CHAPTER 22

205 6 0
                                    

AM22.

Masaya ang lahat sa party kaya masaya na rin ako, kita ko ding masaya si Noriz tuwing paminsan-minsang tinitignan ko siya. Nahawakan ko ang pisngi ko dahil nakaramdam ako ng init. Nagmasid ako sa palagid, mainit naman talaga!

"Okay ka lang?" tanong ng palapit na si Noriz.

Ewan ko ba pero naglalakad ako patalikod habang palapit siya at napatili na lang ako ng hilain niya ako papunta sa kanya at napatalon ang puso ko ng dumampi ang kamay niya sa noo ko.

"Okay ka naman? Anong masama sayo?"

Tumawa ako at tinulak siya palayo. "Wala ano! I-enjoy na natin 'tong party!" at tumakbo ako papunta sa mga bata.

"Ate, ate! Laro tayong paper dance!" sigaw ni Lilie.

"Walang dyaryo.." nakatawa kong sabi.

"May dala kami!"

Tumakbo siya sa bag nila at naglabas ng toneladang dyaryo at tumakbo pabalik.

"Eto ate!"

Natawa ako sa preparedness nila. "Oh sige, simulan na natin!"

Nakatayo lang ako at binabasa ang balitang nasa dyaryo.. Tungkol yun sa pag-expand ng company nila Jae, nasa part na ako kung kanino sila makikipag-joint ng may umapak na lalaki sa binabasa ko..

Si Noriz.

"Ano? Partner tayo??!" namumula kong sabi.

"Oo. Sorry aapakan ko muna ang mukha ng crush mo," nakangisi niyang sabi.

"Sinong crush!" guilty kong sabi.

"Ay.. Hindi ba?"

Parang ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang naririnig ko ang pagtawa niya.. Sheddah pashneya ang lalaking 'to! Tumingin ulit ako sa paligid, ang init ng araw! 

Malamang Jemimah!

"Oy.. Game na," sigaw ni Bhei.

Tumatawa ang mga bata habang nakikitang sumasayaw si Noriz. Paano, mas malambot pa si Grout! Kahit ako napapatawa sa kanya pero madalas ay nagugulat akong huminto na ang music.

"Nakoo! Tawa kasi ng tawa.. Gusto ng mag-asawa!" biro niya sa akin.

Tumawa ako at hinampas siya, "hindi baliw!"

Nasa pinakahuling tupi na kami at hindi ko na alam kung paano babalanse at pipigilan ang naghuhurumentado kong puso! Napapapikit ako pagna-aamoy ang hininga niya at kapag nadadampi ang braso niya sa likod. Hindi ko na alam.

Huminto ang music at nagulat ako sa biglaang pagbuhat niya sa akin.

"Wag kang magulo, baka mawala balance ko," bulong niya sa tenga ko.

Paanong wag eh baka marinig niya ang puso ko! Nasa dibdib ko ang mukha niya. Sa sobrang taranta ay basta ko na lang siyang tinulak at halos mabali ang balakang ko, ang problema...

Nahulog siya sa pool.

"Oy, okay ka lang Jem!? Ba't mo ginawa yun?!" halong irita at concern ang boses niya.

Nakita ko sa harap ko ang concerned niyang mukha.. Na basang-basa. Nakita ko din kung paano nag-flex ang muscles niya habang paakyat para lang hilain ako patayo. Bakit ganun? Sanay naman ako sa mga male contact pero bakit naninigas ang katawan ko sa kanya? What's this weird feeling?

"Nautot kasi ako."

Natapos ang party at nagpasalamat ang lahat.. Binigyan nila ko ng cake na nirequest nilang kainin na at malaking card na isa-isa kong binasa.

"Thank you, Jemimah. Nag-enjoy talaga ang mga bata," sabi ni Ma'am Adela na head coordinator ng ampunan.

"Ako din po sobrang saya ko!" at niyakap ko siya.

Kinawayan ko ang mga batang nasa bus na at binigyan sila ng flying kiss na binalikan din nila ng flying kiss.

"Masaya kong masaya ka. Tara ihatid na kita" sabi ni Noriz at binuksan ang kotse niya.

"Sige" ay, ang kapal ng mukha ko! Kailan pa ko naging ganito?

Malapit na kami ng maisipan kong magtanong. "Bakit mo ba ko tinulungan?"

"Hmm?" at nakita ko ang simple niyang pagtingin sa akin. "Eh madalas ako ang pinapasaya mo.. Tsaka pareho tayo.."

"Di ka nakapagparty nung bata ka?!" at hysteria kong tumawa. "Impossible!"

"Hindi nga! Madalas ay sina Julian at Ian lang ang kasama ko.. Busy ang papa ko at artista ang mama ko, wala silang time sa akin"

Nalungkot ako ng marinig yun sa kanya.. Mukha kasing inaalagaan naman siya ng tatay niya pero hindi mo talaga nakikita ang lahat ng bagay sa mundong 'to. Hindi sapat ang mata lang. Kailangan mo ng puso. Bumuntong hininga ako at ngumiti.

"Dito na ko. Thanks!"

"Hatid na kita sa floor mo" at tumingin siya sa akin.

Umiling ako. "Hindi na."

Pagkababa ko ay hinintay ko pa siyang tuluyang makaalis bago ako pumasok para lang makita si Jae at Mon sa harap ko.

"Nakipagpicnic ka pala.. Sige, alis na kami," malamig na sabi ni Jae.

Too much happiness Jemimah.. too much.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now