CHAPTER 1

746 14 0
                                    

FM 1.


"Good evening mga pusong sawi! Eto na naman ako at papawiin ang inyong mga sakit," tumawa ako ng malakas kaya binatukan ako ng best friend ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata bago nagpatuloy. 

"Ang dami agad laman ng inbox ko! Dalawa! Anyways, sound trip muna tayo ha. Para sa mga naniniwala sa forever dyan! Here's Forevermore!"

Hinubad ko ang headset na suot at uminom ng kape, night shifts.. Tinalo pa call center! Kinawayan ko ang mga nakikinig sa labas at masaya silang kumaway pabalik sa akin.

"Dami nilang binigay na pagkain," sabi ni Ramon. "Susunod natin? Isa pa pala bago mag-commercial."

"I'd rather," sabi ko habang naghahanap ng love problems. "Twitter muna ko bago ko mag-call. Ayos 'tong problema nung isang nag-pm sa akin eh," nakangisi kong sabi.

Ziron Alpha Omega: @DjMaji_xxfm Dapat ba kong magalit kasi yung mga magulang ko, pina-fix marriage ako sa kakilala nilang may utang sa amin?

Medyo cliche siya pero mapapagbigyan na. Tumingin ako kay Ramon at sinenyasan siyang i-ere na ako.

"Nagbabalik po ang Dyosa ng mga sawi, before I give my precious love advice ay magbabasa muna ako ng mga tweetmis niyo. Mga chismosa!" buga ko kaya natawa ang mga nakikinig sa labasan.

Ginawa ko naman ang sinabi ko at halos okupahin nun ang 20 minutes ng air-time ko.

"So I choose you, Ziron Alpha Omega. Medyo pang-ewan lang ang name niya, joke. So ito ang problem niya. DJ Ganda, oo, pinalitan ko!" at tumawa ako ng malakas. "Going back, dapat ba kong magalit kasi yung mga magulang ko, pina-fix marriage ako sa kakilala nilang may utang sa amin?"

Uminom ako ng tubig at kumaway ulit sa mga tao sa labas.

"Di'ba usually, kapag fix marriage ay para mas lumaki ang yaman ng bawat pamilya. In his case, magpapakasal para maipambayad utang. Allowed ba yun? Siguro tignan mo, kung wife material puuuussshh," with matching hand gesture pa ako. "Pero kung tagilid, singilin mo na lang siya, well, no choice eh," tumawa ang mga tao kaya naputol ako. 

"Oh kaya pakasal kunwari o kaya bading ka. Ganun. Joke! Pero siguro aminin mo sa parents mo ang nararamdaman mo, masamang magalit sa kanila! Pag nawala yan, iiyak-iyak ka. Tapos kilitasin mo yung girl, baka naman click din kayo."

Nagpatugtog na kami ng Crazy For You. "Oh. Para ma-inspire kang mabaliw sa magiging fiancé mo. Wipee!"

Nasa second half na kami at ito yung 30 minutes na tugtugan lang. Pahinga siyempre, ala-una na 'no!

"Ang kulit nitong Ziron na 'to. Nag-pm na naman" nakatawa kong sabi.

Ziron Alpha Omega: Ayoko po sa madaldal eh.

DjMaji_xxfm: Uhmm. Explain mo sa parents mo, hehe.

Ziron Alpha Omega: Eh 5 million po yung utang nung babae. Ayokong pakasalan kasi madaldal

O-m-G! 5 million?! Heck, ibig sabihin.. Mayaman ang lalaking 'to?!

DjMaji_xxfm: Wow ulaam! E'di installment na lang. Tapos panggap kang bading

Hindi ko na sya nareplyan dahil bigla akong nakatanggap ng text na babago sa aking buhay.

09xxxxxx123: Good morning. This is Mr. Silverio, ako ang dating kasosyo ng mga magulang mo sa trabaho. Niloko nila ako at tinangay ang 5 million na i-invest ko sana. I need to talk to you, tomorrow at Figaro near your office at exactly 9am. Thank you.

Parang lumamig ang buong pagkatao ko dahil dun. Ano daw!? Hindi ko na maalala kung ilang ulit ko binasa ang text message na yun. Nagulo nun ang sistema ko at hindi ako nakapag-exit ng maayos.

"Anyare?" tanong ni Ramon na inilingan ko lang.

Pumikit ako sa bus at naisip kong wala akong magulang, excuse na siguro yung hindi ko sila nakilala kaya hindi ko na kailangang bayaran pa. At baka scam ito!

Tama!

Pinilit kong magising ng maaga ng sumunod na araw para sa usapan namin nung Mr. Silverio. Kinakabahan akong magpakita dahil baka singilin niya agad ako. Wala kong milyon! Nag-sign of the cross ako bago pumasok sa coffee shop. Siguro ay siya yung naka-tux na nakaupo sa pinakadulo, dahan-dahan akong pumunta dun.

"Excuse me po."

Nakita kong binaba niya ang dyaryo at tinaasan ako ng kilay. Kataray naman nito!

"Ako po si Jemimah. Kayo po ba si Mr. Silverio?"

"What are you talking about? Are you going to scam me?!"

Napaurong ako sa paghi-hysteria niya. Walangjo! Englishan ang peg niya! Pwede namang sabihin ng tama!

"I'm sorry," at tumakbo ako paalis.

Huminga ako ng malalim at umorder muna ng biglang may matandang nagtaas ng kamay at kumaway sa akin.

"Ms. Sotoza!"

Napangiwi ako. Ito si Mr. Silverio? Nasa mid-50's na siya at simpleng polo shirt at shorts lang ang kanyang suot. Tumingin ako dun sa manong na umalis na pala. Sheddah! Lumapit ako sa kanya at nilapag ang order ko. 

Malay ko ba.

"Good morning po," nakayuko kong sabi.

"Good morning din," masaya naman siya. "Have a seat."

"Thank you po."

Sumandal siya sa kanyang pwesto bago nagsalita. "Alam ko biglaan ang pagtext ko sayo. Narinig kasi kita sa radyo kaya alam kong di ka pa tulog," tumawa siya bago nagpatuloy. "Ako nga pala si Frederico Silverio."

Lumuwa ang mata ko dahil sa introduction niya. "Oh my! Yung may-ari ng sikat na wine na Silver wine! Oh my! Nice to meet you po!" at nakipagkamay ako sa kanya. "Jemimah Nyasia Sotoza!"

Bokahin ko na lang 'to! Baka madaan ko sa chikahan, imbyerna! Wala kong pambayad!

"Nice to meet you. Eto ang profile ng nag-iisa kong anak," inabot niya ang isang long folder sa akin na agad kong binuksan.

Halos pigilan ko kahit pagpihit ng tawa ko ng makita ko ang picture na nakalagay.

"Bakit po tulog?" pilit ngiti kong sabi.

"Ay! Napansin mo pala," at tumawa siya. 

Malamang kahit sino eto unang mapapansin! 

"Kasi ayaw niyang magpakuha ng litrato o kaya magbigay ng picture galing sa mga social sites niya kaya ayan, kinuhanan ko siya habang tulog. Ang cute niya di'ba?"

Plastic akong ngumiti at tumango, ang weird naman ng taong 'to. May mga sinasabi pa siya kung bakit cute ang anak niya at hindi ko na napigilang matawa.

"Balik tayo sa usapan," bigla ay nagseryoso naman ulit siya. "Ang lalaking tulog, este nakapikit dyan sa hawak mo ang papakasalan mo. Kung di mo siya papakasalan ay mawawalan ka ng trabaho, at kapag nawalan ka ng trabaho, wala kang pambayad sa amin, at kapag wala kang pambayad sa amin ay magiging miserable ang buhay mo."

Kinabahan ako dun kaya itinaas ko ang kamay ko at pinagdikit, na parang santo siya at magdadasal ako.

"Wag po! Babayaran ko na lang ng paunti-unti! Mahalaga sa akin ang trabaho'ng yun! Wag po! Kahit mamatay ako sa pagtatrabaho, babayaran ko."

May tumawa sa likod ko at ibinaba ang kamay ko.

"Kaya ayoko sa kanya Dad. Madaldal siya at showy at nakakahiya... At di maganda.. At di makinis.." at marami pang panlalait sa akin na nagsisimula sa AT.

"Teka Mister. Ang galing mo atang magsalita!" tumayo ako at hinarap siya at di ko napigilang malaglagan ng panty este bibig.

Ang gwapo niya.

Beyond words.

Napatingin ako sa paligid... Gag show ba 'to?!

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now