CHAPTER 24

196 3 0
                                    


AM24.

"Oh e'di nasaktan ka lang sa ginawa mo?"

Iritado kong sabi sa kanya habang kumakain kami ng tira-tira nung dalawang lovey-dovey sa taas. May pa say-say pa itong una na daw siya, tinikman din naman yung ginawa ni Flor. Ngumisi lang siya at umiling. Maganda bang pangitain yun o panget? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Naniniwala ka sa destiny?"

Napaihit ako ng tawa at akala ko ay lumabas sa ilong ko ang kanin. Putek 'to.. Sabay banat ng ganon.

"Coincidence oo.. Destiny?" umiling ako. "Nah."

"Pansinin mo.. May utang ang mga magulang mo kaya tayo nagkakakilala.. Tapos lahat ng kwinento ko, ate mo pa lang may dahilan. Coincidence nga siguro," at mabilis siyang sumubo ng kanin.

"May utang pa pala ako ano?" tinapik ko ang kamay niya. "Baka magpaparaket ka, para mabawasan."

Sumilay na naman ang ngiti sa labi niya. "Mag-isip ako.. Pero paano kung si Cel na lang ang singilin ko?"

"Hmm.. Magtigil ka, ate ko lang siya sa puso.. Hindi sa pusod!"

Natawa ako sa pagngiwi ng mukha niya. Hindi siguro niya naintindihan, uminom ako ng tubig at umiling.

"Sige, nevermind."

"You're not blood-related?!"

Umiling ako at narinig ang ilang mura niyang pabulong. Hindi na kami nag-usap pagkatapos nun.. Naloka siguro. Umuwi na din siya pagkatapos kaya hinatid ko siya pababa saktong kita naming pababa sina Cel at Flor. Nagtatawanan sila at naghaharutan na parang wala silang paki sa earth, na parang wala kami sa harap nila. Naramdaman ko lang ang kamay ni Noriz sa pulso ko at mabilis niya akong hinigit palabas.

"Affected ka pa din? Sabagay.. Ang ganda ni Cel" inosente kong sabi.

"Hindi yun.. I don't get it.. Bakit siya? Bakit di ako?"

Nakita kong tinakpan niya ang mata niya kaya tinapik ko ang likod niya.

"Bakit nga ba? Have you think of it? Saan ka kaya nagkulang? Eh baka hindi para kayo sa isa't-isa?"

"Eh sinong para sa akin?! Bakit kailangan maiwan ako mag-isa?! Minahal ko lang naman siya. If I only know that this time would come, I should've cage her.. I shouldn't gave her wings kung alam kong lalayo siya."

Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "You just did the right thing. Kung hindi mo ginawa yun e'di mas nasaktan ka lalo. Sabi nga nila, truth shall set us free"

"Thanks Jem," at niyakap niya ako.

Natulog na ako pagka-alis niya dahil napapagod na ako, may show pa mamaya at kailangan ko ng pahinga.

"Ganun?" sabi ko kay Jae habang kumakain ng dumplings. "E'di magiging busy ka?"

Tumango lang siya. "Isasama kita sa sunday kahit ayaw ko."

"Ano ba talaga Jae? Isasama mo ako o ayaw?"

"Isasama.. It's the company's anniversary, as well as the merging. Alam mo namang makikipagmerge na kami sa mga Silverio."

Silverio?

"Kela Noriz?" nagtataka kong tanong na tinanguan niya lang.

"Bakit?"

"Ikakasal ako sa kapatid niya," naka-ismid niyang sabi.

Muntikan ko ng maluwa ang kinakain ko dahil sa narinig kong yun. For real?!

"Tapos idi-date mo pa ko? Siraulo!"

Umismid siya at nakita ko ang pag-clenched ng jaw niya. "Hindi pa naman. Dun pa lang."

"Wag kang magsusungit dun ha! Gwapo mo pa naman!"

Bumalik ang ngiti sa mukha niya at napatingin siya sa relo niya. "It's 8am.. Lagi tayong umaga umuuwi kahit 2pm ang out mo. Paikot-ikot lang naman tayo sa Taguig"

Tumawa ako dahil totoo naman talaga ang sinabi niya.. Lakas naming makaubos ng gas eh, madami kaming nakikita sa madaling araw tsaka mula 10 hanggang 6pm ay tulog ako kaya gusto kong magliwaliw after show o minsan pagkatapos ng gigs.

"Uwi na nga tayo. Galit ka na eh," at patawa akong tumayo.

"Oh sa biyernes, mamimili tayo ng damit mo. Bawal rubber shoes dun hipster!" bilin niya bago umalis.

Hipster daw.. Pwede ka yang gupitin yung gown? Napasilip ako sa phone ko ng maramdaman ang pagvibrate.

Juding:

Be my date this Sunday. I'll minus 50k

Ano daw? Anong gagawin ko ngayon?! Pera o pagkakaibigan? I'm thorn between two problems!

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon