Chapter 23 : Explanation

310 15 0
                                    

Love And Sacrifices
Written By: --joyie--
Chapter Twenty-Three


ROSELYN JASMINE EUN POV

Nanalo kahapon ang mga fourth year sa basketball at volleyball, both men's and women's division. Ang galing nila noh?

"Babe, sigurado ka bang pupunta tayo sa Party mamaya? Parang ayoko e" Sabi ni Don sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Bakit naman hindi kami pupunta e party 'yun para sa mga estudyante sa School. Darating nga daw ang banda ni Chito Miranda e. Tapos may dj pa.

"Bakit naman? Mag eenjoy naman tayo 'dun e" Sabi ko sa kaniya habang nakain ng cookies na binake niya.

"Oo alam ko, mag eenjoy tayo. Pero kasi hindi ba parang ang unfair lang? May problema kasi ang iba nating kaibigan, i mean malungkot sila. Tapos tayo maghahappy happy sa party mamaya?" Sabi niya kaya seryosong napatingin ako sa kaniya. Naks. Ang bait bait na talaga ng boyfriend ko. Pero sabagay may point 'din naman siya e.

"Haay, bakit kasi biglang nagkaproblena si Aina at Noxx ngayon? Akala ko pa naman talaga sila 'yung magkakatuluyan. Halata naman kasi sa kanilanh dalawa na may gusto sila sa isa't isa e''

"Si Anthony 'din, ilang araw ng walang imik 'yun. At ang pagkaka alam ko, hindi na sila nanliligaw ni Clyde kay Athena" Sabi niya kaya nagulat ako. Hala. Kelan pa? Wala namang nababanggit sa amin si Athena.

"Buti ka pa alam mo 'yun ah? Samantalang kami na kaibigan ni Athena, hindi alam ang bagay na iyon"

"E? Narinig ko lang 'yun sa tsismisan ng mga estudyante rito e."

Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng cookies. Nakakapagtaka lang na hindi nabanggit sa amin ni Athena na pinatigil na pala niya sa panliligaw ang dalawang 'yun.

"Buti pa tayo, maayos lovelife" Sabi ni Don at umakbay sa akin kaya napangiti ako. Oo nga, buti pa kami.

NOXX JIMUEL LEE POV

"Sorry talaga ku-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita

"Huwag mo akong matawag tawag na kuya, James. Alam mo ba kung anong ginawa mo?!!" Pinipigilan kong pagtaasan siya ng voses dahil nandito kami sa restaurant na pagmamay ari ni Auntie Jin.

Ipinagtapat ni James sa akin ang ginawa niya noong nakaraan, 'yung pagpapapunta niya kay Hanie 'dun sa rooftop para sirain ang surpresa na hinanda ko para kay Aina. I did'nt expect him to do that dahil akala ko nagkalinawan na kami. We've talked about respecting Aina's descision, kung sino ang pipiliin niya.

"Sorry"

"Your sorry won't fix this. Kailangan ipaliwanag mo sa kaniya ang ginawa mo James. Hindi 'yung puro ka sorry." Sabi ko at lumabas ng restaurant.

Sumakay ako sa kotse at nagmaneho papunta sa bahay nila Aina. Sasabihin ko sa kaniya na kagagawan ni James 'yun. Kung hindi siya maniwala, edi tsaka ko na kakaladkarin si James papunta sa harapan niya para magpaliwanag. Hanie is my first girlfriend pero hindi ko siya minahal. Naging kami dahil may sakit siya noon sa puso at kailangan niya maoperahan pero pilit siyang tumatanggi. Hindi raw siya magpapaopera hangga't hindi niya ako nagiging boyfriend. Dahil pinakiusapan ako ng maayos ng magulang niya ay pumayag ako. After her operation, noong okey na siya ay nakipaghiwalay din ako. She said she understand, nag thank you pa nga siya sa'ken e. And then after that wala na akong balita sa kaniya dahil umiwas na ako sa kaniya. Hindi ko naman alam na magagawa pa siyang hanapin ni James.

Kabababa ko pa lang sa kotse ay nakita ko na agad siya, "Anong ginagawa mo rito?" Masungit niyang tanong sa akin.

"Magpapaliwanag lang" Sabi ko atsaka lumapit sa kaniya. Umirap naman siya at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit niya ngayon. Sabagay, galit sya sa'ken kaya malamang magsusungit sya.

"Im giving you thirty seconds to explain'' Sabi niya kaya nanlaki mata ko. 30 seconds lang?

"One" Nag umpisa na siyang bumilang kaya nataranta ako. Anong una kong sasabihin? Sorry ba?

"Ano.. KasiSiJamesNamanTalagaAngNagpapuntaKayHanieDunSaRooftopParaSirainYungSurpriseNaGinawaKoParaSayo." Mabilis kong sabi kaya napakunot ang noo niya.

"Ano? Letche ayusin mo nga" Reklamo niya kaya napakamot ako sa batok ko.

"Kasi naman sabi mo thirty seconds lang ang meron ako para mag explain"

"Fine. Mag explain ka na. Walang time limit" Sabi niya kaya napangiti ako.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, "Ang sabi ko,  Kasi si James naman talaga ang nagpapunta kay Hanie 'dun sa rooftop para sirain 'yung surprise na ginawa ko para sa'yo." Napakunot ang noo niya.

"Si James? Bakit niya naman gagawin 'yun?"

Tinaas ko lang ang balikat ko. Ayoko namang sabihin na desperado na si James na makuha siya kaya niya ginawa ang bagay na 'yun.

"So.. Para sa akin talaga 'yung surprise na 'yun?" Tanong niya kaya ngumiti ako at tumango. Para sa kaniya naman talaga 'yun e. Ang kaso, nasira na dahil sa ginawa ni James.

"Aina mahal na mahal kita" Sabi ko at tinignan siya ng daretso sa mga mata niya, "Pasensya na kung naduwag ako noon na ipagtapat ang nararamdaman ko. Mukha naman kasing masaya ka kay James kaya pinanghinaan ako ng loob. Takot kasi akong mareject. But tgen i realize na dapat ipaglaban ko 'tong feelings ko, para atleast hindi ko pagsisihan sa huli na hindi ko naipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko"

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Parehas lang tayo ng nararamdaman"

APHRODITE WU POV

Nakasimangot ako habang pinapanood na maglaro ng basketball ang dalawang lalaking 'to, si Kuya Stephen at si Lyoneil to be exact. Kahapon ay ipinakilala ko si Lyoneil kay Kuya, at ayan. Magkasundong magkasundo sila.

"Mamaya na lang ulit pre. Mukhang namiss ka agad ng kapatid ko e." Sabi ni Kuya at kinindatan pa ako bago maglakad papalayo sa puwesto namin ni Lyoneil.

Binato ko ang towel sa mukha ni Lyoneil na basang basa ng pawis. Kumuha pa ako ng isang towel at inilagay sa likod niya.

"Naks. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko." Sabi niya at yayakapin pa sana ako ng hambaan ko siya ng suntok

"Subukan mo. Basang basa ka kaya ng pawis" Sabi ko pero nagpatuloy pa rin siya at niyakap ako. Jusko, basang basa ng pawis ang lalaking 'to.

"I love you"

"I love you too. Kumain ka na muna oh. Kanina pa kayo naglalaro ni Kuya e" Sabi ko at inabutan siya ng pagkain.

Wala kaming balak pumunta sa party mamayang gabi, nakakatamad kasi. Kaya mag momovie marathon na lang daw kaming magbabarkada rito sa bahay mamaya. Minus Athena dahil nasa Italy siya. I don't know why she suddenly decided to pay our parents a visit. Atsaka napapansin ko parang ang seryoso na naman niya sa buhay netong nakaraan. Tapos pinatigil niya pa sila Clyde at Anthony na manligaw sa kaniya. May problema kaya siya?

"Ang seryoso mo naman 'dyan" Sabi ni Lyoneil at sinubuan ako nung Piatos na kinakain niya.

"Iniisip ko lang si Athena. Anyway, ano bang papanoorin naten mamaya?" Tanong ko sa kaniya

" The Conjuring. Makikilala mo na si valak my loves" Sabi niya kaya sinimangutan ko siya.

Ayoko ng horror.






_____
[ A/N: Sa the conjuring si Valak diba? Haha itama niyo na lang po ako if ever na mali 😂😂 At konting kembot na lang malapit na sa epilogue. I hope you support this kiddo until the end :D ]

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now