Chapter 2 • 2/2: Messed up

342 46 5
                                    

Emma

"Teka, nasaan si Bella?"

I heard Ralph kahit na nakasandal ako rito sa kabilang side ng van ni Bella. Narinig ko siyang sunod na napamura. Nago-over reacting na naman siya. He have this condition na ganoon. Napatitig ako sa lupa nang may maisip akong idea. A very good idea. Umalis ako sa pagkakasandal sa van at pasimpleng nagtatakbo papunta sa kalsada na wala paring katao-tao o kasasa-sasakyan.

"She's gone!" I exclaimed nang makapunta ako sa kalsada. Itinaas ko ang kamay ko at nag-inarte na para talagang totoong nawala siya. Nagsitakbuhan papunta sa akin si Ralph at Moises. Parehas na may bahid ng pagkabahala ang mukha. Gusto kong matawa pero kailangan kong magpigil.

"Anong sinasabi mo?!" tanong ni Ralph habang inililinga-linga ang mata sa kaliwa at kanan na kalsada.

"What did you say?!" paguulit ng tanong ni Ralph. Nakaramdam ako ng guilt pero this is just a trip. Nandoon lang naman si Isabella sa banyo sa malayo.

"I saw her na sumakay sa isang black car kani-kanina lang!" pagda-drama ko. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa at napasabunot naman si Ralph sa buhok niya. Nagtatakbo siya sa kaliwang way ng daan, papalayo.

"Which way? Pauwi na ba?" inis na tanong ni Moises sa harapan ko. Pinigilan ko ulit matawa! He's cute. But Austin's way cuter.

"No. Papunta sa way na 'yun." turo ko papalayo. Narinig ni Ralph ang sinabi ko kaya agad siyang bumalik sa amin at dumiretso na sa van. Oh, talaga bamg paniniwalaan nila ang maliit kong drama? Agad akong napatingin kay Moises nang madiin n'yang hinawakaan ang braso ko.

"What? Let go." matigas kong sabi. Pero tinitigan niya lang ako na habang ineeksamin kung totoo ba ang sinasabi ko.

"Totoo ba 'tong sinasabi mo?" bulong niya sa akin. Napairap ako at agad na hinablot ang braso ko sa madiin na pagkakahawak niya. Kahit kailan talaga napakaepal niya. Eh, kaya ko lang naman siya nilalandi ay para mapalapit ako kay Austin. Gusto ko siyang pagselosin para malaman ko kung gusto niya rin ako. Pero dahil napakaseryoso ni Aus, wala pa akong napapala ngayon. Sa ngayon.

"Of course that's true Moises!" walang pagaalinlangan kong sagot. Hindi ko na mababawi pa lahat ng pinagsasabi at pinagaacting ko kanina. And besides, iritang-irita narin ako kay Isabella. Masyado siyang maganda para sa paligid ko. Ayaw kong nasasapawan niya ako.

"HEY, LET'S GO!" rinig naming sigaw ni Ralph doon sa loob ng van kaya agad kaming nagtatakbo papunta roon sa may gas station kung saan nakapark ang van. Pinauna ako ni Moises sa pagpasok.

"Anong nangyayari?" pagtatanong ni Austin nang makapasok kami sa loob. Inalis niya ang headset niya at pupungas-pungas na tumingin sa akin. Nakakatuwa na wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Kung kasya pa ang isa dun sa likod, sa inuupuan niya, dun na ako umupo.

Umiling iling ako at tipid na ngumiti. "Wala, gutom lang kami." sagot ko sa kaniya. Nakita ko siyang tumango-tango at inilayo na ang paningin sa akin. Sinuot niyang muli ang headset na nakasabit sa leeg niya at pumikit. Napangiti ako, napaka gwapo niya talaga. Napaungol ako nang mapaumpog ang ulo ko sa headchair ng upuan ng biglang pinaharurot ni Ralph ang van.

"Ayos ka lang?" pagtatanong ni Moises. Tumango ako sa kaniya at agad na napatingin sa labas nang may mahagip ang mga mata ko. I saw Isabella running behind us.

"B-Bilisan natin Ralph!" pasimple kong sigaw dahil baka makita niya si Emma sa side mirror. Mas binilisan naman nga ni Ralph ang pagpapatakbo sa van at naiwan na ang girlfriend niyang bitch sa gasolinahan. Tumingin ako sa labas at pasimpleng ngumisi.

Road KillWhere stories live. Discover now