CHAPTER 13

210 7 0
                                    

FM13.

Ayokong magising ng sumunod na araw pero panay ang tunog ng cellphone ko! Sa sobrang inis ko ay inalis ko ang battery.. Hmp, whoever you are.. Just fck off! Hindi talaga nakakatuwa ang mga trip sa buhay nung lalaking yun! Kahit kailan siya!

"Ah ganun ba? Mahirapan ka talagang magmove-on pero malay mo, yung akala mong forever mo eh sa iba mo pala matagpuan! Oh sige, fighting! Kaya mo yan.. We're almost done! Hope you enjoy my show for tonight.. If your hopes are still high, risk for it. If not, wrist.. Joke! Don't do that! Love sometimes drive us high and then it will take as to the lowest feeling ever.. Pero lagi nating tatandaan na kaya 'to nangyayari ay dahil bilog ang mundo, laging may dalawang option: yes or no at higit sa lahat may left at right brain.. So let's think wisely, logically and creatively. Bye guys.. It's a heart-heart from me to you!"

Argh! Pakiramdam ko ay ang sama ng ugali ko! Pinutol ko na naman ang tawag niya! Baka makahalata ang management at worst to worst scenario ay baka i-report niya ako! Dami ko pa namang utang dun!

Nagising ako ng wala sa oras dahil bangungot talagang isipin ang baliw na yun! To think na sa BL-relationship nila ay siya ang lalaki! Eh mas madaldal pa siya dun! Kaasar! Nagtalukbong ako ng kumot para makatulog ulit pero asar lang!

"Hoy Jemimah! Kanina ka pa wala sa rhythm!" sigaw ni Mon na nagpagising sa akin.

"Sorry-sorry!" at binagsak ko ang beat.

Natapos ang practice na puro kuda si Ramon kaya asar na ko lalo.. Sasapakin ko na 'to!

"Chill ka lang! Di ako papalpak!" tinignan ko ang aking sapatos bago nag-angat uli ng tingin sa kanya. "Masyado! Si Jae nga oh! Di ako pinapagalitan!" bulyaw ko.

"Malamang sobrang galit na kasi yan!"

Tinignan ko si Jae na busy lang sa pagtotono at parang lumabas ang kaluluwa ko ng titigan niya ko. Taranta akong tumayo.

"Okay! Fine! Bibili lang akong maiinom KO!"

Hmp! Kaingay! Nakakatamad na.. Pagkapasok ko sa convenient store ay nakita ko agad si Noriz kasama si Julian at isa pang drop dead.. Bakit ganyan ang mga kasama niya! Mga gwapong bakla?! Dahan-dahan akong pumunta sa beverage section at kumuha ng mga paborito nilang drinks. Mabilis din akong pumunta sa counter.

"87 po lahat.." asar na sabi nung kahera habang nagpapakagiraffe sa pagtingin sa mga shoks.

Kunwaring inaangat ko din ang ulo ko na parang may hinahanap kaya lalo siyang naasar.

"Meron pa po ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo.. Yung manager niyo gusto kong makausap.." nakangisi kong sabi.

"Eh? Ano ho Ma'am?"

"Di ko inuulit ang sinasabi ko kasi mahal ang laway ko"

Malungkot at takot siyang pumasok habang nakatayo pa din ako. At dahil kami lang ang nandito eh rinig na rinig ko sila.

"Eh kasi Pre, tigilan mo na.. Lesbian nga di'ba? Nagmake-out na nga sa harap mo.. Ano pa?" sabi ni Julian ata.

"Hindi yun eh.. Parang ang tanga naman nung bigla siyang magiging tibo" si Noriz na hunghang yun.

"She's staying in Europe.. What can you do? Plus, don't fck her, its dangerous"

"The hell! I know!" guilty na sagot ng baliw. "I just want to get even."

"Even ka diyan! Talo ka nga kahit saan tignan.. Wag ng ipilit.. Di yan papasok kahit matigas ka na" at tumawa si Julian. "Magmatigas pala."

"Oo nga.. Besides, mukhang interesado ka dun sa DJ.. You sneaked out just to call her.. Aren't you embarassed? Para kang security guard?" at sexy siyang tumawa, yung pinakagwapo 'to.

"Hmp.. Di, nagbabayad lang ng utang yun. I know that she didn't see me as a homo"

Oo! Sexy! At kahit insulto ang sinabi niya parang ang gwapo ng dating at mas naaasar ako sa Noriz na 'to na talagang ginagago ako. Ganun pala talaga ako ka-uto-uto?! Niloloko niya lang ako at sa tingin pa niya eh nakikipaggaguhan ako!? Siraulo! Basta na lang akong umalis dahil sa galit, lintek na manager! Ang tagal-tagal!

"Damn Regrets tayo tonight.. Please?"

Request ko habang nag-aabot ng pagkain sa kanila.

"Ok" mahinhin na sabi ni Jae.

"Thanks! Heart-heart!"

Sa pagtatambol ko lang mailalabas lahat ng galit ko! Tang ang iinumin nung hayop na yun sa akin! Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon!

"Gutom ka na ba Jem? Lakas mong pumalo kanina. May isa pa tayong kanta, umayos ka," sermon ni Mon.

Umiling lang ako. "Sorry. Nag-enjoy lang."

Pagkaalis niya sa harapan ko ay naalala ko na naman ang peste! Nakakainis ang buset na yun at mas nakakabuset naman ako dahil hindi ko man lang talaga pinanindigan na lalaki siya. Kasi naman! Di'ba sabi nila pag gwapo bakla?

"Jemimah Sotoza!"

Napapalo ako sa cymbal dahil doon at takot na tumingin kay Jae.

"Ililibre kita ng dinner, umayos ka lang!"

Inarapan ko si Jae. "That would be breakfast! Duh!"

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now