Chapter 19 : Coward

Start from the beginning
                                    

"Wala" sabi niya kaya umayos na ulit ako ng upo

"Namiss lang kita" sabi niya kaya nabitawan ko 'yung ballpen na hawak ko. Hala. Ano raw? Miss? Bakit niya ako mamimiss? Kasi wala siyang maasar? Kasi wala siyang araw na masira?

"Ano?" pagtatanong ko sa kaniya para ulitin niya 'yung sinabi niya.

"NAMIMISS KITA. HINDI MO PA RIN MARINIG? MISS KITA BRENDA AINA SOO!" sigaw niya kaya napatahimik maging mga kaklase ko, napalingon ako at nakita kong nakatingin silang lahat samen. Dito pa naman kami sa may unahan naka-upo, para tuloy may instant teledrama silang pinapanood.

"Eh?" tangi kong naisagot dahil sa pagkagulat ko. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil sinabi niyang namimiss niya ako, o di kaya Malulungkot dahil aasa na naman ako dahil sa sinabi niyang 'miss' niya raw ako.

"I SAID I MISS YOU AINA" sigaw na naman niya kaya napatakip ako sa tenga ko

"'Wag ka ngang  sumigaw, magkalapit lang tayo e"

"Eh kasi parang hindi mo narinig e" inis niyang sabi kaya napangiti ako. Para kasi siyang batang hindi nabilhan ng robot na gusto niyang bilhin.

"Talaga ba? Miss mo ako" pang aasar na tanong ko sa kaniya

Tumingin siya saken na para bang nahihiya pagkatapos ay tumango-tango, "Sobra" sabi pa niya kaya feeling ko nagbablush ako. Idagdag pa ang pang-aasar sa amin ng buong section namin.

"Ingay niyo ah? Ano meron?" tanong ni Athena na ngayon lang nakapasok sa room, kanina pa kasi 'yan sa SC Office e.

"Nagkaka aminan ng feelings dito Athena" natatawang sagot sa kaniya ni Jas kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Ahh.. Feelings nino?"- Athena

"Si Aina president" sagot nung isa kong kaklase . HALA? AKO? ABA?! KAPAL NAMAN NG MUKHA NETONG HIPON NA 'TO!? AKO? EH INOSENTE KO NGA! WALA AKONG ALAM SA MGA NANGYAYARI!

"Oy Jolo don't me! Aba, ako ba ang nakaka miss? Hindi diba? Siya kaya" sabi ko sabay turo pa kay Noxx

"Pfft-- Just ignore them guys, looks like they need to talk privately kaya tara sa gym, dun na muna tayo" sabi ni Athena kaya nagsi dunuran naman ang mga kaklase namin. Tumayo kami ni Noxx para sana sumama sa kanila kaso pinagsaraduhan na kami ni Brandon ng pintuan at mukhang ni-lock niya iyon mula sa labas dahil hindi namin iyon mabuksan.

"Aish! HOY BRANDON KIM! PAPALIITIN KO LALO 'YANG HEIGHT MO KAPAG NAKALABAS AKO RITO" sigaw ko pero mukhang wala na naman sila dun sa labas kaya wala na 'yung saysay.


NOXX JIMUEL LEE POV

Naka upo lang kami rito sa sahig habang nakasandal sa pader. Tahimik siya kaya tumahimik na lang din ako, pinag iisipan ko kung aamin na ba ako na may gusto ako sa kaniya o 'wag na lang. Baka kasi mamaya ma-reject lang ako, ayoko ng narereject. All my life pinaramdam saken ng mga adopted siblings ko na hindi ako kabilang sa pamilya nila, everytime i feel rejected by them. Buti na nga lang at mabait ang adoptive parents ko, dahil sa kanila nakayanan ko ang pangungutya saken ng mga adoptive siblings ko at maging ng ibang tao everytine na malalaman nilang ampon lang ako. Oo, ampon lang ako. Baby pa lang ako, nasa bahay ampunan na ako. Kaya nga one time dinala ko si Aina sa isang ampunan na lagi kong pinupuntahan.

"Tahimik mo ata ngayon Noxx?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya, nakatingin lang siya sa unahan niya. Ang ganda niya talaga.

"May iniisip lang" sabi ko sa kaniya

"May problema ka? Share mo saken, baka matulungan kita" sabi niya habang nakangiti

Matutulungan mo ako? Sana nga

"May kaibigan kasi ako, hindi mo siya kilala. Problema niya 'yung nararamdaman niya para sa isang babae. He does'nt know what to do, kung sasabihin niya ba o hindi. He's afraid of what might happen after he tells his feelings for her. Pinag iisipan ko kung ano i-aadvice ko sa kaniya" pagsisinungaling ko. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa feelings kong 'to para sa'yo. Everytime na nakikita kitang masaya kasama si James, umaatras na ako at parang naiisip kong mas maganda kung si James na lang ang para sa'yo at hindi ako.

"Aahh.. 'Yun ba? Sabihin mo sa friend mo, he should tell his feelings to the girl. At kahit anong mangyari pagkatapos nun, he should accept it. Atleast nasabi niya kay girl 'yung feelings niya diba? Edi wala siyang pinagsisihan unlike kapag hindi niya sinabi tapos nagka jowa si girl edi nagsisi siya dahil hindi man lang niya sinabi kay girl na mag gusto sya sa kaniya" sagot nya kaya mahinang napangiti na lang ako.

I'm sorry i can't. Im such a coward but i really can't confess my feelings for you.

LOVE AND SACRIFICES [COMPLETED]Where stories live. Discover now