CHAPTER 44

154 2 1
                                    

AM 44.

Maaga kaming nagsimula next day para makarami ng pupuntahan. Magkasabay kaming nag-aalmusal ni Jae at may kinikwento siya sa akin.

"At least takas ka na!" kinindatan ko siya at sinilip si Noue at Caesar na busy ding nagchi-chikahan.

"Parang OP nga ako kasi nakalingkis siya sa akin pero iba ang masaya niyang kausap."

Lumawak ang ngiti ko at tinignan siya ng makahulugan. "Selos ka?"

Umiling siya at uminom ng kape. "Nope," tipid niyang sagot.

"Okay sabi mo," tumawa ako bago nagpatuloy na din ako sa pagkain.

"Mukhang okay na kayo ni Silverio ah?"

Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "Di kami magkagalit."

"That's not what I meant," halos pabulong niyang sabi.

Umiling ako at nilagay sa lababo ang pinagkainan. Bumaba na din ang tatlong magkakaibigan kaya umalis na kami. Masaya ang lahat- lalo na si Noue.

"Enjoy yung kapatid mo oh," nakangiti kong sabi.

"Then good. She deserved it."

Nagkukulitan kami dito at naglalaro ng kung ano-ano hanggang sa makarating kami sa strawberry farm na gustong puntahan ni Caesar.

"Kayo?" turo ko sa kanila dahil papunta na si Caesar at Noue sa entrance.

"Mainit. Mamili na lang tayo, hayaan mo sila," masungit na sabi ni Noriz.

"Eh. Gusto ko eh!"

Nagmartsa ako palapit dun sa dalawa at dahil kay Caesar ay di ako masyadong tinatarayan ni Noue. Tumakbo palapit si Jae at Mon.

"Game. Minsan lang 'to," masayang wika ni Mon.

Humiwalay kami ng ruta at kanina pa ko tawa ng tawa dahil sa pagkadulas ng dalawa sa likod ko. Kanina pa sila mura ng mura.

"Yan! Mga anak mayaman! Di sanay sa putikan," masaya kong sabi.

Natapos ang buong picking na wala kaming nakuha dahil puro sila dulas at puro naman ako tawa. Hanggang paglabas ay tawa pa din ako.

"Mamili kayo ng damit! Mga hampaslupa!" biro ko habang tinatapik sila.

Next stop, of course, Grotto. Puro reklamo ang mga 'to dahil napapagod na sila pero eto ako at puro tawa lang ulit. Nagugulat ako minsang pagtsansing ni Noriz at paghalik sa noo na nagpapatalon sa akin at paminsan-minsang pag-igting ng panga ni Jae kapag nahuhuli kong nakatingin siya kela Noue.

"Oks lang?" tanong ni Jae ng kakain na kami.

Napili nga nila ang isang lokal karinderya para kay Caesar at wala namang magawa ang mga tao kundi maghanga sa mga beauty nila. Napansin ko ang pagpisil ng isang bakla sa pwet ni Noriz kaya tumayo ako at binuhusan agad siya ng tubig. Takot ako sa kulam pero mas lalo na sa manyak.

"Sorry miss! Akala ko halaman kang gumalaw!"

Nagtawanan ang mga kasama namin at galit na umalis ang grupo ng mga bakla. Tinignan ko si Noriz na mukhang di na nakagalaw. Akala ko ba bakla ka?

"Hoy! Tara na!" at hinila ko siya paalis.

Sinunod namin ang Botanical Garden at picture everywhere ang peg kaya ayan nagugulat na naman ang mga tao. Ako lang kasi ang plain dito.

"Thank you ah."

Tinignan ko ang kakaupo lang na si Noriz at sinagot ko siya ng ngiti.

"Narape na ko nun kung di ka nagselos."

Tumawa kaming pareho dun at agad ko siyang pinalo. "Ang kapal mo ano?"

Nag-Burnham na kami at nagsisakayan na sa bangka ang mga pakawalang bata. Natatawa na lang ako dito sa piniling bangka ni Noriz.

"Ang gay nito, tsaka hindi ito bump car kaya umayos kayo ng mga kaibigan mo!"

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang kuhaan sila.. Pati kami ni Noriz ay may selfie, upon request niya. Pagkatapos ay sa Wright naman kami. Panay ang joke nila ng wrong jokes na ubod ng korni. Sumakay ng kabayo si Caesar at Noue at talaga namang ang galing magpatakbo ng kabayo ni Caesar! Natakot lang akong sumakay ng muntik ng malaglag ang bata dahil aksidente niyang natusok ng stick ang sinasakyang kabayo.

"Buti at di siya hinagis."

Nagulat akong di pala nag-arkela ng kabayo ang isang 'to.

"Sasamahan mo talaga ako ah," nakangisi kong sabi.

"Syempre naman! Loves kita eh."

Hinampas ko si Noriz. "Ay. Bolatis na naman!" nakatawa kong sabi.

"Uy hindi. Kung papipiliin ako, sana pinakasalan na lang kita kesa siningil ang utang mong binalik ko lang naman sa bank account mo."

Nagulat ako sa sinabi niya at nilingon siya. "What?!"

Hindi na siya sumagot pa at inakbayan na lang ako para halikan sa noo. Medyo nawiwili na ang isang 'to ah.

"Willie Revillame ka ba?" tanong kong hindi niya nagets.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now