Chapter 20 : Clearer Mind

322 22 2
                                    

Love And Sacrifices
        Written By : coldmissy
_____________________

APHRODITE WU POV

Nakatambay ako rito sa may rooftop ng building namen, ayoko kasi dun sa room, masyadong magugulo mga tao roon. I want a quiet and peaceful place, kaya nagpunta ako rito. I want to think about something, 'yung magaling ko kasing kapatid mas lalong pinagulo isipan ko kagabi noong kausapin niya ako. Ewan ko ba sa babaeng 'yun at ang lakas lakas ng pandama kapag may problema ako. ''Accept the fact that you have feelings for Lyoneil, Martin Clyde? Forget him. He does'nt deserve you, 'cause at the first place he's already your past. Past is past and you should not stuck to that Past.''

Tama naman siya e, i have feelings for Lyoneil. Natatakot lang ako na umibig muli, lahat naman siguro ng nasaktan noon natatakot na ulit sumugal sa pag-ibig ngayon. Parehas lang sakin, im afraid that he might repeat what Martin Clyde done to me.

At isa pa, hindi naman madaling makalimot diba? Lalo na 'kung unang pagkakataon mo lang maranasan ang masakatan. It's easy to forgive but it's so hard to forget. Kahit naman patawarin ko si Martin Clyde, nandito pa rin sa puso ko 'yung sakit dulot ng ginawa niya sa akin noon.

Napalingon ako sa pintuan ng rooftop nang marinig kong bumukas iyon. Nagtatakang tinignan ko si Lyoneil na hinihingal pa habang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap" sabi niya sa akin kaya tumayo ako sa pagkakaupo ko.

Bakit naman kaya ako hinahanap netoh?

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya

"Uhm... Ano.. Baka hindi ka pa kumakain ng tanghalian" sabi niya kaya napansin kong may dala rin pala siyang supot na mukhang may lamang pagkain kaya lihim akong napangiti. He really cares for me huh?

"Pagkain ba 'yan? Para sa'ken?" painosente kong tanong sa kaniya, tumango naman siya at nilabas ang pagkain na laman ng supot na dala niya. Kinuha ko iyon at kinain, nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napangiti siya kaya tinignan ko siya.

"Bakit ka nangiti?"

"Wala lang, ang panget mo kasi. Mukha kang patay gutom" sabi niya kaya napasimangot ako. Langyang 'to. Hindi niya ba alam na ako si Aphrodite? Dyosa ng kagandahan? the Greek goddess of love and beauty? Tapos sasabihan niya ako ng panget na patay gutom pa? Aba!

"Kapal mo, Aphrodite kaya 'to" sabi ko sabay patong ng palad ko sa baba ko para ipakita sa kaniya ang maganda kong mukha, "Greek Goddess of Love and Beauty!!" sabi ko pa. Narinig ko ang pagtawa niya. Lokong 'to, tinatawanan lang ako?!

"Saya mo ah?" tanong ko sa kaniya habang nakain ako

"Solo kasi kita" bulong niya kaya napakunot ang noo ko. Ano raw? C2 Solo?

"Huh?"

"Sabi ko wala. Bingi" inis niyang sabi kaya napataas ang kilay ko. Aba, siya pa ang naiinis ah? Eh siya kaya 'yung pabulong bulong dyan. Hmph! Bahala nga sya sa buhay nya, makakain na lang.

LYONEIL HAN POV

Pinagmamasdan ko lamang siya habang kumakain ng pancit na binili ko sa canteen kanina. Mukha siyang inosente kapag tahimik lang sya. Kumbaga, isa siyang living proof ng salitang perfection.

Hindi ko alam kung kelan nagsimula 'to pero ang alam ko may mararamdaman ako para sa kaniya. Noong una, natutuwa ako dahil pinapatulan niya 'yung paglalandi ko sa kaniya. Naisip ko noon, 'ang astig niya namang babae' , at the same time, medyo na-challenge din ako dahil nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. My girl counterpart nga raw sabi ni Brandon. Aminado naman ako, simula noong mas napalapit ako kay Aphro, nagbago na talaga ako. I barely flirt with girls, hindi na nga ako nagba-bar na dayi ay kasali sa daily routine ko. Nagpapaka-ayos na rin ako sa Academics, nag gagawa na ako ng mga activities at active na rin ako sa recitation, and that is because i want her to notice me. Unti-unti ko ng binubura ang 'Playboy' image ko, i want to be a better man for her.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now