Chapter 19 : Coward

305 20 3
                                    

BRENDA AINA SOO POV

"Ganun ?? Anong sabi pa niya tungkol sa ka-prettyhan ko?" masigla kong tanong kay James na kakuwentuhan ko ngayon. Pagka alis ko raw kasi nung isang araw sa Restau ni Auntie Jin ay tuwaang tuwa daw saken. Aba, ang lokong Auntie Jin mukhang clown ang tingin saken, pero char lang. Haha ang cute ko raw at ang saya ko kasama, tapos ang dami ko pang papuri na narinig. Jusko. Overwhelm na overwhelm na ang cute na si ako.

"Haha. Wag na, gandang ganda ka na sa sarili mo e" sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. Lokong 'to!

Pero naalala ko 'yung sinabi ni Auntie Jin sa akin nung magkausap kami.

"Hija," tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya "May gusto ka ba sa pamangkin ko?" tanong niya kaya hindi agad ako makasagot. Si James? Gusto ko?

"Itsura mo pa lang hija, mukhang wala kang gusto sa kaniya. Tell me, tama ako diba?" sabi ni Auntie ni James kaya napatango na langa ko

"May nagugustuhan po kasi ako at.. at.. may hawig po sila ni James.." nahihiyang sabi ko sa kaniya

Ngumiti lang siya at hinaplos ng marahan ang aking buhok, "Alam mo na ngayon na may nararamdaman siya para sa'yo, mukhang napaibig siya sa unang tingin sa'yo. Alam ko na may nakita sya sa'yo na wala sa iba. At alam ko rin na malaki na si James para magpasya para sa buhay nya. Ang gusto ko lang, kapag may problema siya, o di kaya ikaw, huwag kayong mahihiyang lumapit sa akin. At kung sino man 'yung kahawig ni James na nagugustuhan mo, sana hindi ka niya sakntan"

So, ayun nga. Alam ni Auntie Jin kung sino talaga ang tinitibok ng medyo maharot kong puso, walang iba kung hindi si Noxx. Ang kaso, malabo naman ang tiyansa na magkagusto saken ang lalaking 'yun. He just likes to tease me, tuwang tuwa 'yun kapag masisira niya araw ko e.

"Oh bakit natahimik ka?" tanong ni James kaya ngumiti ako sa kaniya

"Wala lang, masama na ba tumahimik? O baka namiss mo agad 'yung mala dyosa kong boses?"

Napatawa siya, "Hahaha oo, sa sobrang ka-dyosahan ng boses mo naiisip ko na sana naging boses ka na lang" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Gagong 'to ah.

"Sira ulo ka ah" pabiro kong sabi sa kaniya tsaka kami nagtawanan.

Andito nga pala kami sa school at vacant na naman namin, asahan niyo na na lagi kaming vacant, tumutulong din kasi 'yung mgaateacher sa pag oorganize ng Sport Fest e.

Speaking of Sport Fest nga pala, kasali sa basketball team ng fourth year level sila Drake, Lyoneil, Brandon, Anthony , James at Noxx. Sa kanila pa lang lima power house na maituturing ang team namin.

"Tulala na naman siya oh" sabi ni James kaya binatukan ko siya

"Sadista"

"Ha.Ha."

"Landi niyo" napatingin kami ng nasama dun sa nagsabi niyan.

"Bakit? Kayo ba? Sila naman sinasabihan ko e" sabi ni Noxx sabay turo kayla Jas at Brandon na nasa may likuran at walang kamalay malay na tinuturo na pala sila netong si Noxx. Eto naman kasing dalawang 'to, nasa school na nag p-PDA pa. Aba, hindi na nahiya sa mga single rito! Hmph! Respeto naman para sa mga single at magugulo pa ang love life.

"Mag babanyo lang ako Aina" sabi ni James kaya tumango na lang ako atsaka umayos ng upo.

Biglang umupo sa tabi ko si Noxx kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay, "Anong kailangan mo?" mataray kong tanong sa kaniya

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now