CHAPTER 37

161 2 0
                                    


FM37.

Malamig ang hangin dito sa labas ng airport at ang tagal dumating ng dalawang malalandi na yun. Naiinip na ako kaya tinanggal ko ang rayban ko para makakita ng isang modelo sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay at naglihis ng daan, assuming.

"Jem!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Flor at Cel katabi iyong poging model. Common friend, huh? Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap si Cel at Flor.

"What took you so long?" sabi ko habang tinapik ang buhok ni Flor.

"Hello?! Tomorrow is our wedding, remember?" bulyaw ni Cel.

"Yeah.. Whatever."

"By the way, this is Caesar Martinez. He's my model," pakilala ni Cel sa katabi niyang lalaki.

"Hi.. Your name is?" sabi niya sa matigas na english accent.

"Jemimah.. But call me Jem," nakangiti kong sabi at inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Nice name," nakangiti niyang sabi.

Tahimik lang ako habang papunta kami sa tinitirhan nila pero ang ingay ng tatlong 'to. Yung event nila kagabi ang pinag-uusapan nila habang reaksyon naman ni Noriz ang iniisip ko. Tama ba yung ginawa ko? Pero tama ba yung ginawa nila sa akin? Pumikit ako at napapaisip talaga ako. 3 days lang naman ako dito, wala namang mawawala sa akin dahil ang meron lang ako ay ang sarili ko.

Abala ang lahat kinabukasan at ang Cel na 'to, binato lang yung gown ko! Hirap ng ganito, ikaw pang magsusuot ng mga dahon na 'to sa ulo. Olympus ang theme at eto ako.. Feeling Aphrodite.

"Hey! You look pretty!"

Tumingin ako at nginitian siya. "Thank you.. And you look Julius Caesar," at tumawa ako.

"So you can be my Queen?" tinitigan ko si Caesar dahil sa sinabi niya. "I'm just kidding," sabi niya at sumandal sa mesa kung nasan ako.

"I know you are," naka-ngiti kong sabi.

Nagsimula ang entourage at tumugtog na din ang isang pamilyar na kanta.. Di ko lang maalala ang title. Nagpalitan sila ng bow at talagang naiyak ako sa sinabi ni Flor. Kaya siguro hindi sila nagkatuluyan ni Noriz, dahil nga sabi niya.. Si Cel ang tadhana niya.

"Use this.. Just don't sneeze," sabi nitong pasaway kong katabi.

"Thank you," at inabot ko ang panyo na.

Pagkatapos ng ceremony ay dumiretso agad kami sa reception. Hindi kagaya kanina ay hindi ko na pwedeng kasabay si Cel kaya eto at dito ko sumabay kay Caesar.

"When are you going back?"

"On sunday," tipid kong sabi.

Tumango siya at napansin ko ang pagtingin niya sa akin. "I'll be going to Manila for the international summit. You could be my guide since I'm your driver here."

Ang hangin talaga nito, parang si-

"Sure.. No problem," ngiti kong tugon sa kanya.

Nagpa-party na sila pagdating namin dahil dito lang naman sila sa pool area ng apartment. Talagang close wedding ito dahil iilan lang ang tao, nakakahiya man pero malaki ang pasasalamat ko kay Caesar na palagi siyang nasa tabi ko, kaya di ako nabo-bored.

"So, what are you doing in Manila?" nakangiti niyang tanong.

"I'm a Radio jockey," ngiti ko ding sagot.

"Really?! Now I understand why you have a beautiful voice."

Nagulat ako sa sinabi niya at natawa. "Wow. Thanks for the compliment!"

Napansin kong papalapit sina Flor kaya tumayo ako para batiin ulit sila for the nth time!!!

"Congrats! Naku Cel, ano talaga yang damit mo?" nakangiti kong sabi at sadyang nagtagalog para hindi ma-offend ang mga kaibigan nila.

"Pagbigyan. Teka, maiba ako. Type mo si Caesar ano?"

Napasilip ako kay Caesar na kausap si Flor at ayoko sa tumatakbo sa isip ko kaya tinignan ko ng masama si Cel.

"Wag mag-issue dito.. Okay?"

"Mabait yan."

Tumawa ako. "Nirereto mo?" at nagtaas ako ng kilay.

"Oo," tawa niya pabalik.

Pagkaalis nila ay naiwan na naman kaming dalawa dito, nagpatuloy siya sa pakikipagkwentuhan at dahil nabanggit na din ni Cel. Mukhang dinidiskartehan ako nito.

"Are you a model? Or you have other career here? I heard that people here can have multiple jobs?"

Ngumiti siya. "This is my part-time job and I can't leave Cel because I'm her lucky charm," natawa ako sa sinabi niya pero hindi ako nag-comment kaya nagpatuloy siya.

"I owned the firm."

Nanlaki ang mata ko, ibig sabihin ay boss siya ni Cel? Natawa ako at nagsorry.

"I thought you are her friend."

"Yes I am," nakangiti niyang sabi.

"So you're a designer?"

Tumawa siya at umiling. "No. I graduated engineering at Oxford University. It's just that my Mom died few years ago, and my sister doesn't want to handle the firm, that's why was left and handle it for the sake of my mom," nakangiti pero malungkot niyang sabi.

Naiinggit ako sa sinabi niya at ewan ko kung bakit ko siya biglang niyakap na panigurado ay nagpagulat sa kanya.

"I'm sorry. I don't have my parents with me also, Sisters told me that they died from an accident. That was the reason why my relatives brought me to the Orphanage" mapait kong sabi. "Where I met Cel. She's the leader of our group and she helped us all get out but I stick with her, because for me, she's like my mother. Please take care of her here."

Ngumiti ako habang tahimik lang siyang nakinig. Ginulo niya ang buhok ko at tumawa.

"I will. Stop the drama please," biro niya sa akin.

Sumimangot lang ako pero tumawa din dahil sa nakakatawa ang mukha niyang nagtataka kung nababaliw na ba ako o ano. Hinampas ko siya at nagbiro ng kung anu-ano.

Sige, Maglaro Tayo! (Talo Ka Na)Where stories live. Discover now