CHAPTER 25

173 2 0
                                    

FM25.

Kasama ko si Jae ngayon at namimili kami ng susuotin na dress. Nakakainis naman ito, simpleng maroon na long sleeves na nga lang ang gusto ko.. Gusto pa 'ata akong maggown!

"Jae.. Okay na 'to!" at binato ko sa kanya ang isang bluegreen na dress na may black roses na design, nakita ko ang pagngiti niya.

"Nice.. Bayaran na natin at kumain na tayo."

"Ayun! Nadali mo!" tili kong sabi na nagpatawa sa kanya.

Papunta na kaming Burger Queen, na madalas naming puntahan talaga ng may makasalubong kaming pamilyar na mga mukha.

"Nouelline?" bulong ni Jae.

Ah.. Ayan pala yung kapatid ni Noriz?"

Nakangiting lumapit sa amin yung babaeng porselana at mabilis na hinalikan si Jae. Oh my? Ang bilis naman nito?!

"Hi Love.. I'm super excited na!" nandidiri niya akong tinignan, kumpara kasi sa jumpsuit na suot niya ay walang laban itong cropped shirt ko. "Could you excuse us?"

Nginitian ko siya. "Sure" at tumakbo ako palapit kay Noriz.

"Yo!"

Binigyan niya ako ng mukhang nagpipigil ng tawa kaya hinampas ko siya.

"Eto, binabati na nga nagmaasim pa!"

"Hindi.." tinakpan niya ang bibig niya at tumawa bago nilingon ang kapatid. "Noue.. Aalis na kami, enjoy your day."

"Sure. Bye bro!"

Tinitigan ko lang ang kapatid niya habang naglalakad gamit ang pumps niya, sobrang ganda ng kapatid niya.. Sabagay, ang gwapo naman niya.

"Ay akala ko, nag-iisang anak ka?"

"Kaya nga.. Ngayon lang naman namin, este ako pala.. Ngayong ko lang nalaman na may kapatid ako, sa ibang babae nga lang" nakangisi niyang sabi.

"Buti naman at kasundo mo."

"I can't do anything about it, sasakit lang ang ulo ko. Wala kong oras para sa sama ng loob, too much, I can't handle anymore," seryoso niyang sabi.

Talaga lang ah.. Ay! Yung sa linggo nga pala.. Paano ko kaya sasabihin sa kanya. In a good manner please, in a good manner!

"Ay tungkol dun sa linggo.. Ano kasi, si Jae ang kasama ko."

Medyo masakit na ang paa ko sa kakalakad ah, huminto ako at tinuro ang isang cake shop, para mailibre.

"Upo muna tayo."

Tumawa siya at inakbayan ako.. Taranta akong tumingin sa kanya at inalis ang braso niya.

"Minus 5k yun!"

He chuckled. "Okay. No problem, ano yung tungkol sa linggo?"

"Si Jae ang kasama ko."

"Impossible. Umaga pa lang ay magkasama na sila nung brat," nakangisi niyang sabi.

"Ha? Hindi pa daw, pag na-announce ang engagement tsaka lang sila palaging magkasama."

Tumango lang siya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya pinanliitan ko siya ng tingin.

"Di ka naniniwala ano?"

"Hindi. Because that's the protocol, kaya tayo dapat ang magkasama," mayabang niyang sabi.

"Kakausapin ko muna siya," at uminom ako ng tubig na kakalapag lang.

"Fine."

Pagkatapos kumain ay naglakad pa kami ulit, ano fashion show lang?! Hinawakan ko ang dulo ng polo niya kaya napatingin siya sa akin.

"Kung pinapahirapan mo ako dahil ayaw ko, sige ako ng date mo.. Eh teka? Date o driver?" nagtataka kong tanong.

"I said be my date so be my date then."

Nag-w sign ako kahit dapat talaga ay L dahil sa sobrang inis. Tama bang sungitan ako! Pagkarating namin sa entrance ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Una na ko.. Sobrang antok na ko eh! Bye!"

"Ihahatid na kita.."

Umiling ako, hudyat ng pagtanggi. "I can manage myself."

"I know. But I can drive you home."

"Oh mapilit? Nasan bang kotse mo?"

Tumawa siya dahil dun at nakaramdam ng tuwa ang puso ko. Teka.. Tinitigan ko ulit siya at naramdaman ang pagtibok nito. Bakit ganun? Wala naman siyang ginagawa sa akin. Hindi naman ako masyadong pagod.. Err, weird!

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora