♥ Special Chapter ♥

Start from the beginning
                                    

“Waah Kuya? Kawawa ka naman” Napalingon ako sa kakambal ni Jimuel na si James na kararating lang dito sa bahay. Tumayo ako at agad piningot ang tenga niya.

“Hindi lang Kuya mo kawawa. Tulungan mo sila” Sabi ko at itinulak siya sa may pool. No choice siya dahil may kasalanan siya sa amin. Kinunsinte niya kasi sila Jimuel. Pinagtakpan niya ang mga ito. Sabi niya nagmomovie marathon sila Jimuel sa condo niya, 'Yun pala nagba-bar hopping na 'yung apat.

Kunsintidor diba?

Bumalik ako sa upuan ko habang hinihilot-hilot ang aking sentido.

“Easyhan niyo kasi. Haha. Masyado kayong hot e” Sabi ni Athena habang tumitingin sa amin ni Aphro

“Oo nga. Haha” Sabi pa ni Jas na mukhang tuwang tuwa pa na pinapanood ang boyfriend niyang si Brandon. Sabagay, what do we expect from her? E once in a blue moon nga lang kung mag-away ang dalawang 'yan e. Minsan hindi mo pa mamamalayan na nag-away pala dahil biglang bati na rin agad. Gosh i hate drugs.

“Nalulunod si Jimuel” Napasimangot ako sa sinabi ni Athena. Pantanga lang? Pano malulunod e mababaw na nga yung tubig sa pool.

“Grabe my loves!! Hindi ka man lang tumayo riyan?Pano na lang pag nalulunod na talaga ako?” Sabi ni Jimuel habang nakahawak sa dibdib niya na parang nasasaktan

“Edi tsaka ako tatayo rito para iligtas ka. Ayokong mawalan ng panget na boyfriend nuh” Sabi ko kaya naghiyawan sila.

“Yieh! I love you my loves” Sigaw niya kaya napangiti ako

“I love you too. Back to work” Sabi ko kaya napanguso pa rin siya.

Parusa nila 'yan e. Haha.

ROSELYN JASMINE EUN POV

Minasahe ko ang likod ni Brandon na nakasimangot dahil sobra raw siyang napagod sa pinagawa namin. Haha. Consequence 'yun ng pagpunta nila sa bar ng hindi nagpapa-alam sa amin.

“Babe, kuha mo naman ako ng food” Paglalambing niya saken kaya tumango ako at hinalikan siya sa noo bago pumunta sa kusina para kumuha ng makakain niya. Nadtnan ko roon sila Aina at Jimuel na sigi sa paglamon ng red ribbon chocolate cake na dala ni Hanie. Yeah, Kasali na sa tropa namin sila Hanie, James, Clyde at Anjo.

“Respeto naman po sa mga single!” Pabirong sabi ni Hanie na nandito rin pala. Haha hindi ko siya napansin pramis.

“Aww.. Kawawa naman ang baby Hanie namin” Pang-aasar ni Aina sa kaniya habang pinipisil ang pisngi neto. Well, Mommy at Daddy ang tawag ni Hanie sa dalawang 'to.

“Whatever Mhie! Sasagutin din ako ni lovey duvey ko”

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nililigawan niya raw si James. Haha ewan ko kung seryoso siya o nagbibiro lang. Kumuha ako ng plato at dinamihan ko ang kuha sa chocolate cake. Panigurado kasi magmamatakaw si Brandon. Nakita kong napatingin sila saken sabay ngiti ng nakakaloko. Tss. Alam ko na nasa isip nila. Iniisip na naman nilang nagmamatakaw kami ni Brandon. Bakit ba? Ang sarap kaya kumain.

I flip my hair bago lumayas sa harapan nila kaya nakarinig ako ng tawanan. Miski naman kasi ako ay natatawa sa kalokohang ginawa ko. Pagbalik ko ay agad kong inabot kay Brandon ang platong may lamang cake at umupo sa tabi niya. Tig-isa kami ng tinidor kaya kain kami ng kain.

“Hindi ka galit saken?” Tanong niya habang nakain kami kaya umiling ako. Hindi naman ako galit sa kaniya e. Sinakyan ko lang 'yung trip nila Aphro na magalit sa kaniya. I mean, unfair naman kasi kung sila lang yung galit. HAHA edi nakisali na lang ako. Para na lang din may pag-awayan kami ngayong buwan.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now