CHAPTER 11

227 4 0
                                    

FM11.

Hindi ko talaga matanggap na gagawin lang akong driver ng ungas na 'to! Sasapakin ko ang mukha nito pag nakabayad na ako ng utang! At isa pa! Hindi tumutupad sa usapan ang sira na 'to, di ko talaga makakalimutan yung araw na niloko niya ko.. Imbyerna!

"Buti naman on time ka" nakangiti niyang sabi at binato sa akin ang susi ng sasakyan niya na may kabayo. Tss.

"Hintayin na kita sa ground. Wala ka namang date di'ba?" asar kong tanong.

"Meron! Papunta na siya!"

Nagkibit balikat na lang ako at umalis.. Baka isang model lang yan o artista o businesswoman na gaya niya.. Hmp!

Binuksan ko na agad ang makina at radyo, mas mabuti pang makinig sa balita kesa sa mga kalokohan ng isang yun.

"Kaya nga! Sana mag-enjoy tayo ano!?" masayang sabi ni Noriz habang papasok kaya tinignan ko siya sa salamin.

"San ta-?"

Nalaglag ko ang panga ko ng makita ang katabi niya! My god! Ang gwapo! Teka.. Yan ang date niya? Pinunasan ko ang bibig ko dahil tumulo ata ang laway ko! Hinanap ko din yung panga ko na nalaglag sa sahig ng sasakyan.

"Anong sabi mo?" tanong ng nakangiting si Noriz.

"Saan tayo pupunta?"

"Ah! Sa Swire Tower sa New Manila!" bumalik siya sa pwesto niya pero di siya tumigil sa pagdaldal.

"Eto nga pala si Julian.. Date ko"

Tumingin ulit ako sa rear at nakita ko ang pagngisi niya.. Ang gwapo niya! Pinilig ko ang ulo at baka mabangga kami.

Nakakairita na ang baklang to.. Ang ingay! Di ko sila maiwasang di tignan dahil kulang na lang ay maghalikan na sila! Bwiset talaga! Pero.. Akala ko girlfriend yung nag-iwan sa kanya??? Ang gulo.. Ang sakit sa ulo.

Nakarating na kami sa tapat ng building at agad silang lumabas, ibig sabihin ay iwan ako dito? Hmp! Okay lang! Dumungaw ako sa bintana at sinigawan siya.

"Anong oras ko kayo sunduin?"

"I'll text you.." at kinindatan ako.

Hinintay ko silang pumasok sa loob tsaka humarurot paalis. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan sina Mon at Jae.

"Sa Sparkling kayo? Ayos malapit lang dito! Papunta na ko!"

Nakita ko ang tinginan ng mga tao pagkababa ko.. Syempre! Ferrari 'ata itong dala ko, nakangiti akong pumasok at nakita ko agad sila.

"Sakto!" bati ni Mon na kaakbay ang girlfriend niya. "Tara na at kumanta"

Nakipaghighfive ako kay Jae. "Simulan na natin.. May susunduin pa ko"

"Dapat kasi iniwan mo na lang yung sasakyan nila" sabi ng kakatayo lang na si Jae.

"Wala kong pangtaxi.. Hehe!"

Tumugtog na agad kami at as usual ay nagtilian ang lahat para kay Jae, wala namang bago.

"Thank You! Enjoy the rest of the night"

Yun nga.. Lalong nagkagulo ng magsalita na siya at naiwan siya sa paanan ng stage.

"Alam mo para kang timang sa suot mong t-shirt" nakangising sabi ni Mon.

"Oo na.. Pinagsisisihan ko ng ginupit ko 'to"

"Hindi yun.. Ano ba namang statement yan, 'head over heels with the drummer? Seriously?"

Tumawa ako at pinagmasdan ang damit ko. "Sorry not sorry. I fall for myself, tsaka natutuwa ako sa mga ganitong drummer ang binibigyan ng atensyon. Astig di'ba!"

"Whoo ewan.. Nga pala, maganda ba yung date nung amo mo?" nakangising tanong ng manyak.

Tinignan ko siya ng masama. "Weh lang? Ay actually.." at pigil akong tumawa. Magsalita na ulit sana ako ng tumunog ang phone ko. "Yes?"

"Nasan ka? Uuwi na ko! Ang panget dito! Uuwi na ako!"

Kumunot ang noo ko. "Fine" binulsa ko ang phone ko. "Alis na ko, pakisabi na lang kay Jae. Busy eh" tumawa ako bago nakipagfist bump.

Parang ilang oras palang sila dun ayaw na nila? Nag-lq siguro. Natawa ako sa naisip ko, hehe kaderder. Pagkarating ko dun ay nakita kong nakaupo siya sa may hagdan at malambing na kinakausap ni Julian oppa.. Hihi! Ang sweet!

"Oy! Sakay na.. Sa bahay niyo na pag-usapan yan" sigaw ko sa bintana.

"Di na! Umuwi ka na Jul" at padabog siyang pumasok.

"Ang aga mo namang umuwi.. Lq?" at mahina akong tumawa.

"Shut up and drive"

Tinignan ko siya sa salamin at nagmake face, ang yabang! Bading! Shokla! Bayot! Juding! Bakla!

"So how's the party?" nakangiti kong tanong.

"Are you my Mom? Tsaka ba't nawala ka? Nakuha mo pa talagang makipagdate?"

Ang poga naman nitong kausap! "Bakit tatay ba kita? Nag-gig ako.. Mababawasan lang ang utang ko pero di ako kikita sayo kaya.. Shut up and just sit there at the back!"

Narinig ko ang pagtawa niya kaya di ko na lang siya pinansin, nangtitrip na naman yan. Pagkahinto namin sa tapat ng condo niya ay mabilis siyang bumaba.

"Just give the keys to the valet boy.. Thanks for tonight, you make me happy"

Natigil ako ng ngumiti siya sa harap ko.. Ang gwapo niya pala talaga.. Nagising ako sa realization na bading nga pala siya. At di ako in love sa kanya! Teka.. In love agad? PBB Teens?!

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now