Chapter 25 : Regrets and Sacrifices

385 19 1
                                    

Love and Sacrifices
Story By: --joyie--
Chapter Twenty-Five

JAMES LEYAN KANG POV

Nandito ako sa isang coffee shop na nasa hindi kalayuan sa school. I texted Hanie to meet me, gusto ko kasing makipag usap. About what i did.

Hindi nagtagal ay dumating na siya. Bumili muna siya ng kape bago umupo sa table na inuupuan ko.

Ngumiti siya at umupo, "Ano na?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Hanie, sorry if i gave you false hope. I just being immature at that time" Ngumiti ang babae at ininom ang kapeng binili niya bago kami mag usap.

"I understand. Ang sakit lang kasi umasa ako. Alam mo 'yun? Sakit umasa e" Pabirong sabi niya pero alam kong totoo niyang nararamdaman iyon.

Alam ko naman ang feeling ng pinaasa e. Im not saying na pinaasa ako ni Aina, Nagpapasalamat pa nga ako dahil binigyan niya ako ng chance na maipakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. 'Yun nga lang, alam ko namang mas mahal niya talaga si Jimuel. Kaya ako na 'yung magpaparaya, dahil wala naman akong laban kay Jimuel na siyang mahal niya. Alangan namang ipagpilitan ko pa sa kaniya 'yung sarili ko? Hindi ako sardinas 'nuh.

"Nga pala, magkamukha talaga kayo ni Jimuel noh? Mas manly ka nga lang tignan" Sabi niya habang nakamgiting nakatitig sa akin kaya napakunot ang noo ko. Malamang, kambal kami e. We share the same face.

Napailing na lang ako at humigop sa tasa ng kape, "Ikaw na lang kaya boyfrienin ko nuh?'' Sabi niya kaya halos maibuga ko 'yung kape na iniinom ko.

"Ano? Tigilan mo nga ako!" Sita ko sa kaniya. Tumawa lang siya. Baliw.

MARTIN CLYDE BARONEO POV

Nakatayo ako rito sa harap ng café na pagmamay ari ng pamilya nila Aphro. Dito rin kasi nakatira ang mga magulang nila kaya naman umaasa ako na isang araw ay makikita ko siya rito. Kaso hindi naman siya nabisita sa parents niya e.

Kahapon nakausap ko si Athena. Naguguluhan pa nga ako sa mga pinagsasabi niya, about sa fiancé thingy. Totoo naman sinabi ko, i was expecting for her sister dahil kinausap ko ang parents nila. Sabi ko atleast kahit ngayon lang, makausap ko si Aphro. I want some closure e. Pero mukhang ayaw na talaga ng parents niya na magkaroon ako ng kahit anong kumunikasyon kay Aphro.

Pinagsisihan ko talaga 'yung ginawa ko sa kaniya. Pero wala na e, nangyari na. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

"Uy Martin Clyde? Anong ginagawa mo riyan?" Nag angat ako ng tingin at tinignan si Athena.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya, "Hoping to see your sister again. Ganito naman daily routine ko rito e" Natatawang sabi ko pa.

"Hay naku, 'wag ka ng umasa. Walang plano 'yun na pumunta rito"

"Bakit? Masaya na ba talaga siya?" Lakas loob kong tanong.

Tumango siya at ngumiti, "Oo. Nakamove on na siya. Mahal niya 'yung lalaki, at mahal na mahal 'din nung lalaki si ate." Sabi niya kaya kahit papano ay nakampante ang loob ko.

Panigurado mas maayos kesa sa akin ang lalaking 'yun.

ATHENA WU POV

Napa aray ako ng may manghila sa tenga ko.

"Nakikipag usap ka na naman dito kay Martin Clyde" Sabi ni Mommy habang patuloy na pinipingot ang tenga ko.

"Mom! Aray!" Reklamo ko pero hindi niya pa rin binitawan ang tenga ko hanggang maisakay niya ako sa kotse. Pagkabitaw niya sa tenga ko ay napahawak ako roon. Grabe naman 'tong si Mommy.

"Sinabi ng huwag kausapin 'yung lalaking 'yun e. Bakit ba ang kulit mo Athena?" Pagalit na sabi ni Mommy habang kinakabit ang seatbelt niya, si Daddy naman ay tahimik lang sa may driver's seat.

"Kinausap lang naman e. Ano bang masama 'dun?" Inis na sabi ko.

"Sinaktan niya ate mo''

"Pinagsisihan na niya 'yun"

Hindi na sumagot si Mommy, siguro dahil alam niyang hindi ako mauubusan ng pangontra sa mga sasabihin niya. At the first place, pinagsisihan na naman talaga ni Martin Clyde 'yun. Kita mo naman sa isang tao kung nagbago na sila o hindi pa.

Sumandal na lang ako sa upuan at pinagmasdan ang kagandahan ng tanawin. Teka-- saan nga ba kami pupunta? Basta sabi ni Daddy sumama raw ako sa kanila kaya eto naman si masunurin na ako, sumama. Hindi na ako nagtanong at naghintay na lamang kung saan kami hihinto.

Lumipas ang ilang minuto at huminto ang sasakyan namin sa isang bahay. Aba. Mukhang bahay ng mayaman 'to ah? Pero ano namang gagawin namin dito? Bumaba na ang mga magulang ko sa kotse kaya bumaba na rin ako.

Pagpasok namin sa loob ay may mag asawa akong nakita. Ngumiti sila sa'ken. Walang emosyong tinitigan ko lang sila. Snob kasi ako -__-

"Andito na pala kayo" Bati sa amin noong babae. Aba, nagtatagalog. Akala ko italyano na may lahing hapon e. Lumapit siya sa amin at nakipag beso beso.

Pinaupo niya kami sa may sofa.

"Eto ba si Athena? Napakaganda naman pala talaga ng batang ito" Sabi nung lalaki kaya bahagya akong ngumiti. Lahat po talaga ng Athena ang pangalan maganda.

"Maiwan ka muna namin dito, may pag-uusapan lang kami doon sa opisina nila" Sabi ni Mommy kaya tumango na lang ako.

Kainis. Bakit pa ako sinama e mukhang may  business meeting sila. Tsk. Tanga ko rin naman kasi e, ba't pa kasi ako sumama?

Humiga ako sa sofa. Oo, feel at home ang peg ko rito. Wala naman kasing mga maid dito. I wonder how they clean this big house.

"Feel at home ah?" Sabi ng isang lalaki na pamilyar sa akin ang boses kaya napabangon ako sa pagkakahiga.

"Anthony? What the heck are you doing here?" Gulat na tanong ko sa kaniya. Pinaikot niya ang mata niya at naglakad papalapit sa'ken. Ang taray ah? Dinaig pa ako?.

"Bahay namin 'to" Sagot niya at umupo sa tabi ko. Tinignan niya ako sa mata kaya napaiwas ako ng tingin.

"Atsaka fiancé kaya kita" Sabi niya at talagang hinarap pa niya 'yung mukha ko sa mukha niya. Kaunti na lang ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya, "Pano ba 'yan? Edi pwede na tayong magpakasal agad agad?" Sabi niya kaya hinampas ko siya sa dibdib. Tumawa naman siya at hinila ako papalapit sa kaniya tsaka niyakap.

Hindi ako clingy na tao pero yumakap na lang 'din ako sa kaniya. Wala lang, i somehow miss this giant.

''Kelan ba tayo magpapakasal?" Sabi niya kaya piningot ko ang tenga niya.

"Tigilan mo ako sa kasal kasal mong 'yan"

"Oo na po" Sabi niya at yumakap ulit sa akin.

"Alam mo ba, si Clyde dapat ang ieenggage sa'yo. Buti na lang talaga matalino ako. Haha napilit ko ang parents mo na ako na lang ang ienggage sa'yo tutal malaki rin naman ang kumpanya namin" Pagkukuwento niya.

Napangiti ako. He really loves me. Hindi madaling mapapayag ang parents namin.

"Alam mo bang si Ate Aphro dapat ang ieenggage nila?"

"Oo. Pero alam ko kasing iniisip mo ang sitwasyon ng ate mo, syempre may relasyon sila ni Lyoneil at ayaw mong masaktan sila pareho dahil sa enggagement kaya ikaw na lang 'yung magpapa enggage. Odiba? Ang talino ko talaga" Sabi niya kaya napatawa ako.

"Oh. Magkasundo naman pala kayong dalawa e" Sabi ni Daddy at ngumiti sa amin na parang proud sa nakikita niya.

Ngumiti rin ako. I love Anthony, and im very sure of it.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now