CHAPTER 35

161 3 0
                                    

FM 35.

Nag-aayos na ko para sa party ng mga Silverio at talagang kabado ako dahil nasi-sense ko na ang riot sa gathering na yun. Dumating siya ng mag-ala singko na kaya nagpaalam na ako kela Cel para makaalis na.

"Akala ko wala ka ng mama?" tanong ko out-of-nowhere.

"Wala nga," malamig niyang sabi. "It's Nouelline's Mom."

Hindi na ko nagtanong pa pagkatapos nun at tumingin na lang ako sa labas. Ang laki ng mga bahay dito! Huminto kami sa harapan ng malaking gate na may letter CJS sa gitna. Grabe!

"Ang laki ng gate! Baka pag pasok natin nasa Disneyland na tayo!"

Tumawa siya ng malakas bago bumusina at pagkabukas ng gate ay bumungad ang iilang mga babae at lalaking alam mong angat sa buhay. Tinignan ko si Noriz na nakangiti lang.

"Relax, okay?" inangat niya ang kamay ko at hinalikan.

Nakampante ako sa ginawa niyang yun pero di pa rin napawi ang takot ko lalo na ng inulan ako ng mga titig pagkababa namin ng sasakyan. Si Mr. Silverio lang 'ata ang nakangiting lumapit sa akin.

"Jemimah!"

Nginitian ko siya at binalik ang yakap na binibigay niya. Nakita kong galit ang mukha ni Noriz at hinila ko papunta sa likod niya.

"Dad.. It's your wedding anniversary."

Tumawa si Mr. Silverio at tinapik ang braso ng anak. "Anak. Relax ka lang!"

Napatawa ako ng mahawigan iyon gaya sa sinabi ni Noriz kanina. Like father, like son nga. Ngumiti siya at inakay na ako papunta sa table nila. Parang lumabas ang kaluluwa ko ng makita ang naka-ponytail na si Nouelline.

"Look who's here?" nakangisi niyang sabi. "Upo ka."

Umupo si Noriz sa tapat niya kaya umupo ako sa tabi niya. Rinig ko pa dito ang usapan ng mga kamag-anak nila at dama ko ang mga nagtataasang irap nila.

"I'll just check some things."

Tumango lang ako at nilabas ang phone ko para magbasa ng mga message ng marinig ko ang tawa ni Noue sa harap ko.

"Kapal mo din ano?"

Sinilip ko lang siya pero di ko na lang inisip na ako ang tinutukoy niya. Nakakahiya naman kung sagutin ko siya ng di nya ko kausap, baka magkatotoo pa yung kinakatakutan ko.

"Kung ako sayo, uuwi na ako kasi after ng party na 'to-"

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Nag-angat ako ng tingin at napansin ko ang pagtingin niya sa cellphone kong siya ang background, agad kong tinago ang phone sa bag ko.

"Wala," maarteng sagot ng kapatid niya.

Tumikhim lang siya at umupo sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"The party will start."

Nagkaroon ng parade of waiters at mga jazz musics. Alam mo yung op ka talaga dahil puro business ang pinag-uusapan dito. Tumingin lang ako sa paligid at nahagip ng tingin ko si Noue na maarteng nakikipag-usap sa mga kaibigan o pinsan niya 'ata. Umirap siya ng mapansin ako at tinuro ako sa mga kausap niya tsaka sila nagtawanan.

Gusto ko ng magwala pero nahihiya lang talaga ako kay Noriz kaya sana ay wag na nilang ubusin pa ang pasensya ko.

"Kain na tayo."

"Thank you," pilit ngiti kong sabi.

"Sorry sa kapatid ko."

"Naku okay lang, kaya ko pa namang magtimpi," biro ko at nagulat ako ng halikan niya ako sa noo.

Nag-speech na si Mr. Silverio at tinawag niya ang anak para magsalita din, kahit ayoko sanang umalis siya ay wala kong nagawa kundi ang ngumiti.

"Good evening my lovable family. Are you enoying your food tonight? Sana naman di'ba? Let's keep our relationship strong," ngumiti siya at tumingin sa akin at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"I would like to announced that sooner or later, I'll be marrying the girl I love.."

Natawa ako sa sinabi niya at nagulat ako ng tawagin niya ako para lumapit sa kanya.

"I know that this will be hard for all of you.. But I don't care. She's the one who save me from despair and the rumors spreading are false.. So I'm presenting.." tumingin siya sa akin habang palapit ako. "Jemimah Nyasia Sotoza."

Pagkalapit ko sa kanya ay tsaka tumayo si Nouelline at pumalakpak.

"Very good kuya! You did it well!"

Napatingin ako kay Noriz na gulat ang mukha habang nagsasalita ang kapatid niya sa harap naming lahat.

"You can stop this proposal shit kuya, nakaganti na tayo. She's nothing but a shameless bitch in front of us. Now bitch, get out of our sight, walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. He's just protecting me at gusto niyang maghiganti sayo, for ruining my engagement and being the sister of that lesbian who stole his girl!"

Poker face lang akong nakatitig sa kanya at nang maramdaman ang mga luha ko ay tumakbo na ko paalis. Narinig ko pa ang pagtawag ni Noriz sa akin pero hindi ko siya pinansin, dumiretso lang ako hanggang sa makalabas sa villa nila para makatawag na ng taxi.

Pagkapasok ko sa bahay ay naupo agad ako sa sofa at nagsimulang humagulgol. Ganun pala! Simula palang.. Pinaglalaruan lang nila ko! Naghiganti lang talaga siya!

Pinaglaruan nila ang damdamin ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Paglalaruan ko din sila at sisiguraduhin kong matatalo ko sila.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now