Chapter 17 : Hard

351 18 2
                                    

Enjoy Reading. Vote. Comment. =)
P.S: Sorry kung may mga typo, tamad ako mag edit mga bibeh eh. xD

×××

BRENDA AINA SOO POV

Nandito ako sa labas ng bahay namin habang hinihintay si James, susunduin niya raw kasi ako. Remember? May 'date' kuno raw kami.

"Hi! Kanina ka pa ba naghihintay?" sabi niya na kararating lang, umiling ako at pumasok sa kotse.

"Kuya Dudoy 'dun tayo sa Restau nila Auntie" sabi ni James sa driver. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Shems. Kamukha niya talaga si Noxx, mas cute nga lang si James. Pero teka, bakit ko nga ba iniisip yung bakulaw na 'yun eh si James ang kasama ko?

"Alam mo, 'yung Auntie ko na ang nagpalaki sa akin simula nung namatay ang parents ko." pagsisimula niya ng usapan. So.. Ulila na siya?? Hindi halata ah.

"Wala kang kapatid?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya bilang tugon.

"Ang pagkaka-alam ko wala"

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Siguro bigla niyang namiss ang parents niya. Umusog ako ng konti papalapit sa kaniya at niyakap siya. Eto lang alam kong pang-comfort e.

Humugot sya ng isang malalim na paghinga bago kumalas sa pagkakayakap saken. Daretsong tumingin siya sa mga mata ko, "At nangako ako kay Auntie na kapag may magugustuhan akong babae ay ipapakilala ko agad sa kaniya" sabi niya pa.

Ah? Ano raw? Babaeng nagugustuhan?

Umayos siya ng upo at tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse. Ako ba 'yun? Psh ang bobo mo talaga Aina, malamang ikaw nga 'yun! May iba pa ba kayong babae na kasama?? Wala na diba? Alangan namang itong si Manong Dudoy ang tinutukoy nya, e hindi naman babae tong si Manong. Pero.... May gusto na agad sya saken? E halos ilang araw pa lang kaming magkakilala e.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa isang restaurant. Naunang bumaba si James para pagbuksan ako ng pintuan. Ngumiti ako sa kaniya atsaka bumaba ng sasakyan. Napalingon ako sa paligid at mukhang wala pang customer dahil wala pang masyadong tao.

"Tara, 'wag kang kabahan o di kaya mahiya. Mabait si Auntie" sabi ni James kaya tumango ako. Hindi naman ako kinakabahan e. Si Brenda Aina Soo kaya to nuh! Ang babaeng hindi kinakabahan. Kakabahan lang ako kapag namayat si Jollibee.

Pagpasok namin sa loob ay nagsiyukuan agad ang mga staff ng Restau kay James, ngumiti naman si James at nag bow din. Jusko, ang gwapo talaga, kamukha ni Noxx. Mas maganda lang yung lips ni Noxx kaysa sa kaniya, tapos soft pa, Hihihi. Pagkatapos nung batian effect nila ay pumasok kami sa isang silid, kung saan nandun ang isang babae na maganda.

"Leyan, andyan ka pala," sabi niya at lumapit kay James at hinalikan ito sa pisngi. Napalingon siya sa akin at ngumiti, "Aba, may kasamang maganda ang pamangkin ko ah?," pambobola niya sa akin. Enebe. "Anong pangalan mo hija?"

"Ako po si Brenda Aina Soo" sabi ko at nag bow pa sa kaniya. Syempre naman, magalang kaya ako.

"Soo? Your surname sounds familiar to me.. Haha anyway, have a seat" sabi niya kaya naupo kami ni Noxx-- este James. Lengya, bakit ba Noxx ako ng Noxx eh si James ang kasama ko? Atsaka magka away kami ng baklang supot na yun.

"Ano nga palang sadya mo rito Leyan?"

"Uhm. Tita diba i promise na kapag--" hindi pa natatapos ni James yung sasabihin niya pero nag react na agad si Auntie niya

"OMG!! Nililigawan ka na ba niya?," tanong niya sa akin kaya umiling ako "Aish! Ang hina mo naman Leyan! Mangligaw ka na, hala ka sige, baka may makauna pa sa'yo"

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now