Epilogue

477 20 1
                                    

Love And Sacrifices
Written By: --joyie--
Epilogue


APHRODITE WU POV

"GO APHRO!!" Sigawan ng mga kaklase at ng mga estudyanteng nakakakilala sa akin. Taas noong ngumiti ako sa kanila atsaka rumampa sa stage.

December kasi ngayon at may pageant na ginaganap dito sa school. As usual, ang magandang ako na naman ang napiling representative at inilaban ng school. Ang hirap kasi maging maganda, lagi kang nagiging representative.

"So let me present to you again, our 12 candidates" Sabi nung MC kaya ngumiti ako. 'Yung pang plastikang ngiti. 'Lam niyo na, contest ito. Maraming platik ang nagkalat . Haha

Pumunta kami sa backstage dahil tapos na naman. Mamaya pang hapon ang announcement ng mga nanalo kaya magpapalit muna ako ng damit at sapatos. Hindi ko keri ang magdamit maghapon ng labas ang pusod at magsapatos maghapon ng halos 5 inch ang heels. Rider kasi ang theme na napili namin, kaya naka rider outfit ako.

"Ganda talaga ng girlfriend ko" Nakangiting sabi ni Lyoneil na nakapang rider 'din na outfit. Aba, malamang kailangan siya escort ko. Isang gwapong nilalang lang ang pwedeng mag escort sa magandang nilalang na kagaya ko.

Ngumiti ako at yumakap sa kaniya, "Siyempre. Kaya nga dapat thankful ka na ako naging girlfriend mo" Sabi ko kaya napatawa na naman siya.

"Oo na po. Bilisan mo na dyan, hinihintay na nila tayo" Sabi niya atsaka lumabas dahil magbibihis na ako. Ngumiti naman ako at nag flying kiss sa kaniya.

Nakakatuwang isipin na halos dalawang buwan na rin ang relasyon namin. Lagi man kaming nagkakatampuhan ay naayos 'din naman agad namin 'yun. Hindi matatapos ang isang araw na wala kaming pinag aawayan, pero hindi naman matatapos ang isang araw ng hindi kami nagsusundo.

Well, para sa amin normal na ang mag-away. Minsan naman kasi walang kwenta 'yung pinag aawayan namin e. Wala. Mema lang, ganun.

"Oy panalo ka na raw" Sabi ng biglang sumulpot na si Athena. Sinuot ko na ang damit ko at nagpalit na rin ako ng sapatos.

"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kaniya

"Tinignan ko malamang. Ako pa ba? Ano pang silbi at naging organizer ako ne'tong pageant?" Sabi niya at kumindat sa akin kaya binato ko siya ng jacket. Siraulo talaga. Wala na tuloy thrill mamaya kapag inanounce na ako ang nanalo.

Pero sabagay, hindi naman nakakagulat na ako ang mananalo e. Duh! Walang sinoman ang makakatalo sa mala-Dyosa kong mukha. Aura ko pa lang talo na sila e.

"Hindi nga pala ako sasama" Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit naman? Usapan na 'yun ng barkada ah?"

Ngumiti siya sa akin,"May ibang lakad kami ni Thon Thon" Sabi niya kaya napa 'ahh' na lang ako.

May balak na naman palang magsolo ang dalawang 'to. Halos dalawang buwan na rin ang relasyon nila, the difference is. They are enggage, unlike us na in a relationship lang talaga. Natatawa pa ako noong sinabi nila sa amin kung papaano sila naenggage. Supposed to be, ako naman pala dapat ang maeenggae at hindi sila. Pero hayaan na, ayos din naman ang kinalabasan e.

"Okie doks. Lika na sa labas. Andito si Valak, hala ka, kakainin ka nun" Pananakot ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman sa duwag sya pero ayaw niya lang talaga sa itsura ni Valak. Mukha raw kasing sinumpang aswang na nasuntok kaya mukhang may black eye.

Umirap siya atsaka kami sabay lumabas ng dressing room ko. Oha. Bongga diba. May sarili akong dressing room. Paglabas namin ay nadatnan namin sila Jas at Don na nakain na naman ng cookies. No wonder in just two months e medyo lumobo sila parehas dahil sa kakakain nila. Two months na rin silang in a relationship, unlike us na laging nag-aaway, silang dalawa naman ay napaka steady ng relasyon. Kapag nag aaway sila hindi namin namamalayan dahil maya maya lang o 'di kaya makalipas ang ilang oras ay magka ayos na ulit sila.

"Asan 'yung dalawa?" Tanong ko sa kanila, tinutukoy ko ay sila Aina at Jimuel. Dalwang buwan na rin ang relasyon nila, magkakasabay lang naman kami. Iba iba lang ang date. Sa aming apat, sila 'yung magkasundong magkasundo, once a month lang kung mag away ang dalawang 'yan. At Jimuel na ang tawag namin kay Noxx, nasanay na kami dahil sa kaka-Jimuel ni Aina. Minsan nga Jimuelito pa tawag niya kay Jimuel e.

Lumapit sa akin si Lyoneil at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti naman ako at hinawakan din ng mahigpit ang kamay niya.

"Nauna na sa may restau, excited e" Sabi ni Brandon kaya napailing na lang ako. Pasaway talaga ang dalawang 'yun.

Pupunta kami sa restau para sa celebration ng inaasahang pagkapanalo ko sa pageant na 'to.

"Tara na?" Pag aaya ko sa kanila kaya tumango sila at sumunod sa amin. Si Athena at Anthony naman ay nag babye lang sa amin.  Sumakay na sila Jas sa kotse ni Brandon at kami naman ay sumakay sa kotse na dala ni Lyoneil.

Siya ang nagkabit ng seatbelt para sa akin. Yieh. Kahit sa simple gestures lang ng lokong 'to ay kinikilig ako. Maybe ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kapag ma-effort siya kikiligin ka na.

"Kamusta nga pala si Martin Clyde?" Sabi niya kaya napatawa ako. Talagang tinanong niya pa ah?

Binigay kasi sa akin ni Athena ang number ni Martin Clyde noong pagkagaling niya sa Italy. Tapos kahapon ko lang siya kinontact. Closure lang naman daw ang gusto kaya kahapon ay binigay ko ang closure na gusto niya. He said he also moved on. May nililigawan na raw siya. I dont know if that is tru but im happy for him. Cause he also fdeserves to be happy like me.

"Ayun, magbalikan daw kami" Pang aasar ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at paghigpit ng hawak niya sa manibela ng kotse. Tumawa ako at mabilis na binigyan siya ng halik sa pisngi, "Joke lang naman. Ayun, may closure na sya kaya malinaw na ang lahat. Friends na lang kami nun" Sabi ko kaya ngumiti siya at tinaas-baba pa ang kaniyang kilay.

Napailing na lang ako at tumingin sa langit.

Happy naman pala ang ending ng mga love story namin e. At sa mga pinagdaanan namin, i learn that life is about taking risks. Hindi mo makukuha ang gusto mo kung hindi ka susugal. Hindi mo makukuha ang isang bagay kung hindi mo ito susubukang kunin. It means walang bagay sa mundo ang makukuha mo ng ganoon kadali.

Pero sabagay, wala naman kasing forever. Magbebreak 'din kami sa 23. Abang lang kayo *wenk;wenk* Haha just kidding. I love him and i know as long as we love each other hindi kami maghihiwalay.

Wala ka pang kaforever? Darating 'din 'yan. Hindi mo naman dapat minamadali ang love e *smiles*

"Pst payat!"

"Oh?" Inis na sagot ko. Tinawag na naman akong payat. Sexy ako!! SEXY!!

"I love you''

"I love you too. Mag drive ka na lang ulit dyan"

The End





[A/N: Thanks for supporting this book until the end. Hihi kahit na minsan (?) matagal akong mag update . Yieh. Labyu mga bibeh :* Hope you read my other stories . Especially Starlight and REALationSHIT Hehe. Kthnxbye ]

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now