CHAPTER 23

218 3 0
                                    

FM23.

Patakbo kong sinundan si Jae at Mon.. Ang tanga ko, nakalimutan ko sila!

"Naman Jae! Hindi kami nag-picnic! Nagpa-party ako sa mga bata dun sa Little Cherries!" sigaw kong di niya pinapansin.

Nakita kong humarap si Mon at binigyan ako ng disappointed look.. na minsan at occassional niya lang gamitin. Galit sila sa akin! Tinitigan ko lang sila habang paalis, bukas ko na lang sila kakausapin.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari at dahil na rin sa hindi pagrereply ni Jae sa mga text ko. Ayaw nila kong pakinggan, nakakainis ang mga yun. Hindi rin kami nag-gig ngayon, tsk.

Tamad akong pumasok ng sumunod na araw dahil dun sa tampuhan namin, di rin nila ko binabati o kinakawayan man lang. Umupo na lang ako at sinuot agad ang headset ko para maghintay na lang ng cue.

"Goodevening everyone! Kamusta? Okay naman bang araw niyo? Naging productive ba, ganun? Sana naman. Ako ang inyong magikera, mag-aalis ng lumbay at sasagot sa mga katanungan niyo sa buhay. Isa lang ang dapat niyong gawin!" huminto ako para lumunok.

"Maniwala! Believe in me. I'm Dj Maji! First song from 5sos, Amnesia!"

Natapos na ang spill ko pero di pa din ako nagtatanggal ng headset kaya napatalon ako ng may maglapag ng pagkain sa table.

"Oy mali ang pinatu-" nagulat akong makita si Jae sa likuran ko.. "Bakit?"

"Wala.. Sorry"

Dun ko napakawalan ang mga luha ko, pashneya naman kasi! Hindi man lang ako pinakinggan. Simula ng lumabas kami ng ampunan ni Cel ay dun ko lang nakita si Jae at Mon, naglalaro sila sa playground kung saan kami natutulog.

"Hoy! Gabi na.. Naglalaro pa rin kayong dalawa! Hindi ba kayo hinahanap ng magulang nyo?!" sigaw ko dun sa dalawang mukhang may binabaon sa lupa.

"Umalis ka nga!" sigaw nung san goku ang buhok sa akin.

"Ano?!" lumapit ako para kutusan siya. "Mayabang ka ah! Baka gusto mong kumain ng buhangin!"

Tumayo yung kasama niyang may magandang buhok kaya napasuklay ako gamit ang mga daliri ko. Babae ba 'to?

"Oy ikaw.. Tignan mo yang girlfriend mo! Pagod na.. Umuwi na nga kayo! Bata-bata pa ganyan na inaatupag!"

"Hoy.. Sino ka ba? Nakikitulog ka lang dito, ingay-ingay mo pa! Mukha ba 'tong babae sayo?! At sila ang may-ari nito!" bulyaw ni Son Goku na nagpagulat sa akin.

"Mon.. Tara na, inaaway mo babae. Ano ka ba?" sabi nung cute.

Uminit ang pisngi ko nung una kong makita si Jae kasi ang ganda niya.. Literal. Hindi gwapo kundi maganda. Nung sumunod na araw ay pumunta ulit sila pero para makipagkaibigan sa akin. Isa na 'ata yun sa pinakaswerteng araw ko dahil nagkabahay na kami ni Cecille at nakahanap siya ng scholarship para sa aming dalawa.

"Iyakin ka Maji!" sigaw ni Mon na nagpatawa sa akin. "Baliw pala!"

Tumatawa kami habang pababa ng building kaya panay ang tingin ng mga tao sa aming tatlo, malamang mukha kasi kaming siraulo.

"Kasi naman, ang dami mong dala tapos dun ka pa sa sasakyan nun bumaba," sabi ng nakapout na si Mon.

"Oh tapos picnic agad?! Ano talaga? Ano Jae?!" at sinapak ko ang braso niya na nagpatawa sa kanya.

"Ay naku Jem.. Kung pumunta ka lang sa Sparkling.. Aray!"

Nakita ko na lang ang seryosong mukha at pag-peace ni Mon kay Jae. Fishy!

"O ano yan? Parang malansa!" tanong ko sa kanila.

"Oy de ah.. Nandun kasi si Roxie! Yung may type kay Jae"

Tumawa ako. "Gwapo kasi eh! Pakiss nga!"

Hinampas niya ako na nagpangiwi sa akin. "Masaket!"

Naunang bumaba ng sasakyan si Mon dahil as usual! At eto kami ni Jae nagbibiruan.

"Ginagawa niyo na kong chauffeur ah!"

"WOW! Chauffeur!" at tumawa ako ng malakas. "Oh dito na ko! Pauso!"

"Teka Jem!"

Nilingon ko siya at napatingin sa kamay niya. "Hmm?"

"Wala" at umiling siya. "Take care."

"Sige. Ikaw din," at nginitian ko siya.

Hinintay kong makalayo si Jae bago pumasok at nagulat akong tahimik na nakaupo si Noriz sa sofa namin habang nagtatawanan sa kusina yung dalawa. Ano bang tingin nila sa kanya?! Multo?!

"Uy. Bakit napadalaw? Kumain ka na?" at umupo ako sa tapat niya.

"Hmm. Ayain sana kitang mag-dinner kaso mukhang may nagluluto na kaya dito na lang ako" ngumiti siya at nagtaas ng dalawang kilay. "Welcome ako di'ba?"

Dinner? Eh madaling araw na, at ang dalawang 'to?! Bakit hindi pa sila natutulog!?

"Hindi, thank you.. Nakaupo ka na nga dyan eh. Tsaka anong dinner? Baka wala pa sa mood matulog ang dalawang yan, dun sila sa roofdeck ng apt."

Tumango lang siya at nakita ko ang bakas ng lungkot sa mukha niya kaya tumayo na ako bago pa ako maawa sa kanya at yakapin siya.. Pero chos lang yun.

"Oh magbihis muna ako."

Pagkababa ko ay mukhang lumabas si Cel dahil nakita ko si Flor at Noriz na nag-uusap.

"What's with her? She can't even give you kids! Why her?!" pabulong pero galit na sabi ni Noriz.

"Why not her? She's much better than a bastard like you," kalmado naman si Flor.

Tinitignan ko lang sila hanggang sa dumating na ulit si Cel. Poker face ang mukha niya at kagaya ni Mon ay halatang galit siya, occassional lang din kung magalit si Cel kaya nakakatakot. Para bang tubig na kumukulo, sigurado ang pagkalapnos mo. Napatingin sa direksyon namin sila kaya nilapag ni Noriz ang baso.

"Thanks," nakangiti niyang sabi. "Una na ako.

Aba, artista.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora