Chapter 6

131 8 21
                                    

Hi


Tawa parin sila nang tawa at ako naman ay parang ewan na nakatingin lang sa kanila. Halos maiyak na sila sa kakatawa. 

Hindi ko sila magets!

"Pa--," hingal na sabi ni Vicky at tumawa ulit. Ngumiwi ako dahil sila lang ang nagkakaintindihan. Ano ba ang nakakatawa?

"Paano ulit?" natatawang sabi ulit ni Vicky. "I won't let Genesis ride a motorbike again?"

"Korak!" sagot ni Trinity. "Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano," aniya at tumawa.

"Kawawa 'yong tao, Trins. Huwag na tayong kiligin. Sobrang mali non," singit ni Beca. "Pero shet. Sige na nga! Kinilig talaga ako."

"Troat!" biro ni Vicky at nagtawanan ulit. 

"Ano bang sinasabi niyo?" singit ko.

Umirap si Trinity. "Ang slow!"

"Paanong slow eh hindi niyo naman pinapaliwanag sakin?" Naiirita kong sabat. Ngumiwi silang tatlo.

"Si Job!" bulalas ni Trins at hinila ako sa upuan. Sumunod ang dalawa at tinignan ako nang mabuti.

"May gusto ata sa'yo 'yong tao," bulong ni Beca.

"Mahabaging langit, sa maling tao pa nagkagusto."

"Troat! Sa madre pa!"

"Kawawa."

"Teka nga!" reklamo ko. "Paanong may gusto? Kakainis 'tong mga 'to."

Natahimik silang tatlo at tumingin sa'kin. Kumunot ang noo ko at umiling.

"Uy, Henesisa! Baka may gusto ka na dun ha?"

"Ano?!" bayolente kong react. "OA ha. Magtigil nga kayo. Tumigil ka," banta ko kay Trins nang hinawakan ako sa braso. Natawa naman siya.

"Katakot! Rawr!" asar niya at humagalpak. Umiling nalang ako at pumasok sa kwarto ni Nanay para kamustahin siya. I saw her already sleeping. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinalikan ang noo niya. But something tugged my heart.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na pwedeng mangyari sa kanya. Sa akin. Sa ating lahat. Sometimes I wonder, will my mother wake up the next day? Or me, will I wake up? How about the others? Bukas ba, makikita ko parin sila?

This is what I hate to myself. Tinuruan akong magkaroon ng malakas na pananampalataya sa Kanya. Pero habang tumatagal, doon ko narerealize na hindi sapat ang mga aral na iyon kung mayroon kang mahinang puso. At hanggang ngayon, pinipilit ko paring magkaroon nang ganoon.

Lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

Hinaplos ko ang buhok ni Nanay bago ako lumabas ng kwarto niya. Pagkalabas ko ay nandoon parin ang tatlo sa lamesa, nag-uusap-usap. Parang mga Powerpuff Girls. Napangisi ako sa naisip.

"Seryoso. Delikado siya," rinig kong sabi ni Trinity. 

"Eh may isip naman na 'yon. Alam na niya ginagawa niya--" rinig kong sagot ni Beca bago ko isarado ang pintuan ng kwarto para makaligo.

Maaga akong nagising kinabukasan kahit na napuyat kami sa panonood. Tabi-tabi kaming natulog sa sala at nagmovie-marathon. Hindi narin napag-usapan ang kung ano man ang pinagtatawanan nila kagabi. Hindi narin naman kasi ako nagtanong. Tatawanan lang nila ako at maiirita lang ako lalo dahil wala rin naman silang balak sabihin.

Nagluto ako ng almusal para sa lahat matapos maligo. Sakto namang lumabas na si Nanay mula sa kwarto niya. Check-up niya ngayon. Nginitian ko siya.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora