Chapter 11: Presentation (Part 1)

403 23 6
                                    

ATHENA WU POV

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang tumambay dito sa bahay. I mean, nakikain na nga sila ng tanghalian tapos nakikitambay pa sila ? Aba. Mukha na bang tambayan bahay namin?

"Ikaw Anjo? Ilang babae na ba naligawan mo? Or naging gf mo?" nakangising tanong ni Anthony kay Anjo na katabi ko. I don't know kung anong pumasok sa kukote nila at naisipan nilang magpayabangan kung ilan na ang nagiging gf nila.

For Pete's sake. Hindi naman dapat pinagyayabang iyong bagay na yun eh.

"Huh? Ah- Ano.. Wala pa eh. Hindi pa rin ako nagkaka girlfriend" sagot naman ni Anjo. Nagtawanan naman silang apat, sa pangunguna ni Anthony na kung makatawa akala mo walang bukas. Problema neto? Para namang ang laking kasalanan na wala pang nagiging girlfriend si Anjo?

Sabagay, baka sa kanila kasalanan yun. Mga dakilang playboy kasi eh.

"Grabe pre, hindi nga?"- Lyoneil

"Baka bakla siya mga pre"- Anthony

This is too much. Iniinsulto na nila si Anjo. Tumayo ako at hinila siya palabas ng bahay.

"Mag ma-mall lang kami" paalam ko sa kanila bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Kainis kasi yung mga yun.

"Sorry." sabi ko na lang sa kaniya. Nakokonsensya talaga ako sa ginawa nila Anthony.

"Why? Hindi naman ikaw yung nang insulto saken eh. Its okey. Dont say sorry for them"- nakangiting sabi niya kaya tumango na lang ako.

ROSELYN JASMINE EUN POV

"That's below the belt guys. Hinayaan na nga namin kayong magkuwentuhan diyan ng kung anu-ano eh, tapos ininsulto niyo pa si Anjo" - sermon sa kanila ni Aina.

She's right. Grabe naman kasi tong mga toh, lalo na sila Anthony at Lyoneil. Hindi man lang ginalang si Anjo. Ano naman ngayon kung hindi pa nagkaka girlfriend yung tao? Kapag ganun, bakla agad ? Tsk.

"Im so--" hindi na nila naituloy ang sasabihin nila dahil nagsalita si Aphro na mukhang nabadtrip din sa ginawa nila Anthony

"Your sorry is useless. Atsaka hindi naman kayo dapat samen nag sosorry eh. Sino bang ininsulto niyo at sinabihan niyo ng bakla? Tsk. Umalis na nga kayo rito sa bahay" inis na sabi ni Aphro. Hindi nga niya tinignan sila Lyoneil eh.

"Ihahatid ko na kayo" sabi ko naman atsaka sinundan sila palabas ng bahay. Nakita kong binatukan nila Noxx at Brandon si Anthony kaya natawa ako. Talagang sila pang dalawang pandak ang gumawa nun sa matangkad na si Anthony ah? Haha

"Sana pwede pa kaming bumalik dito" sabi ni Brandon sa akin

"Pwede naman. Kapag hindi na mainit ulo nila" sabi ko sabay turo sa loob ng bahay. Ibig sabihin nun ay kapag hindi na kumukulo ang dugo nila Aphro dahil sa kalokohan netong sila Anthony.

"Sige. Bye" sabi niya at tuluyan ng umalis ang kotse na sinasakyan nila. Bumalik naman ako sa loob ng bahay

"Grabe makalait yung Lyoneil na yun!! Akala mo kung sinong straight eh mukha nga siyang babae" - Aphro

Eh? Galit na galit eh? Atsaka bakit kay Lyoneil siya sobrang inis na inis eh si Anthony naman yung nagsabing bakla si Anjo.

"Easyhan mo, baka magka wrinkles ka"- biro ni Jas sa kaniya.

Mga baliw talaga.

××××

Kinabukasan ay maaga kaming nagising lahat, maliban pala kay Athena na tulog pa rin sa kwarto niya hanggang ngayon.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now