CHAPTER 41

150 2 1
                                    

FM41.

Intoxicated ang huling tutugtugin, ibig sabihin maririnig ang boses ni Mon. Exciting! Umupo na ko sa pwesto ko at nakita ang gulat na mukha ni Caesar kaya nakangiti akong kumaway sa kanya. Sumilip din ako kaya Noriz na nakasimangot kaya binigyan ko siya ng flying kiss.

"For the girl in my heart," nakangiting sabi ni Jae na madalas niyang sabihin para tumili ang mga die hard fans niya.

"..And I, think you're from another world,

And I, I couldn't love another girl,

Cause you, you make me feel like I'm intoxicated."

Naghiyawan agad lahat ng nasa loob ng bar. Napailing na lang ako sa mga fans niya, natawa naman ako ng makitang nakakunot noo pa rin si Noriz. Tumingin ako kay Mon kasi part niya na.

"In a room full of frozen faces,

And a moment of fractured time,

We eclipse in a conversation,

As the words, they pass us by.

With you, we could be the only ones here."

Sumabay na din ako sa pagkanta at ng makitang tumingin si Noriz sa akin sa gitna ng tilian ng lahat ng fans ni Jae ay nagpangisi sa akin.

..and I, think you're from another world,

And I, I couldn't love another girl,

Cause you, you make me feel like I'm intoxicated."

Naghiyawan ang lahat at binigyan ng malakas na palakpakan si Jae. Tinaas ko ang stick ko at pinaingay habang humihiyaw. Uwian na!

Bumaba kami ng stage at as usual ay pinagkaguluhan siya. Pwede talagang sumikat itong si Jae. Lumapit sa akin si Caesar at nakipaghigh five kasabay ng pagkagulat ko sa pagpulupot ni Noriz sa baywang ko. Nailang ako at agad binitawan ang kamay ng kaharap.

"Sorry for leaving early," nakangisi kong sabi.

"No problem but.. can you accompany me tomorrow? I'm going to Baguio because they told me that it is a good place," bumaling siya kay Noriz. "If you don't mind, you may come also."

Seryoso lang si Noriz at akala ko ay hindi niya gusto ang sinabing yun ni Caesar.

"Ok. What time? We can use my car."

Gulat akong tumingin sa kanya at pinagtaasan niya lang ako ng kilay, tinaas ko din ang kilay ko dahilan para ngumiti siya. Napatalon ako ng akbayan ako ni Jae.

"Saan ang lakad?"

Ngingisi-ngisi pa ang isang 'to! Nakita niya ba ang ginagawa niya? Sinagot siya ni Caesar dahil mukhang wala sa mood si Noriz.

"Baguio. Wanna come?"

"Yeh, sure!" masaya niyang sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Noriz sa tabi ko at ang pagsinghap niya. "Well then, isasama ko ang kapatid ko since kasama ka naman?" nanunuya niyang sabi.

Nakita ko ang pag-ismid ni Jae na agad din niyang pinalitan ng ngiti. "Walang problema"

"10am tayo magkita. Sa Chowking sa Balintawak," may awtoridad na sabi ni Noriz. "We'll fetch you by 9:30."

Nakangiting tumango si Caesar at nagpaalam na aalis na. Nagpaalam na din ako sa dalawang ungas at pumayag naman sila kahit di nagtatanong kung saan ba ako matutulog ngayon. Sabagay, hindi nila alam na sa apartment ko si Caesar nag-istay.

"Sus talaga. Ang dami mong lalaki!"

Tumawa ako ng malakas dahil dun.. Paanong madami?! Hindi ko na lang siya tinignan at pailing na pumikit. "You're crazy!"

"For you," tumatango niyang sabi.

Tumawa na naman ako dun hanggang sa makarating kami sa kanila. Hay naku, baliw na talaga ang isang 'to. Padapa akong humiga sa kama at pinabayaan siya sa gusto niyang gawin.

"Buti na lang wala kong sched bukas. Matulog na tayo."

Nagulat ako ng humiga siya sa tabi ko kaya napaupo ako.

"Relax please? Wala kong gagawin", at mahina siyang tumawa.

Dahan-dahan akong humiga dahil antok na talaga ako. Nadilat na naman ako sa pagyakap niya sa akin! Pinilit kong pumikit pero naramdaman kong dumampi ang labi niya sa akin.

"Wala daw gagawin," nanunuya kong sabi.

"Meron pala. Halikan at yakapin ka."

Pabiro ko siyang tinulak. "Naku! Mga galawan."

"Oh bakit? Galawang gf at bf, may mali ba?"

Dun ko naalalang kami nga pala kaya imbes na makipagtalo ay pinulupot ko ang braso ko sa tiyan niya.

"Good girl."

"Shut up," nakangiti kong sabi.

"Akin ka. Okay? Kahit anong mangyari, akin ka."

Ngumiti lang ako at pumikit. Whatever Silverio. Nagising ako ng maalala ang milyon kong utang.

"Forge about it," masungit na sabi ni Noriz. "It doesn't matter anymore."

"Hindi pwede.. Paano pag nagsawa ka na sa akin at napagod ka na?"

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Malabo," yun ang sinabi niya kaya mahimbing akong nakatulog.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon