CHAPTER 39

161 2 2
                                    


FM39.

Ngayon ang fashion summit ni Caesar at kahit ayaw ni Noriz ay pumunta pa din ako. He gave me VIP with backstage pass! Bakit aayawan ko? Nagkakagulo sa buong hallway which is a common thing sa mga ganito at sa lahat ng tao ay ako lang ang naglalakad.

"Ano ba?! Tanungin niyo si Martinez at baka gutom na! Nakakahiya talaga kayo!" sigaw nung baklang long-haired sa babaeng nakasalamin.

"Ayaw ngang kumain. May hinihintay daw!" paliwanag nung babae.

"Ay naku! Pupuntahan ko na! San ba ulit?!"

"Leche.. Room 2!" at tumakbo paalis yung babae.

Pumunta ako sa sinabing kwarto at nakita kong inaayusan siya at halos bumulaga sa akin ang mga tattoo niya. Napatingin din sa akin yung make-up artist kaya sumilip si Caesar sa salamin at agad lumawak ang ngiti niya.

"Jemimah!"

Ngumiti ako at pasimple siyang kinawayan dahilan para lumapit siya sa akin at yakapin.

"Thank you for coming."

"No problem," humilig ako para bumulong sa kanya. "VIP," sabay okay sign.

Humarap siya sa akin at inayos ang buhok ko. "Please enjoy the show."

"I will. Goodluck! I'll go outside."

Habang naglalakad ako palabas ay nakita ko si Jae na kasama si Nouelline. Nagulat siyang makita ako dito dahil alam niyang hindi ko hilig ang mga ganitong bagay. Lumingkis si Noue sa kanya ng mapansin ako kaya kinawayan ko na lang si Jae at umupo na sa pwesto ko. Dumilim ang buong paligid hudyat na magsisimula na ang pagrampa, tuwang-tuwa ang lahat sa mga magaganda at kumikinang na damit habang eto ako at nagri-reply sa mga makukulit na text galing kay Noriz.

Noriz:

uuwi ka na?

Me:

Ano?! Kakasimula pa lang. Stop being kj.

Noriz:

Me? Kill joy? I'll be there in an hour.

Natawa ako sa sinabi niyang yun at napansin ko ang mga titig ni Jae sa akin kaya nginitian ko siya. Dumilim ulit at ng bumukas ay napuno ng hiyawan ang buong paligid dahil sa paglabas ni Caesar na may dalang isang piraso ng rosas na naka-ipit sa suot niyang parang ewan na brief. May magsusuot ba niyan?! Halos maglaway ang lahat sa katawan niya na talaga namang maganda ang pagkakahulma at kahit ako ay hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya. Paniguradong lolokohin ako ni Jae kung nakikita niya ako ngayon.

Huminto si Caesar sa gilid namin at naghiyawan ang mga babae sa gilid ko ng kunin niya ang bulaklak.. Sobrang kilig nila ng ibigay ni Caesar yun sa akin habang nagulat naman ako at nagdadasal na sa loob kong wag na munang dumating si Noriz at baka magsimula ang drama dito. Nginitian ko siya at nagpasalamat kaya bumalik na ulit siya sa pagrampa. Puro 'ang swerte niya' ang naririnig ko sa paligid ko kaya natawa na lang ako. Lumingon ako para hanapin si Noriz at ayun nga, nakita ko siyang nakahalukipkip sa entrance nitong hall.

Tumayo ako para lapitan siya pero ang antipatiko! Nagwalk-out! Hinabol ko siya at iti-text na lang si Caesar para humingi ng dispensa sa biglang pag-alis. Ang arte talaga ng lalaking ito! Jusmiyo Marimar.

"Noriz!"

Tumigil siya kaya tumigil din ako para huminga. Napagod ako dun! Nilingon niya ako at seryosong tinignan.

"Pinaglalaruan mo ba ko?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya at matagal bago ko nasabing.. "What?!"

"Do you want me to repeat myself?"

"Anong problema mo?!" iritado kong tanong.

"Ikaw! Bakit kinuha mo pa yang bulaklak na yan?!" hinablot niya ang rosas na bigay ni Caesar at tinapon. "Kaya kitang bilhan ng ganyan! Kung gusto mo garden pa!"

"Ay naku.. Tigilan mo ko," at sinapak ko ang braso niya. "Alangan hindi ko kunin, mapapahiya yung tao. Ikaw di ka naman napahiya sa ginawa ko."

"Kahit na!"

"Ay naku siya. Oh tara umuwi na tayo," at hinila ko siya palabas.

"Dun tayo sa bahay namin."

Natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Gusto ba niya ng riot sa bahay nila?!

"Ayoko," pagtanggi ko.

"Bakit? Dahil nasa bahay niyo si Caesar?" masungit niyang tanong.

"Hindi! Eto parang di naaalala yung nangyari sa bahay nila," may pagka-sarcastic kong sabi.

"Ha? Ang naaalala ko lang eh yung nagwala ako pagka-alis mo kaya tara na," at hinila niya na ako palabas.

Nagwala? Bakit naman siya magwawala? Pumasok ako sa sasakyan niyang blanko ang utak. Hindi ko makuha eh, bakit kailangang magwala?

"Eh ganun talaga. Wag kang mangealam sa trip ko," masungit niya pa ring sabi.

"Oh sige, wag pang sumagot ng maayos," at inirapan ko siya.

"Eh kasi.. Alam nilang ipapakilala kita as my girlfriend and what they just did is to ruined my mood."

"Hmm.. Oa mo," nakatawa kong sabi.

"Mas ka.. Umaalis ka pa nga eh."

Tinaasan ko siya ng kilay at hinampas kaya ngumiti siya. Pagkarating namin sa kanila ay sinalubong agad kami ng Daddy niya.

"Oh! Jemimah! What brings you here?"

"There is a stranger in her house.. I hate the idea."

Nilingon ko si Noriz at nginitian. Stranger daw? "Yung friend po ni Cel nandun sa apt kulang po kami ng space kaya nagpresinta si Noriz na dito po muna ko," nakangiti kong sabi.

"Sige, ihahanda ko na ang kwarto mo."

"No. Sa kwarto ko siya," singit na naman ng magaling.

Pagkapasok namin sa kwarto niya ay tinapik ko agad siya pero di niya ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paghuhubad ng damit. Hay naku.. Wala kong damit!

"May t-shirt at boxers ako dito," masungit pa din siya.

"Ha? Pagsusuotin mo ako ng sinuot mo na?" irita kong tanong.

"Ang arte, pero panigurado pag damit ni Caesar eh susuotin niya agad."

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now