CHAPTER 28

173 3 0
                                    

AM28.

Ngayon ang party at nahihiya akong si Flor pa ang nagpaplantsa ng susuotin ko habang nagkikwentuhan sila ni Cel.

"Di kayo nauubusan ng pinagkikwentuhan.." nakangiti kong sabi.

"Ganun talaga pag-in love!" sigaw ni Cel.

"Sus.. Lagi kaming nagkikwentuhan ni Jae pero binasted niya ako," nakatawa kong sabi.

Binulong ni Cel ang sinabi ko kay Flor at nagtawanan sila. Porke't masaya ang mga 'to. Ka-grabe. Lumapit sa akin si Flor at inabot ang damit ko.

"Your date for tonight is Noriz, right? You'll look good together," masaya niyang sabi.

"I don't think so," at pilit akong tumawa. "Anyways.. Are you going to get marry here or in Europe?"

"Shunga! Of course in Europe, hindi naman legal yung ganun dito di'ba?" sagot ni Cel.

"Okay. Sagot niyo ticket ko ah!"

"Yes of course, you'll also live in my place," masayang sabi ni Flor.

"Really? Do I need a visa or something?"

"Yes."

Tumakbo ako papunta sa hagdan. "Okay then.."

Nag-aayos na ako ng tumunog ang phone ko.

Juding:

I'm downstairs.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at tumakbo pababa. Hawak-hawak ko pa ang sapatos ko dahil sa kakamadali.

"Di mo naman balak maging Cinderella di'ba?"

Nagmake face lang ako sa biro niya at umupo sa tabi niya para magsuot ng sapatos.

"Nakita ko si Yeun sa bahay," nakangisi niyang sabi.

Tumango ako. "Nagtext nga siya.. Eh nasabi mo na din naman 'ata sa kanya?"

"Kahit di ko sabihin, ganun pa din ang mangyayari. Engagement nila tapos makikitang may kasamang iba. Maganda na yung pagpasok palang sila na agad ang makita ng media."

"Heller! Best friends kaming tatlo!" apila ko.

"Iba ang lahat sa mata ng media. Naturingang dj parang walang alam," nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Tumayo ako at pinalo siya ng dala kong purse. "Tara na."

Habang nasa sasakyan ay panay lang ang pagsoundtrip ko. Ayoko muna siyang pansinin dahil panigurado ay OP lang ako at may dahilan na siya para pansinin ako.

"Nothing's over.. Nothing's over!"

Napansin ko ang pagtawa niya ng mapasilip ako sa kanya. Ang yabang nito, nagkibit balikat na lang ako.

"Stop singing please. Nasisira ear drums ko."

Napaurong ako dun at sumimangot.. "Hala siya! Pasalamat ka nga at kumakanta pa ko dito ng libre!"

"Oh sige na, pakasaya ka," at nakangiti siyang tumango.

"I find your lips so kissable

And your kiss unmissable

Your fingertips so touchable

And your eyes.."

Nakakaloko ko siyang tinignan bago tinapos ang kanta.

"Irresistable."

Nakita ko ang pagtawa niya kaya umirap ako at tumingin na lang sa labas, nawala ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang pinapatugtog ni Noriz. Pasimple akong tumingin sa kanya at nakitang mahina siyang kumakanta.

"I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face

And the dreams you left behind you didn't need them

Like every single wish we ever made

I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape

'Cause I'm not fine at all."

Napatingin lang ako sa kanya dahil yung mga mata niya.. Alam mong malungkot.. Alam mong nasasaktan.. Alam mong umaasa. 

Parang ako sa kanya.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon