CHAPTER 47

130 2 0
                                    

FM47.

Tatlong buwan na ang nakalipas at araw-araw akong nakakatanggap ng isang piraso ng rosas na nakadikit sa pader ko. Tinatanggal ko lang iyon at diretsong tinatapon sa basurahan.

Huli na yan.

Hindi mo na ko mapaglalaruan ulit.

"Magandang-maganda gabi sa inyong lahat! It's officially start of summer! May pupuntahan na ba kayo? Beach, hiking or staycation. Kahit saan ka pa nagba-bakasyon ngayon ay nandito pa din ako at tutulungan kayo sa inyong mga agam-agam sa buhay. Call, text and tweet na! I'll be waiting for you. Hahaha, chos!"

Natapos ang show gaya ng dati, buti na lang ay wala masyadong nakakairitang caller di gaya nung mga nakaraang araw na hindi nila naiisip ang sarili nila, puro yung mga mahal lang nila. Kahit niloloko na sila. Tsk.

Pass ako sa lakad nila ngayon dahil pagod ako, ako ang kinuhang host sa car show kaninang umaga. Pagkarating ko sa apartment ay bumungad agad sa akin ang nakaupong si Noriz na nasa harap ng pinto ko.

"Bakit?"

Nag-angat siya ng tingin at agad umaliwalas ang mukha niya. Tumayo siya at pinagsikop ang mga kamay ko. Ano na naman kayang palabas 'to?

"Ano na naman?"

"Sorry," nagulat ako sa bigla niyang pagyakap sa akin. "Hindi ko sinasadyang saktan ka, nagselos lang talaga ako. Akala ko kaya ko.. pero hindi ko kaya! Pumunta ako sa US to forget you but I can't! Forgive me please!"

Parang hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Isa lang.. Pumikit ako at binalik ang yakap niya. Wala na ko.. Talo talaga ako.

Mahal ko siya eh.

Sa pagmamahal ko sa kanya ay napatunayan kong wala talagang alam ang mga nagpapayong kagaya ko, akala mo kung sino kaming magaling na kung makapagsalita eh kala mo alam na namin lahat ng bagay sa mundo. Madalas talaga na yung nagpapayo ang hindi pa nakakaranas ng mga experience ng mga humihingi ng tulong.

Inexperience kung baga.

"Sorry talaga Jem," malambing niyang sabi.

"Okay lang. Sanay akong masungit ka."

Tumawa siya bago nagsalita. "Sobra ka naman. Anyway, marunong ka bang magchess?"

"Ha? Hindi gaano."

"May alam akong life-sized chess piece, laro tayo! This coming saturday?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit sa dami ng pwede naming gawin ay magchess pa?

"Hindi ako matalino eh."

"Ano? Dun bang sukatan dun?" nakangisi niyang sabi.

Pinauwi ko na siya ng mapansin kong dinadalaw na siya ng antok, nakuha ko pa siyang biruin habang hinahatid siya palabas.

"Pakiramdam ko ay pinaglalaruan mo na naman ako."

Nalaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. "Ano?"

Tumawa ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Joke lang, bye!"

Binaba niya ang salamin ng sasakyan kaya kinawayan ko siya para magpaalam. Pagkapasok ko ng apartment ay hindi mabura ang ngiti sa mukha ko. I'm insane! Isang paawa effect niya lang ay bumigay na ako! Sabagay, natanggap ko ng talo ako kahit saang banda kaya siguro ganito ako.

Humiga ako sa sofa at nanood muna ng tv, nagbasa ako ng mga messages sa cellphone at talagang natawa ako sa text ni Noriz.

Noriz:

Kailan kita pinaglaruan?

Kapal nito, marami ng beses Silverio. Marami ng beses. Sa sobrang dami, pwede na akong tawaging tanga. Umiling ako at nagtipa ng sagot. 

Tanga nga siguro ako dahil sayo at sa pag-ibig mo.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now