Chapter 23: We should'nt trust her!

144 16 1
                                    

Moises

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita at nailigtas na namin, wait, nailigtas pala ni Ralph si Bella, o mag-aalala ako dahil hindi ko alam kung nasaan na si Austin o kung ano nang nangyari sa kaniya.

Nang makababa na kami sa hagdanan, hinawi ko ang kurtina para makadaan muna sina Ralph at Bella, bago ako. Natigilan kaming tatlo nang may marinig kaming pagsigaw ng isang babae. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak ni Bella sa braso ni Ralph. Natatakot siguro siya. Sino ba namang hindi? Nagkatinginan silang dalawa at puno ng pagkaawa ang mukha ni Ralph para sa kaniyang minamahal.

 "Moi, tara na. Ayaw ko nang makita pang natatakot si Bella." bulong ni Ralph habang nakatingin siya sa akin. Nagdadalawang isip ako. Paano kung nasa panganib si Austin? Paano kung pagkalabas na pagkalabas namin sa loob ng bahay na 'to, may kutsilyo nang nakatarak sa leeg niya? Hindi ko siguro makakayang may mamatay na naman sa amin. Atsaka, kailangan naming maging buo. Hindi namin siya puwedeng iwan! Oo nga't nakita na namin si Bella, pero paano naman si Aus? 

"Moi.. please. A-Alam kong kaya ni Aus ang sarili niya." sabi ni Bella. Hinawakan niya ako sa kamay kaya naramdaman ko ang panginginig noon. 

"Malakas ang loob kong magkasama sila ni Ms. Adjieda. Police officer si Ms. Adjieda kaya alam kong hindi niya papabayaan si Austin." 

Mapapagkatiwalan ba talaga namin ang police officer na 'yon? Pero naalala ko ang dedikasyon ni Austin na mahanap namin si Bella. Tama si Bella, alam kong kaya ni Austin ang sarili niya. Tumango nalang ako. 

Pinauna ko sina Bella at Ralph na makalabas ng bahay saka ako sumunod. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. 3:20AM. Wala na akong maramdamang pakiramdam. Kahit antok o gutom. Wala na. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya't napapikit nalang ako. Ligtas na ba kami? Wala na bang mangyayaring masama? 

Katulad nina Ralph, naglakad nadin ako pababa ng terrace. Sobrang dumi na ng school black shoes kong suot. Magabok na't may bahid pa ng dugo. Para akong katawan na katawan nalang at wala ng kaluluwa na naglalakad sa kalagitnaan ng maraming sasakyang abandunado. Sumusunod lang ako kina Ralph na nasa una ko. Nilingon ko ang bahay kung saan katabi noon ang malaking australian truck na bumunggo sa amin. Ibinalik ako ang paningin ko sa aking unahan.

Iniisip ko ang mga bagay kapag nakauwi na kami. Malakas ang kutob kong pinaghahahanap na kami ng mga pulis sa bayan kung saan kami nakatirang lima. Wala parin akong ideya kung paano namin haharapin ang magulang ni Emma at kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari. Sigurado akong magbe-breakdown nalang si Mrs. Fallar.

Ang Mama ni Austin, si Ms. Tjake, sigurado akong pinapahanap na niya kami ngayon. Sa oras na malaman niyang hindi kami umattend sa school ng test namin, alam kong paghahahanapin na niya kami. Naipaalam na niya siguro sa mga magulang namin ang nangyayari. Patay ako kay Dad. Bubugbugin ako 'nun pag-uwi at baka mas malala pa kaysa dito ang mangyari sa akin.

Nakita kong napatigil sina Ralph at Bella kaya napatigil din ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang tinitingnan nila at nakita ko na nandito na pala kami sa harapan ng pick-up na pagmamay-ari ni Seira. Pero nanlaki rin ang mga mata ko't agad akong nagtaka. Bakit nandito si Ms. Adjieda? Nasaan si Austin?

"N-Naduwag ako. Sorry." bulong niya habang tahimik na umiiyak nang silipin ko siya sa butas na bintana ng driver's seat. Inalalayan ni Ralph si Bella na makasakay sa likod hanggang parehas na silang makapasok sa loob. Nakatingin lang ako kay officer na kasama namin, pilit ko siyang binabasa pero wala akong makitang butas.

"Bakit mo s'ya iniwan dun?!" hindi ko mapigilawang hindi siya sigawan. Pulis siya at dapat nga siya ang nangungunang dumakip sa mga killer na 'yon! Pero ano 'tong ginagawa niya?

"Babalikan ko si Austin." sabi ko sabay talikod sa pick-up. Narinig ko si Ralph na pinigilan ako.

"Subukan mong umalis, papuputukin ko kaagad 'tong baril sa utak mo." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Unti-unti akong lumingon sa kaniya dahilan para makita ko ang baril na nakatutok sa akin mula sa loob. Nakita ko sina Ralph at Bella na magkayakap sa loob, halatang takot.

Hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan. Hindi dapat namin siya pinagkatiwalaan!

Road KillTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang