♥ Special Chapter ♥

593 18 2
                                    

A/N: May nagrequest kasi e. Haha So.. eto na.[Sorry kung ngayon lang].. I hope you enjoy this chap kahit na kabaliwan lang 'to ng mga baliw na karakter sa istorya xD haha thanks for reading and supporting this book :*

_________

ATHENA WU POV

Masayang nagkukuwentuhan kami ni Anjo rito sa labas ng bahay namin. Nagpapasalamat ako sa tukmol na 'to dahil sinabi niya sa amin na nakita niya sila Anthony sa bar kagabi. E hindi nagpa-alam sa amin ang mga iyon kaya inaway namin kanina. Hah! Akala nila ah? Malinaw na usapan namin na ayaw na ayaw na naming magbabar sila. Una, wala pa sila sa tamang edad para pumunta roon. Pangalawa, bawal nga! Pangatlo, BAWAL TALAGA KASI!

“Oy.. Easy, mukha ka ng papatay e” Natatawang sabi ni Anjo kaya nginisian ko siya at pinisil ang pisngi niya.

“Hoy!! Bitawan mo nga si Anjo! Baka mamaya kung anong bacteria pa ang kumapit sa iyo e!!” Sabi ni Anthony na nakahubad-baro pa dahil pinatanggal namin sa kanilang apat nila Lyoneil ang tubig na laman ng swimming pool. Take note, timba lang ang gamit nila sa pagtanggal ng tubig. Napatingin ako sa katawan niya. Pwe. Walang abs. Humarap ako kay Anjo atsaka siya kinindatan.

Papatayin kita sa selos Anthony. Nag-bar ka ng hindi nagpapa alam saken ah? Hmph.

“Anjo, diba may abs ka? Patingin nga” Sabi ko kahit alam kong wala namang abs si Anjo. Puro taba meron yan. Joke. Wala rin siyang abs pero wala rin siyang fats. Gets? Kumbaga, pangkaraniwan lang yung katawan nya.. Parang kay Amthony

“ATHENA WU!! ISA!” Sigaw ni Anthony na namumula na sa galit. Hindi ko siya pinansin at umaktong itataas ang damit ni Anjo ng mabilis pa kay flash ay hinila niya ako palayo. Napapatawa pa ako habang kumakaway sa akin si Anjo. Baliw. Pero salamat sa pagsakay niya sa trip ko.

“Abs ba gusto mo? Maghintay ka next next week. Magkakaroon din ako nun” Inis na sabi niya. Tinignan ko ang mukha niya at talagang namumula talaga yun dahil sa inis. Ang cute talaga magselos neto.

Tumingkayad ako para bigyan siya ng halik. Alam niyo na, masyadong matangkad ang lalaking 'to e. Smack lang naman ang halik ko sa kaniya.

“Eto naman napakaseloso. Kaya tuwang tuwa akong pinagseselos ka e. Haha .” Sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

“Ha.Ha” sarcastic niyang sabi atsaka pinitik ang noo ko, “Lagi mo na lang ako pinagtitripan”

Tumawa lang ako at niyakap siya. Wala naman akong balak na patagalin pa ang away namin since hindi naman sila nambabae kagabi. 'Yun nga lang, uminom sila ng alak. But, whatever. Its not a big deal for me. Atsaka, hindi naman kami nag aaway netong si Anthony e. Minsan lang. Kapag trip lang namin mag-away.

“Bumalik ka na roon. Hindi niyo pa nakakalahati ang pagtatanggal ng tubig sa pool” Sabi ko pagkahiwalay ko sa pagkakayakap sa kaniya kaya napanguso siya atsaka umakbay saken at sabay na kaming pumunta sa may pool area.

Pagdating namin sa may pool area ay nakita kong inggit na inggit silang nakatingin sa amin ni Amthony.

Tumawa ako ng malakas at pinagtuturo sila, “AH. HAHAHA. Kawawa naman. Hindi pa sila bati” Sabi ko kaya sinimangutan nila ako. Haha sarap asarin ng mga 'to.

BRENDA AINA SOO POV

“Baby my love so sweet naman.. Sorry na oy.. Aina baby!!” Pagsusumamo ni Jimuel na mano-manong nagtatanggal ng tubig sa pool.

Whatever. Wala akong naririnig. Umirap ako at nagde-kwatro habang umiinom ng juice. Buhay donya kami habang pinapanood ang apat na lalaki na magtanggal ng tubig sa pool, ng mano mano.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum