Chapter 6 • 1/2 : Her Phone

341 34 5
                                    

Austin

"P'wede ba muna tayong magstopover?"

Agad akong kinabahan nang magsalita si Moises sa kalagitnaan ng mariing katahimikan. Hindi ko alam kung ito na ba yung simula ng gagawin niyang palabas pero hindi ko parin talaga mapigilang kabahan. Tumingin sa amin si Ralph sa rear view mirror na nasa unahan at saka nagsalita.

"Sure. Pero sa'n naman tayo magsta-stopover dito, eh puro kaparangan na dito?" sabi ni Ralph habang inililinga-linga ang paningin sa magkabilang panig ng van.

Tama sya. Nasa kalagitnaan na ulit kami ng kaparangan hindi katulad kanina na may mga nagtataasan pang mga puno sa dinaraanan namin. Hindi ko na maiwasang hindi magtaka sa hiwagang dala ng lugar na 'to. Para na kasi kaming nasa ibang lupalop.

"Yeah, we need to stop-over." sabi ng nagpapanggap na si Isabella. Napalunok ako nang mapansin ang kaibahan ng boses niya sa tunay na kaibigan naming si Bella. Sa unang beses, hindi mo mapapansin 'yon, dahil nadin sa mukha niyang kahawig na kahawig ni Bella lalo na ang medyo natural brown niyang buhok. Pero kapag sinuri mo ang kabuuan niya, sa katawan, pananalita, pagbuka ng bibig, sa boses, iba ang lahat ng iyon.
And that is fucking creepy.
Hindi ko rin mapigilang hindi bumilib kay Moises dahil sa angkin niyang galing kung manuri. Pero hindi ko parin alam kung tama ba ang iniisip namin; kailangan ko pa ng kaunting ebidensya.

"Okay lang ba kayo na magstopover tayo rito?" tanong ni Ralph. Nagising ang natutulog na si Emma at may itinanong s'ya sa katabi n'yang si Moises. Hindi ko na pinakinggan kung anong pinaguusapan nila dahil ayoko rin namang maging chismoso.

"Nawiwiwi narin ako."

Lahat kami napahinto ang iniisip sa narinig mula sa nagpapanggap na si Isabella. Nakita ko pa nga si Emma na nanlaki ang mga mata tapos nagpipigil ng tawa. Isabella doesn't use a single word like that. Classic siyang magsalita na hindi mo kakakitaan ng salitang wala sa dictionary. You know what I mean. Kaya nakakapagtaka rin kung magsasalita siya ng word na ganun.

Lumingon si Ralph dito sa likuran namin. Hindi ko alam kung napansin din ba niya ang salitang sinabi ng pekeng girlfriend niya. Hindi ko rin naman kasi siya nakitang nagbago ang expression. Tumabi ang van papunta sa may kanang daan at doon nagpark. Buti nalang at sunod-sunod na ang mga highway lights dito dahil kung wala manlang kahit isa, mas katatakutan ko ang lugar na 'to.

"Austin! May lighter ka?" tanong sa 'kin ni Emma nang tingnan n'ya ako. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ikaw Moi, meron ka?"

"Nope. I think, meron s'ya." sagot ni Moises kay Emma sabay turo sa babaeng nasa labas ng van. Napalunok ako dahil nararamdaman kong hindi ko gusto ang maaaring gawing palabas niya. Kung ngayon man niya gagawin 'yon o mamaya pa, sa tingin ko magkakagulo.

"Si Isabella may lighter are you serious?" natatawa-tawang sagot ni Emma habang nagkakalkal ng gamit niya sa kaniyang bag. Hindi sumagot si Moises at nauna nang bumaba na ng van.

"Mayro'n s'yang yosi, 'di imposibleng mayro'n s'yang lighter." bulong ko. Hindi ko alam kung ano ng mararamdaman ko. Bakit ba humantong sa ganito ang lahat? Oo, naitanong ko na 'to sa sarili ko kanina, pero, bakit?

"Emma." pagtawag ko sa kaniya nang bababa na sana siya ng van. Humarap siya sa 'kin at naghintay ng sasabihin ko. "Hmm?"

"Uhhh, n-nothing." sagot ko. Ngumiti mun siya sa akin bago lumabas ng van at sinabi n'ya rin na bumaba narin ako kaagad. Kinuha ko ang phone ko at napamura ako ng makitang 4℅ nalang ang battery nito. Gusto ko sanang itext si Mama sa kalagayan namin pero kanina pang walang signal. Shinut-off ko muna ang phone ko bago ko ilagay sa bag atsaka lumabas ng van.

"Ready?"

Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Moises na nakasandal sa nakabukas na pintuan ng van.

"I don't want to be ready kung gagawa ka ngayon ng kabullshitan." mariin pero maingat kong sabi sa kan'ya. Lumapit ako sa kanya at tinitigan s'ya sa mata.

"Gusto mo ng ebidensya 'di ba? P'wes, ito ang una." may kinuha s'ya sa bulsa n'ya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano iyon. Ang cellphone ni Isabella.

Road KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon