Pagpasok namin bumungad sa amin ang isang babaeng may katandaan na rin at nakasuot ng eyeglasses, bumaling naman ako sa kanyang maliit na mesa at tumingin sa isang kahoy na may pangalan niya kung hindi ko nagkakamali at sa ibaba noon ay may nakasulat na store manager.

" Mag aaply ba kayo?" may awtoridad na tanong niya sa amin.

"Opo, mag aapply po sana kami." nakangiti namang sagot ni Jade. Tumingin siya sa amin mula ulo hanggang paa.

I mentally rolled my eyes, ang istrikta naman ata ng manager na ito.

"Kayo dalawa ba ang mag aapply?" tanong niya. Kahit na hindi ko masyadong nagustuhan ang inasal niya ay may ngiti akong tumugon sa tanong niya.

"Yes po." sagot ko.

"I'm sorry pero isa lang ang bakanteng position dito. At all around ang trabaho dito, ikaw ang magiging cashier, tagalinis, at taga inventory." napatingin ako kay Jade, sa aming dalawa siya ang mas may kailangan ng trabaho, may maintenance ang mama niya at may kapatid pa siya.

"Ah, hindi na lang ako mag aapply." tumingin ako kay Jade at ngumiti sa kanya. Shocked is visible in his face.

"Ano ka ba Kail pano ka na?" naguguluhan niyang sabi. Ngumiti lang ako ulit sa kanya.

"Mas kailangan mo ang trabaho na ito kesa sa akin. Okay lang ako and i'm sure may mahahanap rin akong trabaho." ngumiti ako sa kanya. Niyakap niya ako at lumabas na ako sa office.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit nangyayari ito sa akin ngayon?

Araw-araw akong naghahanap ng trabaho at 1 week na akong walang mahanap. Lahat ng maliliit na business ay pinapasahan ko na ng resume at application letter ko pero wala pa akong natatanggap na tawag.

Nakakatuwa lang isipin na noon ay ayaw kong magtrabaho, ni ang pagluluto, paglilinis, at paglalaba ay wala akong plano pag aralan. Pero ngayon ay hindi na ako mapakali kapag naka upo lang ako. Gusto kong may gawin ako. People really does change. At ngayon kapag minamalas ka nga naman, pinasara na ang restaurant na pinagtrabahuan ko for how many years at wala akong mahanap na trabaho.

Paubos na ang naitabi kong pera, buti na lang at nakapag bayad ako ng 2 buwan sa apartment, ang problema ko ay ang pagkain ko.

Time check it's 5:30 na nang hapon at palakad lakad pa rin ako sa kalsada. Nakakapagod na rin maghanap ng trabaho. Kung wala mang hiring ay hindi naman ako natatanggap. Nagpasya na lang siyang umuwi at bukas na lang ipagpapatuloy ang paghahanap.

Pagkatapos na maglinis at hugasan ang mga pinagkainan ko ay nagpasya akong i-open ang laptop ko. Kailangan ko kasing i check ang email ko baka may mga tugon na duon na tungkol sa trabaho. At may online job din ako. Noong mga nakaraang buwan ay pumasok ako sa pagtututor sa online.

Tunitignan ko ang email ko pero  wala pa akong nababasang tungkol sa trabaho. Pero may mga email akong natanggap mula kay Krys. Mga ilang taon na rin siyang nag memessange sa akin pero hindi pa ako tumutugon sa kanya.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bag ko.

Unkown number calling...

Kahit papaano ay nabuhayan naman ako baka isa na ito sa mga pinag pasahan ko ng resume ko. Agad ko naman iyong sinagot.

"Hello po?" nakangiti kong sabi sa kabilang linya.

[Hi are you Ms. Kail Venn Vergas?]

Parang sa trabaho ko nga ito. Umayos ako ng upo at kinakabahan na sumagot, sana naman ay matanggap na ako sa pagkakataong ito.

"Opo, this Kail speaking?"

[I just want to informed you na may interview ka po pala this coming Tuesday, 9:30 am sa Quezon St. Velasco Bldg. 6 ]

Natuwa naman ako sa narinig ko. Yes salamat naman at may tumugon na talaga sa mga resume na ipinasa ko sa iba't ibang company.

"Maraming salamat po, Maam. I will be their on time?" nakangiti kong sabi sa kanya. Gagalingan ko talaga sa interview na ito para mapili na talaga ako.

[Okay, we will be expecting you.]

"Maam, pwede po bang malaman kung ano ang pangalan ng business niyo?"

[Zalyko's Restaurant, po]

Pinatay na ang tawag at nakangiti akong humiga.

Pero, teka ngayon ko lang ata nalaman ang restaurant na iyon?

May pinasa ba akong resume doon? Agad kong chineck ng mga email ko at wala naman akong nakitang ganoong restaurant. Pero atleast may natanggap akong schedule sa interview ko. Salamat naman at dininig na ang panalangin ko.

Gagalingan ko talaga ang interview na iyon. Sana matanggap na ako. Sana may trabaho na ako.


Note ni Prinsesa:

Hi Maharlika babies! What's up? I hope you all doing great! At sana magustuhan niyo ang chapter na ito. And if you do please vote and comment below. Love ya all. Always remember that ;>

And if you want dedication please follow me and message me or comment down below ;>

Edited and revised ☑

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora