CHAPTER 43

136 3 4
                                    

FM 43.

Nakahanap kami ng guesthouse at agad silang nagpahinga. Ang haba ng biyahe pero mas pinili kong manood ng tv. Natulog naman ako buong biyahe kaya okay lang ako. Napansin ko din ang paglakad ni Noriz kaya irita ko siyang tinignan.

"Natatae ka ba? Tae ka na."

Huminto siya at tinignan ako ng masama. "Hindi. Naghahanap akong pagkain," irita niyang sagot.

"E'di bumili tayo!"

Lumabas kami at brrr! Ang lamig dito! Kanina ko pa kinikiskis ang dalawa kong kamay para makaramdam ng init ng bigla na namang igapang ni Noriz ang kamay niya sa likod.

"Nawiwili!" sigaw ko. "Di ko naman boyfriend!"

Tumawa siya at seryoso akong hinarap sa kanya.

"Anong di boyfriend? I'll marry you right away. Bibigyan kita ng pamilya."

Namula ako dun at naitulak ko siya. "Hmp! Tara na nga!"

No. Don't give me any reason para hindi ko ituloy ang plano ko. Kung hindi mo lang ako pinaglaruan para sa kapatid mo ay baka matanggap ko pa yang mga rason mo.

Nakarating kami sa isang mini mart at agad siyang namili ng mga sangkap para sa adobo. Sinusundan ko lang siya habang tumitingin sa mga products na binebenta dito ng biglang may bumunggong binata sa akin.

"Aww! Sorry miss," nakangiti niyang sabi.

"Okay lang. Maliit na bagay," I said.

Naglahad siya ng kamay sa akin. "By the way, I'm Yuki. Yuki Zabala," masaya niyang sabi.

"I'm Noriz Silverio."

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at kita ko ang tamad na tingin niya dito sa estranghero. Mabilis niya akong hinigit at hinila palayo.

"Nice meeting you Pre!" masayang sabi nung Yuki at naramdaman kong umalis na dahil parang may tumawag sa kanya.

"Anong nationality nun?" irita niyang tanong?

"Malay. Di naman kami nakapag-usap di'ba?" irita ko ding sagot.

"Kung pwede lang talaga na sa akin ka lang mahulog."

Mabilis siyang nagmartsa papuntang counter habang eto ako at nakatunganga. Sayo naman ako nahulog ah? But I want him to see his mistake that night, is that hard to understand? Pumikit na lang ako at lumapit na sa kanya na todo ngisi at kuwento dun sa kahera.

"Di mo sinabing mga kahera pala ang gusto mo?"

Nakita ko ang paglalag ng panga niya at umalis na ako para umuwi. Gago talaga! Kung makaasta ay akala mo selos na selos, yun pala may plano din.

"Hoy Jemimah!"

Hoy Jemimah mo mukha mo!! Nagpatuloy ako sa paglakad at hindi siya pinansin. Todo pa din siya sa kakatalak at nagulat ako ng mahabol niya ako. Hinila niya ako palapit sa kanya at halos kumalabog ng todo ang puso ko.

"Stop running please."

Kumalma ako at tinanggal ang kamay niya para sumabay na maglakad. Tumatakbo ba ako?! Tahimik lang kami at napaisip ako sa mahaba kong leave sa trabaho. I suddenly miss my job.

"Iniisip mo?"

"Trabaho ko," diretso kong sagot sa kanya.

"Bakit? Tinanggal ka ni Jae?" irita niyang tanong. "Pwede ka sa company namin. We're much better."

Umiling ako. "Mahaba na kasi ang naging leave ko, namimiss ko lang."

Pagkabalik namin ay gising na si Jae, Mon at kapatid ni Noriz na todo kung lumingkis. Nginitian ko lang sila at ako naman ang umakyat sa taas. Me time please? Pagkaakyat ko ay nakita kong isang malaking kwarto lang pala ito. Nginitian ko ang kakagising lang na si Caesar.

"Zup? My turn," nakangiti kong sabi. "Is your itinerary ready?"

"Yup. I'll give you a copy when you wake up."

Tinapik ko siya ng pababa na siya at kahit gusto kong sumunod ay ayaw na ng katawan ko. Pagoda na sa lahat ng kaartehan. Bumagsak na lang ako sa higaan at nagsimula ng matulog.

Naalimpungatan ako sa mga naghaharutang lalaki. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko si Noriz na niyuyugyog ang dalawang kaibigan.

"Go downstairs. I prepared something and I'm really sleepy," pa-cute niyang sabi sa mga kaibigan.

Pumikit ako at tumalikod ng makitang tumingin sa akin si Ian. He's really handsome pero bakit kaya siya iniwan. I let it slipped at pinagpatuloy ko ang pagtulog. Tumawa ang dalawang lalaki at biniro pa ng kung ano-ano si Noriz bago bumaba. Naramdaman ko na lang ang pagtabi niya sa akin at as usual ay pagpulupot niya sa baywang ko.

Hinayaan ko lang siyang makatulog pero ilang sandali lang ay dumilat ako at humarap sa kanya para lang makitang gising naman pala siya.

"Yun! Humarap din!" at mabilis niyang dinampian ang labi ko na nagpagising sa buong sistema ko.

Hindi pa ako nagto-toothbrush!

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now