Chapter 21 : Twisted

340 15 2
                                    

Love And Sacrifices
Written By: --joyie--
Chapter Twenty-One


BRENDA AINA SOO POV

Nakaupo ako sa loob ng Gym habang nanonood ng volleyball. Nagsimula na ang Sports Fest at unang sport activity ang volleyball.

"Himala ah, hindi mo kasama ang buntot mo" Pabiro pero seryosong sabi ni Athena sa akin habang hawak hawak ang camera niya na ginagamit niya para picture-an ang mga pangyayari rito sa loob. Required kasi sa mga SC Officer ang gumawa ng documentary kung pano naganap ang isang activity dito sa school.

"Buntot? Sino? Si James ba?" Takang tanong ko sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko, "Bakit, may iba pa ba?" Nakaloloko niyang tanong kaya piningot ko ang tenga niya kaya aray siya ng aray.

"Grabe naman 'to. Tatanggalin mo ba tenga ko?" Inis niyang sabi sa akin pagkabitaw ko ang tenga niya. Inirapan ko lang siya at ininom ang tubig ko.

"So, talaga magsusungit ka na naman? Bakit? Kasi hindi ka nilalapitan ni Noxx?" Nakangising sabi niya kaya sumimangot ako.

Mula noong nakaraang linggo ay hindi na ako nilalapitan ni Noxx. Marami ng kaganapan sa love story ng mga kaibigan namin pero 'yung saming dalawa walang ka-ganap ganap. For example, sila Aphro at Lyoneil. Official na ang relationship nila. Nagulat nga kami dahil alam naman naming parehas silang hindi masyadong ganoon kaseryoso pagdating sa mga relasyon. But look at them now. Happy with each other.

"Oh? Tulala ka na?" Sabi niya kaya bumalik ako sa realidad.

"Alam mo kasi, Hindi mo na dapat hinayaan manligaw si James sa'yo dahil halata naman kung sino ang mas matimbang sa puso mo" Sabi pa ni Athena

Oo nanliligaw si James sa'ken. Para saken wala naman kasing masama kung pumayag ako diba? I want to give it a try. Kaso, si Noxx talaga ang mahal ko e.

"Ganun na ba kahalata?" Malungkot na tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

"Oo. You are a very transparent person Ate Aina. Halatang halata kapag may problema ko, even your feelings. Kung ako sa'yo susundin ko na lang ang puso ko. Malay mo, parehas pala kayo ng nararamdaman. K. Bye" Sabi niya at umalis sa harapan ko. Alam niya kasing uusisain ko rin ang lovelife niya kaya ayun, umalis na agad.

Tumayo ako at kinuha ang mineral bottle ko bago lumabas sa Gym. Ngayon ko lang napansin, marami palang tao 'dun sa loob? Hindi ko napansin kanina dahil masyado akong maraming iniisip.

"Uy Aina!" Bati sa akin ni James na ngiting ngiti pa, "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e"

Ngumiti ako at hinila siya papunta sa isang bakanteng classroom.

"Oy bakit parang ang seryoso mo ngayon? Nakakakaba ka"

Tinignan ko siya sa mga mata kaya nawala ang mga ngiti niya sa labi.

"Im sorry. Itigil mo na ang panliligaw sa akin"

Ngumiti siya pero kita mo ang lungkot sa mga mata niya, "Dahil sa kaniya? Thank you pa rin dahil hinayaan mo akong patunayan sa'yo kung gano kita kamahal. Maging masaya sana kayo ni Jimuel" Sabi niya at niyakap pa ako bago lumabas ng classroom.

Ewan ko pero feeling ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Siguro dahil ay hindi na aasa si James na maari ko siyang mahalin o magustuhan. Don't get me wrong, James is a very loveable guy. It just... i love Noxx.

Lumabas ako ng classroom at hinanap sa buong campus si Noxx. Nasaan naman kaya ang lalaking 'yun? Ang alam ko nandito siya dahil kasali siya sa basketball team ng fourth year.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon