Chapter 12

120 8 30
                                    

Sasama Ako

Two weeks had past and I never saw Job again. Not that I'm looking for him, though. I'm just still bothered with our conversation noong birthday ni Nikki. Gusto kong linawin ang lahat. Ayoko nang ako lang ang nalilito at natatakot sa sitwasyon namin.

Kung ano man ang sitwasyon namin...

Agad narin naming napaopera si Nanay at successful naman ang operasyon. 'Yon nga lang, kailangan paring maggamot katulad ng chemotherapy para tuluyan nang mawala ang cancer cells sa colon niya. Hihintayin munang gumaling ang opera ni Nanay bago gawin 'yon. I will always be thankful to our Lord God for this blessing.

Sa ngayon ay si Nanay ang pinaka-iniisip ko, maliban sa mga activities ng YOSP sa susunod na linggo. Biyernes ngayon at may Stations kami. Naniningil na ngayon si Beca at ang masisingil dito ay ipapadala na doon sa Bataan para may panggastos na sila doon kahit papaano.

"Hanggang Friday next week nalang ang magbabayad ha. Tapat na 'yan," tinatamad na announce ni Beca at humikab. "Pila na sa mga magbabayad."

Pumila na ang mga magbabayad para sa Feast Day. Isinulat ko na rin sa white board ang mga dadalhin nila sa susunod na Linggo. 

Napatingin ako kay Jepoy na nakasimangot sa akin pero ngumiti rin agad.

"Ate, gusto kong sumama."

Napakurap pa ako pero na-gets ko rin naman agad ang sinasabi niya. I gave him a thumbs up.

"Guys?" singit ko sa maingay at ngumangawang si Beca. Napatingin sa akin ang lahat.

"May mga gusto bang sumama pero walang pambayad?"

Agad na nagtaasan ang mga kamay ng mga kasamahan naming walang trabaho, estudyante at kapos sa buhay. Binilang ko at umabot sila ng pito. Apat na walang trabaho at tatlong estudyante. Kumuha ako ng papel at sinulatan iyon.

Donation

"Pwedeng magdonate para kina Jepoy. Ilagay dito. Kahit magkano, para makasama sila." Una akong naglagay ng 500. Apat na walang trabaho na agad ang makakasama dahil 'don.

"Tatlo nalang ang walang bayad," sabi ko. Lumapit sina Trinity at nagdonate. Napangiti naman ako.

Gustong-gusto kong nakikita ang mga taong nagtutulungan para mas mapalapit pa ang iba sa Diyos.

"Happy family, yayks," sigaw ni Trinity at humagalpak. Kumuha siya ng tinapay at binigyan ako kaya kumagat narin doon. "Bait talaga, oh."

Lumapit sina Jepoy.

"Thank you, ate," ngiti nila sa akin.

"No problem."

"I hart YOSP!" sigaw pa ni Trinity kaya nagtawanan ang lahat. Napailing nalang ako. This is why I love being with them. We feel like a family.

"Genesis?"

Napalingon ako sa tumawag. Napalingon din si Trinity. Hindi ko maiwasang magtaka. Why are they here?

Lumapit sina Ashley at ang inaantok na si Carlos sa amin. Napatingin ang lahat sa kanila.

"Hi, peeps," kaway ni Carlos sa lahat at humikab. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo niya at ngumiti sa akin. "Hi, beautiful."

"Man--"

"Yes, Ashley?" asar ni Carlos. "Nasa simbahan pala tayo, no? Man ano?" at humagalpak. Umirap lang si Ashley at humarap sa akin ulit. Tinignan ako ni Ashley at iminuwestra ang garden. She likes some privacy, alright. Sinenyasan ko si Trinity na patahimikin sila.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin