Chapter 22 : Unheard

296 14 2
                                    

Love And Sacrifices
Written By: --joyie--
Chapter Twenty-Two


BRENDA AINA SOO POV

"Aina, hindi ka ba talaga sasama sa school ngayon?" Tanong sa akin nila Aphro kaya umiling ako. Ayoko. Wala rin naman akong gagawin sa school e. Hindi ako kasali sa kahit anong sports, kaya bakit ako pupunta sa school diba?

"Aina--'' Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Jas dahil paniguradong itatanong niya lang naman kung bakit lagi akong wala sa mood.

"Umalis na kayo. Finals na diba? Baka mahuli pa kayo" Sabi ko atsaka sila ipinagtulakan palabas ng kwarto.

Isinarado ko ang pintuan at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko. I remember what happen two days ago, noong nagpunta ako sa rooftop dahil sabi ni Aphro ay may surpresa daw para sa akin si Noxx.

But it turn out na hindi pala para sa akin ang surpresa na iyon kundi para dun sa Hanie. She even call him 'babe'. Kaya naman pala hindi nagpaparamdam sa'ken.

Bakit pa naman kasi ako umasa sa kaniya diba? Sana si James na lang. Kaso hindi naman natuturuan ang puso e. You can't choose who to love. Kapag tumibok 'yung puso mo sa kaniya, that's it.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok 'dun. Napakunot ang noo ko  Sino naman kaya 'to? Naka alis na ang mga kasama ko rito sa bahay e.

"Aina si James 'to" Tumayo ako para buksan ang pintuan. Bahagyang nginitian ko lang siya at pinapasok sa loob ng kwarto ko. Naupo siya sa sofa.

"Why do you look so miserable?" Seryosong tanong niya kaya napaharap ako sa salamin. May eyebags ako T^T . Mukha rin akong multo dahil ang putla ko.

"Seriously? Akala ko pa naman magiging masaya ka kay Jimuel" Sabi niya kaya nilingon ko siya. Napansin ko lang, ang hilig niyang tawagin si Noxx sa pangalan niyang Jimuel.

"May mga bagay lang siguro talagang akala naten nakalaan para sa isa't isa, pero hindi pala."

"Ang drama mo"

"Ang Panget mo James"

"Whatever" Pagsusungit niya kaya napatawa ako.

"Hoy ikaw ah? Lagi mo na akong sinusungitan. Susumbong kita kay Auntie Jin" Sabi ko kaya parang nag iba ang aura niya.

''Huwag ka na lang muna lumapit kay Auntie Jin" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Hala? E nung nakaraan lang tuwang tuwa sa akin si Auntie ah?

"Bakit naman? Friends kaya kami ni Auntie Jin" Sabi ko sabay bato ng unan sa kaniya.


JAMES LEYAN KANG POV

Dinala ko sa isang ice cream parlor si Aina para kahit papano ay malibang naman siya. Sabi kasi nila Aphro ay halos dalawang araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya.

At guilty din ako dahil alam kong may kasalanan ako kung bakit siya nalulungkot.

Ako ang sumira sa surprise ni Kuya Jimuel sa kaniya. Ako ang nagpapunta kay Hanie, ang first girlfriend ni Jimuel. Sinabi ko sa kaniya ang mga kasinungalingan na mahal na mahal pa rin siya ni Kuya Jimuel .

"Oy James, ayos ka lang ba? Tignan mo 'yang ice cream mo oh, nagtutuluan na sa kamay mo" Sabi niya at inabutan pa ako ng tissue kaya mas lalo akong nakonsensya sa ginawa ko.

Am i being too selfish here? I know i said i want her to be happy with Jimuel, but that's bullshit. Im hurting seeing her with Kuya Jimuel.

Jimuel is my twin brother. Sabi ni Auntie pinaghiwalay kami dahil naniniwala siya na malas ang kambal. Noong una kasi ay hindi kami pinaghiwalay, and as a result. Naaksidente ang mga magulang namin. Kaya nag desisyon si Auntie na ipa-ampon na lang siya sa pamilya Lee.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit kaya ngumiti ako at tumango.

"Oo. Ayos lang. Tara na. Hatid na kita pauwi" Sabi ko dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko.

APHRODITE WU POV

Bumalik ako sa bahay namin dahil hindi ko nacheck kung nasa kwarto pa ba niya ang kapatid ko. Wala kasi siya sa school e. Pagpasok ko sa kwarto niya ay napailing ako. Hindi pa siya nakakapaglinis ng kwarto niya. Ang daming kalat e. Pinulot ko ang ikang damit niya na nakakalat sa sahig at inilagay sa marumihan.

Nasaan kaya ang babaeng 'yun? Wala naman siya rito sa bahay.

Lumabas na ako sa kwarto niya.

"Uy Aphro, bakit bumalik ka ata?" Tanong ni Aina na may dala pang ice cream na mukhang libre sa kaniya ni James.

"Uhm. Akala ko lang nandito si Athena" Sabi ko sa kaniya, "Babalik na ako sa school. Baka matalo tayo dahil wala ang pinaka dyosang supporter ng basketball team" Sabi ko pa bago tuluyang makalabas ng bahay. Narinig ko pa nga ang pagtawa nila e.

Paglabas ko ng gate ay may kotseng tumigil sa harapan ko. Bumaba ang isang lalaki na pasado maging model ng bench dahil sa kakisigan.

"KUYA STEPHEN!!" Sigaw ko at dumamba sa kaniya para yakapin siya. Waaahh!! namiss ko 'tong kuya kong matangkad like me!! Napalingon ako sa babaeng bumaba rin sa kotse niya, "OY! Andyan ka lang pala. Daming naghahanap sa'yo sa school kanina e" Sabi ko kay Athena

"Huh? E alam naman nilang hindi ako pupunta sa school ngayon e" Sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Bakit naman hindi siya pupunta?..

"Makikipag meet ako sa mga manager ng dj at band na iimbitahin para sa party bukas. Tsk. Kuya hatid mo na nga ako dun" Sabi ni Athena kaya bumaba na ako sa pagkakadamba kay Kuya

"Maiwan ka na namin. Mamaya babalik ako rito, yung boyfriend mo. Gusto ko makilala mamaya" Seryosong sabi niya bago sila umalis ni Athena kaya medyo kinabahan ako.

After Marc Clyde, wala ng lalaki akong pinakilala sa kanila.





ATHENA WU POV

"Sigurado kang ayaw mong sabihin sa kaniya?" Tanong ni Kuya na nagmamaneho ng kotse.

Anong gusto niyang sabihin ko kay Ate? Na may fiancé siya? Na ini-arrange marriage siya dahil nalulugi ang isa sa mga business namin? Ano sa tingin niya magiging reaction ni Ate? Ngayon pa? Kung kelan may Lyoneil na sa buhay niya.

"They said they will gonna think about our suggestion" Sabi ko sa kaniya

"Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit si Aphro ang gusto nilang ipagkasundo doon. And sila daddy, hindi nila binibigay iyong name ng kasundo niya" Sabi ni kuya Stephen na parang sinusubukang ianalisa ang mga pangyayari.

Kahit ako ay nalilito rin kung bakit kahit anong pagpupumilit ko na ako na lang ang iarrange marriage sa kung sino mang hudas na iyon ay ayaw pumayag ng mga magulang namin. Hindi kaya kakilala namin noon ang ipapakasal niya kay Ate? Don't tell me it's Martin Clyde?. But that is impossible. Alam ng parents namin kung gaano kaayaw na ni ate kay Mark Clyde.

"Sigurado ka rito?" Tanong na naman ni Kuya sa akin kaya tumango ako

"I'm dead serious. Ikaw na lang bahalang mag explain kay Ate kung bakit ako pupunta sa Italy" Sabi ko sa kaniya. Kahit ayaw ni kuya ay wala siyang magawa dahil desidido na ako. Nasa Italy daw kasi ang mga magulang namin. Puluntahan ko sila para makausap tungkol sa enggagement na 'yun.

I will sacrifice my own happiness for my sister.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now