Chapter 38

101 5 22
                                    

May ginawa lang pong thesis. Sorry for the delay? Haha

-------------

No Matter What

Hindi na kami nakabalik ng ospital ng gabing iyon. Mahimbing na kasi ang tulog ni Job kaya hindi ko na siya ginising ulit. Bumalik na rin ako sa tulog matapos kong tawagan si Richard gamit ang cellphone ni Job. Baka kasi ay mag-expect sila na babalik kami.

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog na tulog pa rin si Job kaya hindi ko muna ginising. Nagluto nalang ako ng almusal namin para paggising niya ay makakain na kami at makapag-ayos.

Pagtapos kong magluto ng almusal ay binalikan ko si Job sa kwarto na tulog na tulog parin. Umupo ako sa gilid ng kama para tignan siya. His peaceful face was illuminated by the rays of the sun coming from the window. 

I touched his cheek and smiled. I still have this question in my mind: what did I do to have this man in my life?

Memories flashed in my head. The day I first met this man. His stare... It took all over me. Para bang sa titig niyang iyon, nahawakan niya ang buong mundo ko. And the first time I heard his voice sent shiver down my spine. His voice is like the newest creation I could ever encountered in my entire life. Pinilit kong hindi pansinin ang mga titig at ang presensya niya pero hindi ko nagawa. Hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa buhay ko. 

Hindi ko aakalaing mamahalin ko siya nang ganito. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong magmamahal ako nang ganito. At nagpapasalamat ako sa Panginoon na ibinigay niya sa akin si Job.

Job is my turning point. He gave more meaning to my meaningful life. He changed something in me that I thought that needs no changing. He is now one of the reasons to live in this world. Job did nothing but to love me and yet, he makes me whole again.

Oh, how I love this man so much. Thank you, Lord for this wonderful blessing.

Hinalikan ko ang noo niya at ngumiti.

"Job, breakfast is ready." 

Hinawakan ko ang balikat niya at ginalaw iyon. Bahagya siyang gumalaw kaya mas pinaigi ko pa ang paggising sa kanya. Maya-maya ay dumilat narin ang mga mata niya. His hazel eyes instantly made me even more drowned in him.

I smiled when he smiled at me.

"Good morning!" bati ko. Mas lumawak ang ngiti niya.

"Good morning, love," bati niya pabalik. Pero kumunot ang noo niya agad. "Hindi mo ako ginising kagabi?"

Oh, that.

"Hindi na. Pagod na pagod ka, eh. SInabi ko nalang kay Richard na hindi tayo makakabalik. Tita Matilda si okay. Tinawagan ko ulit si Richard kanina."

Nakatitig lang siya sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya patayo ng kama. Doon lang siya ngumiti ulit. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa balikat.

"Thank you for being here, Genesis. I love you~"

Natawa ako dahil pakanta niyang sinabi ang three words na iyon. Hinarap ko siya at kinurot sa ilong.

"I love you, too~" paggaya ko sa kanya at ngumiti. "Kumain na tayo para makabalik na tayo sa ospital."

Pumunta na kami sa kusina para makakain. Malaki ang ngiti ni Job na paminsan-minsan ay napapatingin pa sa akin. Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Siya naman ay pinagpa-ligo ko na para makapunta na siya sa ospital.

Uuwi muna ako para makapag-ayos din. Kung dito kasi ako maliligo ay wala naman akong dalang damit.

The smell of Job's shower gel and aftershave mixed with his perfume instantly filled up the room. Nakasuot na siya ng gray polo shirt at jeans. May towel siyang hawak at pinapatuyo ang buhok. Nang makalapit siya ay kinuha ko iyon at ako na ang nagpatuyo ng buhok niya. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya kaya napapangiti narin ako.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now