Chapter 8: Saturdate

558 22 4
                                    

ATHENA WU POV

"Pahinga muna tayo" sabi niya kaya tumango na lang ako at umupo sa isang tabi. Nandito kami sa studio ng school, dito namin napiling mag reherse ngayong Sabado since kumpleto ang equipment dito.

Napalingon ako sa kaniya dahil bigla na lang siyang tumahimik. -__- Wrong move dahil nakita ko na namang pangiti-ngiti siya habang nakatingin sa phone niya. Sino bang katext nito? Parang kilig na kilig na ewan eh. Psh.

Eh bakit ba naiinis na naman ako?

Err! Ewan ko rin ba. Tsk.

Tumayo na lang ako, "Lalabas lang ako sandali" pagpapa-alam ko sa kaniya atsaka lumabas ng studio room.

Naglakad lang ako hanggang makarating ako sa may open field, lumapit ako isang puno at naupo sa ilalim noon, kung saan malilom. What the heck is wrong with me ? Ano naman pake-alam ko kung may katext siya diba? Anong paki ko dun? Kung nag-eenjoy siya na maka-text kung sino man 'yun!? Psh. Argh!

"Aaaaahhh!! Aray!" sabi ng isang lalaki na bigla na lang nalaglag galing sa taas ng puno. Nakakunot ang noo na nilapitan ko naman siya.

"Anjo? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang tinutulungan siyang makatayo.

Si Anjo ay kaibigan ko, actually family friend. Magka-klase rin kami kaso hindi niya ako masyadong kinakausap. Maybe dahil sa pagiging cold ko.

"Huh? Agh, shet. Ayos lang ako" sabi naman niya habang nakahawak sa balakang niya. Napailing naman ako, tsk. Sino ba naman kasing matinong tao ang aakyat at tatambay sa taas ng puno? Bakit? Unggoy ba siya?

"Umupo ka muna rito Anjo. Tanga mo rin kasi eh, ano bang ginagawa mo dun sa taas ng puno?" mataray kong tanong sa kaniya. Tahimik na sinunod na lang niya ang sinabi ko at umupo sa tabi ko.

Ilang minuto ring namayani ang katahimikan samen. I don't know kung bakit lumayo loob niya saken, we used to be very close when we were young.

"Anong ginagawa mo rito? Sabado ah?" tanong niya sa akin.

Naalala ko na naman yung kapreng 'yun. Psh, nakakawala sa mood. Biruin niyo ako kasama pero mas nag fofocus pa dun sa cellphone niya. Ipapakain ko sa kaniya yung phone na hawak niya eh.

"Uy? Athena?" sabi ulit ni Anjo kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ah? ano.. Nag rereherse kami para sa presentation sa music eh. " sabi ko kaya tumango-tango lang siya.

Ngumiti siya, " Ah. Buti naman may ka-partner ka. Akala ko wala eh" sabi niya na parang may lungkot sa tono ng pananalita niya kaya napakunot noo ko.

Eh? Anong ibig niyang sabihin?

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya

"Ah. Wala, akala ko kasi wala kang ka-partner. Anyway, sige uuna na ako. May aasikasuhin pa ako eh" sabi niya at tatayo na sana kaso pinigilan ko siya. I don't know either kung bakit ko ginawa 'yun. Maybe namiss ko lang na kausap siya?

"Dito ka muna. Wala kasing akong kausap. Atsaka, namiss kong kausap bestfriend ko" sabi ko atsaka ngumiti sa kaniya. Mukang nagulat siya sa inasal ko. "Kwentuhan muna tayo" sabi ko pa kaya ngumiti na siya at bumalik sa pagkakaupo niya.

ANTHONY TAKAMURA POV

Ilang minuto ng nasa labas si Athena kaya nagpasiya akong hanapin siya. Baka kung saan na nagpunta ang babaeng yun. Ayokong may mangyari sa kaniyang masama noh! Ako yung kasama niya tapos mapapahamak siya? Ayoko ng ganun.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now