May boyfriend ka na?? Tanong niya. Umiling ako at tipid ang ngiti na nagangat ako ng ulo. Para magkaharapan kami. Sa mesa kung saan magkatapat kaming nakaupo. Habang siya ay naghahalo ng macaroni salad niya na pinagsikapan niyang gawin. At ako naman ay nag gadgad ng cheese.

Wala pa... Mahina kong tugon.

Inlove ka?

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot. Mabuti nalang at iniba na niya ang usapan.

Gusto ko maging memorable ang araw na to,, pagkatapos kasi ng gig ni Kaye sa Sabado by Monday babalik na ako ng London.. Sabi niya. Kaya naman salamat talaga dahil nandito ka para tulungan ako... Nakangiting sabi niya.

Aalis na naman siya. Tiyak na malulungkot na naman si Kaye. Makahulugan ang mga tingin ko ng titigan ko siya ulit. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nais kong sabihin.

Antoinette... Sambit ko. Nag-angat siya ng ulo, at nakangiting hinarap ako.

Yes...???

Bakit hindi ka nalang magstay dito kasama si Kaye??? Kinabahan ako sa pagtatanong ko,,para akong hindi makahinga at parang gusto ko magsisi na naibulalas ko pa yon. Nabitiwan niya ang hawak niyang sandok at matamang nakatitig sa akin.

Hindi pwede, nandoon ang trabaho ko, ang career ko.. Isa pa...tumigil ito sa pagsasalita. Ilang segundo itong natagalan bago muling nagsalita.

Complicated kami ni Kaye,, sa side ng family ko. Ang bakasyon ko na to ay hindi alam ng pamilya ko.. Dugtong pa niya.

Mahal ka niya, at mahal mo siya hindi pa ba sapat yon? Hindi ba pwedeng ganoon lang kasimple? Hindi ba pwedeng hindi maging kumplikado ang lahat para sa inyo? Seryosong tanong ko.

Hindi mo naiintindihan, Yassi. Hindi porket mahal namin ang isat-isa ay pwede na, kailangan ko pa ring isipin ang mga tao sa paligid ko,at ang kagustuhan ng pamilya ko.. I know in the right time na makakamit din namin yon,,pero hindi pa sa ngayon... May lungkot sa mga mata ni Antoinette habang sinasabi niya ang mga bagay na yon.

Kailan? Tanong ko. Napatingin ulit siya sa akin.

Hindi ko alam.. sagot niya.

Hindi ka ba naaawa kay Kaye? Lagi mo siyang pinagaantay?

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن