Kabanata 48 Part 3: Day 3

Start from the beginning
                                    

"Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong ako ang mangkulam sa'yo!" saad ni Kazuya matapos niyang hampasin ng dyaryo sa ulo si Yamada.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kaya nga magaling ang anak mo na dito niya pinasok si Miro-hime. Tingnan mo, marunong na siyang ngumiti! ~"saad ni Yamada at sila'y tumingin sa isang monitor kung saan makikitang nakaupo si Miro na abala sa panonood ng pagsasanay.

Pinagmasdan nila ito. Naghihintay ng isang matamis na ngiti ang lahat mula kay Miro, ngunit sila'y bigo. Kahit isang kurap ng mata nito'y bigo silang makita.

Seryoso namang lumingon si Kazuya kay Yamada."Ginag.go mo ba ako?"

Napatingin at napakamot lamang si Yamada sa kanya. "Eh kanina nakita kong ngumiti eh! Di mo lang naabutan pero sigurado ako! Hahaha! ~"

"Parang di ka naman na sanay sa apo mo. Alam mo namang swertihan lang matiyempuhan yung ngiti nun."dagdag pa ni Yamada.

"Alam mo... hindi nako magtataka kung bakit... "tumingin muna si Kazuya sa mga estudyanteng narito sa loob ng silid bago ituloy ang sasabihin. "ganito ang mga istudyante mo... " muli naman siyang tumingin kay Yamada na ngayo'y nakakunot na ang noo. "nagmana kasi sa'y--*Boogsh* "

*GASP*

Lahat ng istudyante sa loob ng silid na ito ay gulat na gulat sa ginawa ni Yamada kay Kazuya pwera lang kina Blue, Green at Pink.

Hindi na kasi bago sa kanila ang pag aaway ng dalawa. Nakasanayan na nila ang ganitong eksena.

Tumayo na si Yamada at nilapitan siya ni Green upang ayusin ang suot niyang coat. Samantalang nanatiling nakasubsob ang mukha ni Kazuya sa pancake na inihanda pa sa kanya ni Yamada.

"Tumanda ka nalang talagang ganyan...ang maging abnoy. Daig kapa ni Ashton, marunong rumespeto sa kapwa. "saad ni Yamada na cool lang ang awra pero sa loob nito ay sagad na sa buto ang pasensya niya sa kaibigan niyang matabil ang dila.

Iniangat na ni Kazuya ang kanyang mukha mula sa pagkakasubsob sa pancake at matalim na tumingin kay Yamada.

"Tsk! Diba sinabi ko na sayo na h'wag mong kakalimutan yung syrup?! Alam mo namang hindi ako makakakain nito pag wala nun!"ngitngit niya kay Yamada na lalong ikinagulat ng mga istudyante.

"Tsk!"napakamot na lamang si Yamada sa inis dahil nga sa nakalimutan niya ang syrup nung ihanda niya ang pancake kanina kay Kazuya. Lumingon siya sa isa sa mga istudyanteng babae rito atsaka nagsalita,"Ikuha mo nga 'tong matandang 'to ng syrup! Bilisan mo! ".

"O-opo. "(._.)

"Anyway, saan na nga ba tayo? "pagtatanong ni Kazuya kay Yamada habang hinihintay ang syrup ng kanyang pancake. Hindi manlang ito nag abalang alisin ang ilang parte ng pancake na nagdikit sa kanyang mukha at muling dumekwatro ng upo.

"Na di ko dapat nalimutan yung syrup dahil hindi ka makakakain pag wala yun?"tanong ni Yamada at muling bumalik sa pagkakaupo.

"Hindi !"mainis na sabi ni Kazuya.

" Yung sinabi mong mana sa'kin ang mga istudyante ko sa katar.nt.duhan?"tanong ni Yamada.

"Hindi! Yung huli mong sinabi!"

"Eh ano ba?! Na abnoy ka?! "

Napailing na lamang ang tatlong kambal (Green, Blue at Pink) dahil sa walang ka kwenta kwentang pag-uusap ng kanilang mga Master.

"Hay, ang wiwirdo talaga ng mga matatanda"mailing iling na sabi ni Pink.

"Yeah."sang-ayon ni Blue.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now