Chapter 15 : Clyde

384 19 2
                                    

ATHENA WU POV

Huminga ako ng malalim atsaka sumandal sa upuan na kinauupuan ko kanina pa. Halos maghapon na kasi ako rito sa SC Office. Inaayos ko kasi yung mga suggestions ng iba pang mga officers para sa upcoming event ng School na 'Sport Fest'. Lahat kaming mga officer at may kaniya-kaniya kaming naka-toka na gawain, ang iba sa amin ay sinisimulan ng mag-ikot para sabihin ang schedule para sa try outs ng every year lever.

Ang iba naman ay inaasikaso ang pag iimprenta ng mga wavers na ibibigay sa mga magulang ng mga dadalo sa event sa huling araw ng 'Sport Fest' . Magkakaroon kasi ng Party sa huling araw at may sikat na dj kaming inimbitahan. Bawat year ay may curfew, ang mga first at second year ay pwede lang manatili sa 'Party' hanggang alas onse ng gabi, ihahatid sila ng school shuttle bus para makapaniguradong ligtas silang makakauwi. Habang ang mga third at fourth year naman ay hanggang alas tres ng madaling araw, pero kapag na-approve ng Principal ang request namin na non-stop ang Party para sa mga third at fourth year students ay  pwedeng hanggang alas sais ng umaga umuwi ang third at fourth year students .

Kahit naman kasi sa amin tong school na pinapasukan namin ay kailangan pa rin namin ang approval ng Principal.

"Pst! President! Your sister is finding you" sabi saken ni Clyde . Siya ang Vice President ng SC, englishero yan. Hindi mo kakakausap ng tagalog yang si Clyde.

"Tell her to come in" sabi ko kaya pinapasok niya si Ate--- i mean SILA Ate. Bakit ang dami nila ngayon? Drake, Anjo and the transferee James na kamukha ni Noxx are also here.

"Yah! Hindi ka pa rin tapos dyan?" tanong niya sa akin

"Hindi pa. Bakit? May pupuntahan ba kayo?" tanong ko sa kanila dahil mukha kasing mag ha-hang out sila.

"Hmm.. Sana! But since you are busy, let's just hang out tommorrow." - Jas

"Hang out? Can i join?"- sabi ni Clyde kaya napatingin sila sa kaniya

"No. You can't join us." - mataray na sabi ni ate Aphro sa kaniya. Ngumuso tuloy siya at bumalik sa table niya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa folders na naka-toka sa kaniya.

"Pst! Clyde! Let's hang out tomorrow" sabi ko sa kaniya kaya napangiti siya. Well, Clyde is a quiet guy, hindi nga yan nakikipagkaibigan sa iba rito eh. He won as the Vice President of Student Council because of his intelligence and good looks.

"Hoy! Athena Wu!? Pinagpapalit mo na ako? Nakaka-hurt ka ng feelings" sabi ni Anjo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Bumibigay na naman siya oh, minsan talaga nakukumbinsi na akong may pagkabakla talaga tong si Anjo eh.

"Bakla"- Anthony

"Kapre"- Anjo

"James, Kalahi mo si Anjo"- Noxx

"Talaga ? Baka ikaw ang kalahi niya? Lalaking mahilig mag-eye liner"- James

"Pero si Drake talaga ang founder ng samahan ng mga baklang gwapo"- Lyoneil

"At isa ka sa mga member nun"- nakangisi namang sagot ni Drake

Argh -__- What the hell is this?

Piningot ni Ate Aina ang tenga nila Noxx at James sabay hila palabas ng office. Ganun din ang ginawa ni ate kayla Lyoneil at Drake.

"Hindi pa rin sila nagsasawang mag-asaran ah?"- Jas

"Ako nauumay na ako sa pag-aasaran nila eh"- Brandon

"Bakit ba sila nag-aasaran?"- Anjo

"Wala kang paki kung bakit sila nag-aasaran"- Anthony

Nagpalitan pa sila ni Anjo ng masasamang tingin.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now