◇CHAPTER 5◆

Zacznij od początku
                                    

"Bagay sayo ngayon ang suot mo.."

hindi ko napigilang ngumiti sa kanya at tablan ng tinatawag nilang Kilig sa katawan,masaya pala maging tao.iba't-iba ang nararamdaman sa bawat salita na naririnig.

"Salamat,Alis na ko.."sabi ko at pumunta na sa sasakyan.sumakay na ko at nilingon ulit si Shawn na tumalikod na para pumasok sa bahay.

"Ganda ngayon ng date ko.."nilingon ko naman si James.ngumiti siya sa akin at kinindatan ako.naiiling kong sinuot ang seatbelt at umayos na sa pagkakaupo.

"Alam ko na kung saan kita dadalhin.."narinig ko pang sabi niya.

"Okay lang sa akin kung saan..."turan ko naman sa kanya.

------------------------------------------------------

-Cody

Walang humpay na sayawan ang aming ginawa ni Luna kasama ang mga estudyante dito sa School,nakakabingi ang malakas na tunog at siguradong mapapaindak ka talaga.lahat ng mga tao sa paligid ay sumasayaw at nakikitawa sa mga kasamahan nila,kami naman ni Luna ay hindi nagpatalo sa kanila.sinusunod namin ang bawat ritmo ng tunog habang umiinom ng Wine.

"Oh M G! Cody"tinignan ko si Luna.

"What?"Nagulat ako ng biglang may humaplos sa bewang ko at naramdaman ko ang pagdikit niya ng katawan sa likod ko,lilingunin ko na sana ang lalaking yun pero bigla nitong hinawakan ang baba ko sabay bulong sa akin.

"Relax Cody,si Eron to.."paos nitong bulong sabay buga ng hangin sa tenga ko.

Humarap ako sa kanya,nagtataka ako kung bakit nandito siya at sa kilos nito,Never in my entire life na ganito kapangahas gumalaw si Eron..

"Eron?why are you here?"tanong ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay dinikit pa niya lalo ang katawan sa akin at hinawakan ako sa bewang ko,sumayaw ito ng dahan-dahan habang nakatingin na....I don't like this,nang-aakit siya.

"Eron,lasing ka ba?"tanong ko.

"No..."natatawa niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinaikot ako.

"Ayaw mo ba akong makasayaw?"tanong pa niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at sinabayan siya sa pagsasayaw,kahit naninibago ako sa kanya ay hindi ko na lang pinansin yun.walang malisya ito sa akin dahil magkaibigan kami.

"Ang Hot mo ngayon sa ayos mo..Sinong babae yan?"pabiro kong tanong habang nakatingala sa kanya.hinawakan ko ang butones ng polo niya at sinarado ko yun,nakikita na kasi ang hulmadong dibdib niya.hindi ako komportable sa ginawa niya sa polo,hindi ko pa siya nakikita na ganun manamit.

Narinig ko itong tumawa dahil nakita niya ang ginawa ko.

"Don't ever do that..."sabi ko tapos malumanay na sumayaw dahil sa pagod,hinanap ko si Luna sa tabi ko pero hindi ko siya nakita.

"Where is Shawn?"tanong niya,kumunot ang noo ko hindi dahil sa tanong niya kundi sa mata nito,kahit medyo madilim dito sa sinasayawan namin nakikita ko ang kulay dilaw at parang ahas nitong mata.Wait,No lasing na siguro ako..

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz