CHAPTER 36

138 4 0
                                    

AM36.

Ilang araw na kong di pumapasok. Sinabi kong may bulutong ako kaya hindi rin siguro pupunta yung dalawang itlog dito. Hindi din ako lumalabas ng kwarto kahit panay ang pagkatok nila sa pinto ko.

"Jem! Lumabas ka na! Aalis na kami!"

Yun lang ang naging dahilan kaya ako lumabas ng kwarto. Gusto kong magpaalam ng maayos sa kanila, dapat pala ay magleave ako dahil susunod ako sa kanila para sa kasal.

"Bukas siguro ay susunod na ko."

"Sige, hintayin ka namin. Maraming chocolate sa ref, dala ng nobyo mo," masayang sabi ni Cel.

Niyakap ako ni Flor at Cel bago sila tuluyang umalis at nakaramdam ako ng lungkot ngayong mag-isa na lang ako. Binuksan ko ang ref at gaya ng sabi ni Cel ay may mga chocolate nga dito. Araw-araw siyang pumunta dito simula nun?

N?

Kinuha ko ang isa at sinimulang kumain. Ilang araw din akong hindi kumain kaya kakainin ko 'to. Wala namang kasalanan ang chocolate na 'to sa akin. Binuksan ko ang tv at nanood ng mexican teleserye.

Kinuha ko ang laptop ko ng maalalang kailangan kong magbook ng flight. Nakakuha ako ng 10am flight at nagpasiya akong mag-impake na. Naggawa na rin ako ng leave letter na ini-email ko sa hr namin na inapprove naman pero magrereport agad ako monday morning bago magshow.

Hindi ko alam kung nagtitext ba si Noriz dahil hindi ko pa binubuksan ang phone ko. Dapat siguro ay kumuha ako ng mas maagang flight, wala naman na din akong gagawin dito.

Nagpatuloy ako sa panonood hanggang sa mag-alas tres ng hapon at nagsimula kong maligo at saktong-saktong may nagdoor bell, kung swineswerte naman ay nakatapis pa ako. Tumakbo ako papunta sa pinto at nagulat akong makita si Noriz sa harap ko kaya naibalibag ko ang pinto.

Sht.

"Bakit ka nandito?" seryoso kong tanong.

"Sorry. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yun" sinandal niya ang mga braso niya sa tuhod. "Sorry. Alam ko iniisip mong pinaglaruan kita pero totoo lahat ng sinabi ko"

Wala kong masabi dahil wala naman akong dapat sabihin pero mahapdi pa din ang sakit ng ginawa nila.

"Aalis muna ako ng Manila, magmumuni-muni muna ako" nakangiti kong sabi.

"Saan ka pupunta?" gulat niyang tanong.

"Basta sa malayo."

"Hindi ako pwedeng sumama?"

Nagulat ako sa tanong niya pero kahit gusto kong tumawa ay ayokong makita niya o malaman niyang hindi na ko galit sa kanya.. Pero kailangan ko pa din siyang matalo.

"Hindi eh. Bawal ang lalaki sa pupuntahan ko."

Nakita kong ngumuso siya kaya napangiti na rin ako. Tumingin siya sa dalawang wrapper ng chocolate na nasa mesa.

"Kala ko itatapon mo itong mga bigay ko," nakangiti niyang sabi.

"Ano?! Malabo! Mga mahal ata yan, wala kong pambili niyan ano!"

Tumawa siya at inakbayan ako na nagpatalon sa akin.

"I'm sorry," bulong niya sa tenga ko.

Bahagya ko siyang tinulak. "Ok lang, baka pangarap ng kapatid mong maging artista."

"She's just mad. Forgive her."

"Sabi nga nila.. Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya?" humarap ako sa kanya at ngumiti. "Hindi naman ako nagtatanim ng galit, mag-isa na nga lang ako sa buhay mag-iinarte pa ako ng ganun."

Ngumiti siya sa sinabi ko at niyakap ako, nakaramdam ako ng unting tuwa pero mas nanaig sa akin ang plano ko.

"I'll be back tomorrow, pero bago ako umalis.. Tell me na napatawad mo na ako."

Eto na.. Ako naman ang maglalaro sa ating dalawa.

"Napatawad na kita."

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora