CHAPTER 29

164 3 0
                                    

FM29.

Ang engrande ng party! Kahit saan may tao, may pagkain, may pangyayari. Malungkot pa rin ako dahil sa nararamdaman ko pero hahayaan ko na lang muna 'to sa ngayon. Luminga ako para hanapin si Jae kaso wala siya sa paligid, malamang ay kasama niya yung kapatid ni Noriz. Alam kong magkakagulo dahil ang taray nun kapag lumapit ako sa kanya.

"Jem. Dun tayo, I'll properly introduce my friends," nakangiti niyang sabi na tinanguan ko.

My heart skipped ng pagsikupin niya ang mga kamay namin. Nahihiya ako pero ayaw kong bumitaw.. Hindi ako bibitaw. Wala akong kebs sa mga camera at chismis ng mga tao dito!

"Ian, Julian. She's Jemimah," pakilala niya sa akin sa masayang tono.

"Nice to meet you" nakangiting sabi nung Ian na nagpagupit na ng buhok.. at nagtitext.

"Hi! Kilala mo naman na ko di'ba?" sabi ni Julian.

"Oo.. Yung GIRLFRIEND niya," mahina pero may diin kong sabi na nagpatawa sa mga kaibigan niya.

"Sorry na," at kinurot ni Noriz ang pisngi ko.

Nagkikwentuhan lang kami ng kung anu-ano at nagtatawanan, in fairness, masarap kausap ang mga kaibigan niya.

"Okay na kayo ni Arriane?" biglang tanong ni Julian kay Ian.

"It's blurred as hell," tamad nitong sagot.

Tinapik ni Noriz ang balikat ni Ian. "Everything's gonna be alright."

"Yeah," at si Julian din.

"Thanks.. Oh teka, baka isipin ni Jem bromance tayo," nakangiti niyang sabi.

"Ha? Yun na nga ang iniisip ko."

Biro kong nagpangiti sa kanila. Sana maging okay na sila ng girlfriend niya. Nginitian ko sila para hanapin ulit si Jae ng biglang tumayo si Noriz.

"Let's get our food."

Hinigit niya ako papunta sa buffet table na may maliliit na flag.. International ang peg. Nakita ko si Mr. Silverio sa kalayuan kaya nagpasiya akong mangamusta.

"Good evening Sir."

Napatingin siya sa akin at umaliwalas ang kanina niyang seryosong mukha.

"Jemimah!" at niyakap niya ako. "Kamusta?"

"I'm fine naman po. Kayo po?"

"I'm good. Thank you for coming with my son here. Alam mo naman, he's still shocked. Make him happy, please."

Ngumiti ako at tumango. "Sige po. Bawas utang ba?"

Nagtawanan muna kami at kaunting biruan bago ako mag-excuse para mabalikan si Noriz pero nawala siya kaya nagpatuloy ako sa pagkuha ng pagkain. Pagkabalik ko sa table ay si Ian lang ang nandun. Nakikipag-usap siya sa phone kaya nag-ok sign ako kung pwede ba akong umupo at tumango naman siya.

"For a while," sabi niya at tumingin sa akin. "Where's Noriz?"

"Nawala siya kanina," at kumain ako nung leche flan na kinuha ko.

Bumalik si Ian sa kausap niya at nagpatuloy ako sa pagkain. Maganda ang tinutugtog na classic melody ng banda sa harap at habang tumitingin ako sa paligid ay nakita ko si Mon.

"Mon!" mahina pero alam kong maririnig niya ko.

Tumingin siya sa direksiyon ko kaya tumayo ako para salubungin siya.

"Maka-japorms naman tayo diyan" biro ko.

"Alangan mag-brief ako?" nakangisi niyang sabi.

"Hmm? Pwede!"

Nagtawanan kami hanggang sa maalala ko si Yeun Jae Ha. Nasan kaya yun?

"Nasan ba si Jae?! Teka umupo nga tayo," umupo ako at sumunod siya.

"Hinihintay ko ngang magtext. Huling message niya nandito na sila," sabi ni Mon habang nagsi-cellphone.

"Ganun ba?" kinuha ko din ang akin pero wala namang katext-text.

"Hinahanap na ko ni Dad Jem, I'll introduce you later. Enjoy here, okay?" at tumayo na siya pagkatango ko.

Wallflower again.

"Kaibigan mo?" tanong ng nakangiting si Ian.

Napatalon ako ng marealized na di ko man lang siya pinakilala. "I'm sorry. Di man lang kita napakilala, grabe ang bastos ko."

"Don't worry, di din naman kami magpapansinan. We've been rivals since kinder," nakangiti pa din siya. "Anyways, did Noriz told you that he likes you?"

"Hmm?!" gulat kong sabi at nagmumurang kamatis na 'ata ang mukha ko. "Walang ganun. Magkaibigan lang kami."

"I see. Kahit na kaibigan lang, make him happy."

"Sorry ah.. Kasi madalas akong masabihan niyan, mukha ba kong clown o kaya happy meal? If he wants to be happy, he can be," medyo pabiro kong sabi.

"If.. But he can't right now. Based on his attitudes lately, he likes you but he's in doubt. Marami siyang problema. His mom, half sister, stepmom, company and the break up. Pero kapag kasama ka niya masaya siya, madalas ka niyang ikwento. So, sorry for the extra burden," nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at kumain. "Okay lang. I'll try my best."

Dumating si Noriz na may dalang dalawang pinggan at nakatingin siya sa akin na pawisan.

"Kumakain ka na? Nawala ka kaya kala ko di ka pa kumain."

"Eh binalikan kita dun kaso nawala ka din. Kinamusta ko ang Papa mo."

Tumawa siya at nilapag sa harap ni Ian ang isang pinggan.

"Sorry. May mga nakita lang din akong kakilala."

"Okay lang," tipid kong sagot.

Kinulit niya ako ng kinulit kaya panay ang banat ko ng jokes na nagpapangiti sa kanya. Parang natural lang ang ganitong biruan namin. Aksidente akong napatingin kay Ian na nakangiting nakaharap sa akin.

Dumating si Julian na may dala na rin pinggan na puno ng pagkain. "Party-party 'ata?"

"Eh akala 'ata nito nakalibre siya ng happy meal ng sinama ako dito."

Nagtawanan sila at pakiramdam ko ay isa na akong malaking joke dito na bawat tingin at sabihin ko ay natatawa sila. Sira 'ata ang ulo ng mga 'to, hindi naman ako na-orient na kapag gwapo may sira ang ulo.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now