TWCIASA #22: Final Project

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yes, you can. But your body can't." Nagsimula na siyang maglakad. Rinig na rinig ko ang paghinga niya at bigat ng hakbang niya. Parang nadadalian lang siyang buhatin ako. Amoy na amoy ko ang pabango at parang nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy niya.

'This is his scent huh? Kung araw araw kong maaamoy ang ganitong klaseng amoy ay hindi ako magsasaw----TSK! NO! What are you doing Zam! Kung ano ano naiisip mo!'

Nakapasok na kami sa hospital at itinuro ko sa kanya ang room ko. Pinasok niya ako doon at inihiga sa kama. Lumapit pa siyang sa akin ng sobra para alalayan niya akong makahiga. Saglit akong hindi nakahinga. Tinitignan niya ang mukha ko halos hindi ko siya matingnan gaya ng ginagawa niya.
Hinawakan niya ang noo ko. Agad ko naman tinabig iyon at tinignan siya ng masama. Tinaasan niya pa ako ng kilay.  Taimtim niya akong tinitigan at napakaseryoso non ngunit wala emosyon. Wala akong makitang emosyon sa lalaking ito. Sandaling katahimikan kung wala pang babasag ay pareho kaming nakatanga.

Dumating yung nurse at siya ang kumausap. Inabutan siya nito ng gamot para iabot sa akin.

"Take this med." Pormal na sabi niya pero mararamdaman mo ang maawtoridad na boses niya. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng ganitong aura. Kakaiba ang dulot sa sistema ko. Para akong nanginginig na hindi ko mawarian. Parang nakakatakot na baka maya maya ay barilin ka na niya agad.

Inabutan niya ako ng bottled water pero tinitigan ko lang iyon. Kung wala lang aircon dito sa loob ay kanina pa ako pinagpapawisan sa kaba.

Inilihis ko ang tingin ko at ayokong uminom ng gamot. Ayaw na ayaw ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Gusto mo bang lumalala yang hilo mo? Nandito ka na pala kanina ay umalis ka ulit. Hindi ka man lang uminom ng gamot." Sarkastikong tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Mahahalata mo ang inis niya sa boses niya pero ang reaksyon niya ay hindi man lang nagbago.

"H-Hindi ako umiinom ng g-gamot." Para akong pinagsakluban sa pag-utal ko sa harap niya. Tinititigan niya lang ako.

"Pwes, dito. Hindi pwede yan. Drink it. Right now." Tinignan ko lang ulit iyon. Alam ko sa sarili kong natatakot ako sa utos niya na para bang wala akong choice. "Gusto mo bang ako pa ang magpainom sayo?" Parang kusang gumalaw yung kamay ko sa takot kahit may nararamdaman akong hindi maganda sa ulo ko. Nanginginig ko pa kinuha yon sa nakalahad na kamay niya. Bahagyang nagtama ang aming mga kamay. Para iyong kinuryente mabilis ko ring inalis. Isinubo ko iyon at ininuman ng tubig.

'Ang pait!'

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko na siya makita dahil kinakabahan lang ako sa presensya niya sana umalis na siya.

"Tomorrow, go to my unit at 5pm." Walang emosyon na sabi niya. Naguluhan ako kung bakit niya ako pinapapunta sa unit niya. Atsaka siya tumayo.

"W-Why?"

"Hindi ka ba nakinig sa prof?" Supladong sabi niya. Dinilat ko ng mata ko at tumingin sa kanya. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin. Masyado siya matangkad kaya nakatingala ako habang tinitignan siya. "We're partner in our final project." Hindi ko na narinig iyon dahil nakatungo ako at hindi pinapakinggan. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko non kaya hindi na ako nakinig.

"A-Anong final project?"

"Thesis and Report sa HRM." Sagot niya. "At dahil may utang na loob ka sakin sa pagdala ko sayo dito.. You'll be my slave whether you like it or not." Atsaka umalis na.

"W-What? Slave? Are you crazy?" Hindi ko maitago ang inis ko dahil sa sinabi niya. Tama ba narinig ko? Ha! Ang kapal ng mukha niya. Ako si Zam Yuin! Sino ka para gawin akong slave! Asshole! Binigyan niya ako ng ngisi. Halos dagungdong ang naramdaman ko, pakiramdam ko ay may gagawin siyang ikakapahamak ng buhay ko. Kailangan bang ibaba ko muna ang sarili ko para makaiwas at tumagal pa ang buhay ko?

"Yes. At hindi ako tumatanggap ng hinding sagot. Kung ayaw mong magsuffer sa University na to ay sisiguraduhin kong maghihirap ka para matuto kang sumunod."

Masama na ang pakiramdam ko ganito pa ang mangyayari! Magsasalita pa sana ako ay tinalikuran niya na ako at lumabas ng clinic. Napapikit ako sa inis! Pero.. siguro mas maganda na rin yon para mas maimbestigahan ko siya ng malapit.

'Yung lapit na yon ay kapahamakan. Fuck this! Fuck you, Livingston!'

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT! BE MY FAN!! LOVE LOTS!

-J e y v i d i v i

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon