Chapter 10: Pa-fall

376 20 5
                                    

NOXX JIMUEL LEE POV

"Oy anong kakainin naten?" tanong ko sa kanila. Sunday kasi ngayon at kagagaling lang namin sa simbahan. Yes, bagong buhay na kami. Haha

"Magpa-deliver na lang tayo" sagot naman ni Anthony, ang tamad talaga neto

"Nag bake kaya ako ng cup cakes kanina. Andun sa kusina, kainin niyo" sabi naman ni Brandon.

Eh? Ayoko ng cup cake. Gusto ko kanin, yung mabubusog ako. Ang tatamad naman kasi magluto ng mga toh, si Brandon naman puro bake lang ang alam.

"Uy Don, san ka nga pala galing kahapon?" tanong ni Lyoneil sa kaniya.

"Huh? Ah kayla Jas."- sabi niya kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya. Nakapunta na siya sa bahay nila Jas ??

"Ey! Ikaw ah? Hindi mo man lang kami sinama?" nang aasar na sabi ni Anthony sa kaniya

"Aba. Malay ko bang gusto niyong sumama?" - Brandon

"Tara! Punta tayo sa kanila ngayon!" pag aayaya naman ni Lyoneil

Nagkatinginan kami. Aba! Sige !!

"Itetext ko lang si payatot" sabi ni Lyoneil pagkatapos ay umakyat sa kwarto niya. Eh? Sinong payat? Si Aphrodite ? May number siya nun?

APHRODITE WU POV

Nakahalumbaba lang ako rito sa lamesa sa may kusina habang pinapanood magluto si Aina. Sunday ngayon at walang magawa rito sa bahay. Nakakatamad naman mag-mall dahil walang gustong sumama saken, mga tinatamad daw sila. Si Athena naman may kausap, nandun sila sa garden ni Anjo. Ewan ko ba dun kay Anjo, bigla na lang sumulpot dito kanina eh kagagaling niya lang dito kahapon.

"Oy girlalu! May gusto ba yung Anjo kay Athena?" pag uusisang tanong ni Jas sa akin

Eh? Si Anjo? Ang pagkakatanda ko, childhood best friend siya ni Athena.

"Huh? Hindi ah, i mean wala. Magkakabata lang yung dalawang yun noh!" sabi ko pero parang hindi siya naniniwala.

Bahala siya.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text saken.

From: Unknown Number
Uy Payatot! pupunta kami diyan
- End of Text

Hala ? Sino toh? Payatot pa tawag saken!!? Duh! Hindi ako payat! Sexy kaya ako! Hindi ko na lang pinansin yung text at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone.

"Kainan na!!" excited na sabi ni Aina habang inihahain yung tinola na niluto niya. Aba. Buti na lang talaga marunong magluto tong si Aina at Jas.  Kahit papano hindi kami araw araw nagpapa deliver ng food.

"OY! LOVE BIRDS! KAKAIN NA TAYO!" sigaw naman ni Jas dun sa dalawa.

Love birds ? hahaha

"Love birds ka diyan? Mukha ba kaming ibon?" sabi ni Athena pagpasok nila ni Anjo

"Hahaha! Bagay kaya kayo"- pang aasar naman ni Aina

"Hoy! Tigilan niyo nga yung kapatid ko at yung BESTFRIEND niya! Kain na lang kayo bilis!"  sabi ko kaya nagsikainan na lang sila. Wala ng usap usap, lamon lang ng lamon.

* DING DONG *

Pare-parehas ang kaming lumingon sa may pintuan habang masamang nakatingin dun. Sino na naman tong istorbong ito?

"Mamaya na naten pagbuksan" sabi ko kaya umagree naman sila pagkatapos ay bumalik kami sa pagkain.

Sino kaya yun? Yun kaya yung nagtext saken? Jusko naman. Hindi ko nga kilala yung nagtext na yun eh.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now