Chapter 21 : Twisted

Start from the beginning
                                    

"Sino hinahanap mo?" Nagtatakang tanong ni Aphro sa akin, kasama niya si Lyoneil.

"Si.. Noxx. Nakita niyo ba siya?" Tanong ko sa kanila

"Hindi e. Ang alam ko, hindi siya pupunta" Sabi ni Lyoneil kaya napakunot noo ko. Huh? Hindi pupunta? E kasali siya sa basketball team ah?

"Bakit? .. Hindi ba kasama siya sa basketball team?"

"Bukas pa naman ang schedule ng laro sa basketball e" Sagot ni Aphro. Tumawa siya at may inabot na papel sa akin.

"Schedule 'yan para bukas. Lam mo na'' Sabi niya at tinapik pa ang balikat ko bago sila maglakad papalayo sa akin

So.. Bukas ko pa siya makikita?


APHRODITE WU POV

Nakaupo kami ni Lyoneil dito sa may café sa loob ng Campus. Pinalagay nila 'to para raw may matatambayan naman ang mga students at visitor. Yeps, may mga outsider ngayon dito sa school.

"Tumingin ka kasi" Sabi niya habang tinataas na naman ang kaniyang cellphone.

"Ayoko nga. Gusto ko kunyari stolen" Sabi ko naman.

Kanina pa kasi siya nag pipicture. At kanina pa rin ako hindi natingin sa camera.

"Tsk. Wag na nga. Bahala ka diyan" Sabi niya at kinuha ang bag niya at aalis na sana ng hilahin ko siya pabalik. Kalalaking tao, magwawalk out?

"Eto naman, napaka matampuhin" Sabi ko at niyakap siya mula sa likod. Eeeiy-- Kahit ako nacocornyhan sa ginagawa ko. Pero ewan, ayos naman sa pakiramdam e.

"Pero oy mamaya ka na magdrama. Tara na muna 'dun sa may rooftop. Baka umayaw pa 'yung manok naten e." Sabi ko sa kaniya at hinila siya papunta sa may rooftop para puntahan si Noxx.

He made a surprise for Aina. Kahapon pa nga siya nagrereherse, kakanta kasi ang loko. Secret Love Song daw kasi 'yun ang favorite na kanta ni Aina ngayon.

Pumunta kami ni Lyoneil sa may rooftop habang magkahawak ang mga kamay. I really don't like skinship or physical contact pero kapag si Lyoneil ang gumagawa, parang okey lang. Parang nagugustuhan ko na rin.

"Kinakabahan ako" Sabi agad sa amin ni Noxx pagkarating namin sa rooftop.

"Kabahan ka kapag hindi pumunta rito si Aina" Sabi ko sa kaniya

"Wag mo siyang takutin. Pupunta si Aina rito. Sigurado 'yun. Hinahanap nga niya si Noxx kahapon diba?" Sabi naman ni Lyoneil, para siguro i-assure si Noxx na pupunta rito sa rooftop si Aina. At hindi masasayang effort niya para sa surprise na 'to.

Biglang bumukas ang pintuan ng rooftop kaya napatingin kami roon.

"Hanie?" Sabi ni Noxx kaya napakunot ang noo ko.

"Aww. Ang sweet mo naman Jimuel. Hinanda mo 'to para sa akin? I love you babe"

Sino siya?





ROSELYN JASMINE EUN POV

Magkasama kami ni Athena rito sa loob ng caféteria. Napansin ko lang, laging ang tahimik ni Athena. Parang lagi siyang may iniisip. Siguro dahil sa dalawa niyang manliligaw na sila Clyde at Anthony. Siguro nahihirapan siyang mamili kung sino ang sasagutin niya noh?

"Bakit ganyan ka makatingin sa'ken?" Tanong niya kaya nagulat ako. Luh? Nahalata niyang nakatingin ako sa kaniya?

"Wala lang" Sabi ko

"Naku, miss mo na agad si Brandon? Kung ako sa'yo itatali ko na sa tabi ko 'yung boyfriend mo para hindi malandi ng iba." Seryosong sabi niya pero alam ko namang nagbibiro siya. Ganiyan naman 'yan e.

"Bigyan mo ako ng lubid para maitali ko" Sabi ko sabay tawa.

"Geh. Bibilhan kita mamaya. Gano ba kahaba ang kailangan mo?" See? I told you. Nagbibiro lang sya. Ang bait na kaya ni Brandon. I know kahit may maghubad na babae sa harapan niya ay hindi niya iyon papansinin dahil loyal siya sa akin.

"Ikaw na lang bahalang tumansiya kung gaano kahaba"

"Speaking of. Sige babye na" Sabi niya atsaka iniwan ako rito. Lumingon ako sa likod ko at napangiti ako ng makita ko si Brandon . Ngumiti siya at kumaway sa akin.

Pagkalapit niya ay hinalikan niya ako sa pisngi at naupo sa tabi ko.

"Bakit umalis si Athena?" Tanong niya sa akin

"Ayaw ka raw makita. Haha joke. Malay ko dun" Sagot ko sa kaniya.

"Payakap nga. Namiss kita" Sabi niya at niyakap ako. Kinurot ko naman siya sa may tagiliran. Miss daw? E magkasama lang kami kanina bago siya pumunta sa Gym para kausapin ng coach ng fourth year.

"Si Aina 'yun diba?" Sabi ni Don at itinuro ang babaeng naiyak na kadadaan lang sa harapan namin.

Si Aina nga.

Pero bakit siya naiyak?

May nangyari ba?






ATHENA WU POV

Naupo ako rito sa loob ng office habang pinag iisipan ang ilang mga bagay na pinoproblema ko.

Hindi ko pinoproblema sila Clyde at Anthony dahil noong isang araw ko pa sila pinatigil sa panliligaw.

Nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Kuya Stephen Calling

Sinagot ko iyon at siniguradong  nakasara ang pintuan ng office.

Hello kuya
Hello Athena. Regarding to your suggestion.. My answer is..I don't know. They want her to marry that guy
Just tell them kuya. Ako na lang.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now