''What's happening here?'' agad naman tumigil ang dalawa na pag agawan ako dahil dumating si Maximillo na nakasalubong ang kilay agad naman akong sabay na binitiwan ni Ana at Rose at patay malisyang umalis si Ana habang si Rose naman ay may inabot pa saakin na box ng chocolate.





''Para s'yo 'yan Irog ko mula sa puso ko 'yan. Sige see you Irog ko love you!'' pag papacute ni Rosercl saakin ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat pag lingon naman ni Rosercl ay natamaan n'ya si Maximillo.





''Ah meron ako para s'yo.'' Mayamaya ay sabi ni Rosercl at may inilabas at inabot kay Maximillo hindi ko napigilan ang matawa ng Makita kong binigyan n'ya ito ng isang piraso ng choconut nakita ko ang masamang tingin na binigay ni Maximillo kay Rose ngumiti lang si Rose sa kanya.





''Wag na you choosy mapapanot agad ang buhok mo dapat smile lang pak ganern!'' sabi lang ni Rose at bago umalis ay kumaway nanaman saakin kaya naman kumaway ako pabalik.





''Bakit ka nga pala nandito sa baba Max? Diba dapat nasa meeting room ka?'' tanong ko kay Maximillo s'ya kasi ang Boss namin at may meeting kami sa araw na 'to para sa fashion event na gagawin namin.




 

''Akala ko kasi ay mahihirapan ka na pumasok sa loob dahil sa dami ng babae kanina na naka paligid s'yo habang nasa 15th floor ako.'' walang emosyon lang na sagot ni Maximillo habang nasa elevator kami napa ngisi ako ng makitang hawak pa 'din n'ya ang choconut na binigay ni Rose sa kanya.





''Hindi mo ba niyaya si Rosercl na mag date ngayon? Valentines pa naman.'' Naka ngising tukso ko.





''Who the hell is Rosercl? And what the f*ck is Valentines?'' masungit na sagot ni Maximillo at na una ng lumabas sa elevator mahinang natawa na lang ako sa sagot ni Maximillo.




----------------

Thea's POV




Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang kilalang bar walang iba kundi ang Silver Bullet Bar mabilis na pumasok ako sa loob konti lang ang tao sa araw na 'to paano ba naman kasi ay valentines day ngayon kaninang umaga ay puno ng mga bulaklak ang 'akala ko pa ay All Saints Day pero ng makita ko sa kalendaryo ay Valentine's Day pala.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon