CHAPTER 26

181 3 0
                                    

AM26.

"Nandun din si Mon di'ba?" tanong ko sa kanila habang nasa booth.

"Syempre.."

Humarap ako sa kanila at nakita kong tahimik lang na nakaupo si Jae habang nakapalumbaba. Sinitsitan ko siya.

"Mr. Gwapings.. Problema?"

Umiling lang siya kaya tumingin ako kay Mon na nagkibit balikat lang din.

"Ano nga?" ulit ko.

"Ayaw patali," biro ni Mon na nagpangiti kay Jae.

"Bakit? Maganda naman yun ah?"

Binato niya ko ng tinapay dahil sa sinabi ko na agad kong nasalo. Tinignan ko siya ng masama.

"Gusto mong mabato ng bato!"

"Insulto sa aking pakasalan ang isang bastarda," masungit niyang sabi.

"Hala siya! Sinabi mo din yan dun kay Pryncess! Tigilan mo ako," masungit pero nakangiti kong sabi.

"May sinabi ako?" pakunwari niyang tanong.

Tumawa ako bago siya sinagot. "Oo! Sira.."

"Tsaka ang hirap i-spell ng pangalan niya, kahit anak namin mahihirapan"

Pareho na kaming tumawa ni Mon sa sinabi niya kaya tumayo siya, malamang ay para magyosi. Sunog baga talaga ang isang 'to.

"Na-stress mo Jem! Mag-air ka na nga!"

"Baliw yun, pero iniisip niya ng magkaka-anak sila! Nakatirang katol!"

Malapit ng matapos ang show ng bumalik siya, hindi lang 'ata isang kaha ang hinithit. Tumayo ako dahil matatapos naman na at magko-closing spiel na lang ako.

"Kumain mag-isa! Ang damot," sabi ko habang kumukuha ng pizza.

He scowled at me. "Dinalan na nga kita, ang arte mo pa."

Tumawa ako at marahan siyang sinampal bago umupo ulit para ubusin itong pizza'ng hawak. Favorite song ko talaga itong pinapatugtog, uminom ako ng tubig at sumabay sa kanta.

"Ooh.. Can't nobody do it like you! Said every little thing you do! Hey baby it stays on my mind! And I.. I officially.. Missing you!"

Tumawa ng malakas si Mon at Jae kaya binelatan ko sila, tawa pa din sila ng tawa!

"Grabe Jem! Mali-mali ang lyrics mo! Ang lupet mo!" patawang sabi ni Mon.

"Hmp! Panira ng mood! Tapusin na nga natin 'to!" inayos ko ang sarili at ngumiti.

"Hi guys! All good things must come to an end di'ba?! Kaya nga guma-graduate tayo ng high school na kino-considered nating best school years of our life. Parang love life, alam nating puro masasayang alaala lang ang maaalala natin which is correct! Wala ka namang mapapala kung magpaka-bitter ka dyan. So gaya ng caller natin kanina, let's learn to forgive and forget.. Yun ang magpapasaya sa atin, magpapalaya sa lahat ng tinik sa lalamunan natin. So that's my all for today.. Hehe. I'll be back on Monday, have a great weekend ahead! Enjoy! Love life!"

Hinubad ko ang earphone ko at sinukbit agad ang bag ko, alam ko may gig kami ngayon.

"Sparkling ba tayo?"

"Oo.. Tara na Mon, nandyan naman na si Ted," utos ni Jae.

"Kain muna tayo," at puppy-eyes kong tinignan si Jae.

"Sa Sparkling na.. May bago silang menu.. Sizzling utak" nakangiti niyang sabi.

"Yuck! Parang ayaw mo talaga akong ilibre."

"Ay naku Jem, tara na!" sigaw ng naunang si Mon.

Pagkarating namin sa bar ay meron kaagad na kaguluhan. Pagkakita ko pa lang sa mukha ni Noriz ay nakaramdam na agad ako ng taranta. Sht. Ano bang meron.

"What happened?" masungit na sabi ni Jae sa matigas na ingles.

"Sir.. Yung grupo nila Leopoldo, inaway yung grupo nila Flores," nanginginig na sabi ng isang waiter.

Lumapit si Jae sa rumble at sinundan siya ni Mon kaya kahit ayoko eh sinundan ko pa din sila. Inawat ni Jae ang grupo siguro nung Leopoldo pero ayaw pa rin paawat ng gago kaya kwinelyuhan siya ni Jae.

"I said stop. You can't hear me? Do you want to lost your ear? Which one? Left or Right? Or much better.. Both."

Nakita ko kung paano nanginig ang katawan nung kwinelyo niya. Tinakot lang ng unti, nabahag na agad ang buntot. Tsk. Napatalon ako ng may pumasok na mga pulis! At ang sumunod na nangyari ay eto, nasa presinto kami! Bakit kasama ako dito?!

"Pangalan niyo!" sigaw ng pulis na buntis. "Ikaw!" turo niya sa akin.

"JEMIMAH NYASIA SOTOZA!" sagot kong parang sundalo.

"Sunod!"

"Yeun Jae-Ha," malumanay na sabi ni Jae.

"Ramon Felix Garcia!" irita naman si Mon na nagpatawa sa akin.

"Oh kayo dyan!" turo naman ni hepepotamus sa grupo nila Noriz.

"This sucks! Why are we even here?! Jackass.. You let go of the criminals, idiot" sabi nung boyfriend niya nung party... Ang gwapo talaga! Ay, wala ko sa lugar.

"Ano?! Pa-english-englis ka pa! Salita!"

"Tss. Julian Louis Florentino" tinapik niya ang katabi.

"Ian Flores," sabi nung isang gwapo.

"Oh.. Ikaw! Dami niyong arte!" sabi ni hepe at umupo, napagod na 'ata.

"Kaasar. Cian Noriz Silverio"

Wow! Ang ganda naman ng pangalan nilang magkakaibigan.. Lahat may -ian, astig!

"

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum