hangin dahil tirik ang araw, pero pinapaypayan ng mga facis ang kandila kaya kailangan naming takpan iyon. Napaso pa nga ako na ikinagalit ni Job. Napapangiti ako kapag naaalala ko iyon.

Kinikilig ata ako.

"Saan ba ang last station natin? Station five 'yon 'di ba?" tanong ni Job kay Beca. Napanguso ako. Bakit kay Beca siya nagtatanong?

Pinunasan ni Beca ang mukha niya habang nakaupo sa gutter. "Sa katabi daw ng simbahan sa labas. Ayoko na! Kayo nalang!"

"Pagod nako, Kuya," reklamo rin ng isa naming ka-teammate. Ngumiti lang si Job at tinapik siya sa balikat.

"Kapag nanalo tayo, ililibre ko kayong lahat."

"Madali naman akong kausap, Job! Tumabi nga kayo!" sigaw ni Beca at nauna nang maglakad papunta sa Station 5. Natawa nalang kaming lahat sa kanya. Naiiling na sumunod ako sa kanila.

"Tired?" tanong ni Job sa akin. Binigyan niya ako ng towel. Nag-aalinlangan pa akong kunin iyon pero kinuha na niya ang kamay ko at inilagay ang towel. 'Yan na naman ang kuryenteng nararamdaman ko na siya lang ang nakakapagbigay.

"Lahat naman tayo, pagod na," natatawa kong sabi at pinunasan ang mukha ko. Ang bango ng towel niya.

"Me too," aniya. "But I'm happy. I've never been this happy for so long."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya pero may ibang ipinapakita ang mga mata niya.

"Thank you, Genesis. I've never been this happy. I'm glad you came."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka ba masaya noon?"

Seryoso niya akong tinignan. "I told you, Genesis. You've awaken me."

Ngumuso ako. Gusto ko pa siyang tanungin. Pero sino ako para tanungin iyon?

Hindi ko nalang muna inisip iyon. Siguro, kapag nagkakilala na kami nang lubusan...

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now